Abenida Julia Vargas

(Idinirekta mula sa Julia Vargas Avenue)

Ang Abenida Doña Julia Vargas (Ingles: Doña Julia Vargas Avenue) ay isang pangunahing daan ng Lundayang Ortigas sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan mula silangan pa-kanluran. Isa itong abenidang hinahatian sa gitna ng pangitnang harangan at may anim na linya na dumadaan kalinya ng Abenida Ortigas sa hilaga at Bulebar Shaw sa timog. Sumasaklaw ito sa 2.3 kilometro (o 1.4 milyang) ruta mula Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (ng C-5) sa Ugong, Pasig sa silangan hanggang Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) sa Wack-Wack Greenhills, Mandaluyong sa kanluran. Walang salubong na pakanluran ang daloy ng trapiko sa bahagi ng abenida mula Abenida ADB/San Miguel hanggang sa kanlurang dulo nito sa EDSA.

Abenida Doña Julia Vargas
Doña Julia Vargas Avenue
Pang-maagang-hapong trapiko sa Abenida Julia Vargas.
Impormasyon sa ruta
Haba2.3 km (1.4 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Wack-Wack Greenhills
 Abenida ADBAbenida San Miguel
Abenida Meralco
Dulo sa silangan N11 (Abenida Eulogio Rodriguez Jr. ng C-5) sa Ugong
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Pinangalanan ito kay Doña Julia Vargas y Camus vda. de Ortigas, isang pilantropo at asawa ni Don Francisco Ortigas y Barcinas na nagtatag ng Ortigas & Company Limited Partnership na namamay-ari sa lupaing Hacienda de Mandaloyon kung saan itinayo ang Lundayang Ortigas.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "About OCLP". Ortigas & Company Limited Partnership. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tableau: encyclopedia of distinguished personalities in the Philippines". Ortigas Foundation Library. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-15. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°35′3″N 121°4′3″E / 14.58417°N 121.06750°E / 14.58417; 121.06750