Kabite Tagalog
Ang wikaing Caviteño o Kabitenyo ay isang anyo ng diyalektong Wikang Tagalog na sinasalita sa lalawigan ng Cavite, mula sa Tagaytay hanggang Lungsod ng Cavite sa Pilipinas. Na may pamantayang baryasyon ng wikang Batangenyo. Ang Kabitenyo Tagalog ay maituturing din na isang wikaing galing sa Lumang Tagalog. Ang mga Caviteño ay nagmula sa mga lahok ng lipi ng Batangenyo, Chavacano at Lagunense sa rehiyon ng Calabarzon, daang-taon ang nakalipas.[1][2][3]
Cavite Tagalog | |
---|---|
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Cavite |
Austronesian
| |
Latin (Tagalog or Filipino alphabet); Historically Baybayin | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
Glottolog | bata1300 |
Gramatika
baguhinNasa hanay ng timog katagalugang kasáma ng Batangas, Laguna, Quezon at ang Cavite. Ang pagiging malápit ng Cavite sa Kamaynilaan at Batangas ang naging dahilan ng lahukang Tagalog nito na tunog Batangas, Maynila, at Bulakan. Nakapaling sa tono o punto ng Batangas ang Tagalog ng Cavite sa gawing timog ng lalawigan nito, may kabagalan nga lámang ito at malinaw kung bigkasin. Isa sa mga pinakamatandang lalawigan sa Pilipinas ang Cavite, at dáting kilalá sa katawagang lalawigan ng Tangway, isang pangalang ginamit simula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa palibot ng taóng 1950. Nagmula ang pangalang Cavite sa pangalan ng matandang bayan nito na kilalang Kawit. Naging Cavite ito sa baybay sa Kastila at ang pagdugsong ng puntong eh sa cavit, kaya naging Cavite sa kalaunan. Maraming salita at mga ekspresyon o dagliang pangungusap ang nagbigay kaibahan sa Tagalog ng Cavite kapag ihinambing sa Tagalog ng Kamaynilaan. Bagama't may pagkakaiba ang mga ito, ang pang-unawa sa pakikipagtalastasan ay sumusunod pa rin sa patakaran ng salita ng wikang Tagalog. Narito ang ilang mga pangungusap na di karaniwan sa kamaynilaan.
- 1. Sa biglang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan ay napaigtad ako sa kinatatayuan ko!
- 2. Napagawi ako sa ilat na iyan, mangilanngilan din naman ang ista gaya ng igat, may ulang at katam din naman.
- 3. Sal-itan nga kitang maghalo nireng tilbok sa kawa!
- 4. Saksa ang gulay sa baraka, kitang mamaraka nang abutin natin ang tulpukan!
- 5. Lagyan mo nga nang panangga yaang batang iyan nang hindi laging nauuya!
- 6. Nagdala nga ng bug-ong wala namang kutsara! Magsakol na lang kitang kainin itong dala mong pagkain!
- 7. Oy, binata! Pagkasiwal mo! Piliin mo nga yaang makakaharap mo baka sintugin yang makabangga mo!
- 8. Astang taga-Maynila ka na ah! Kaya lang maitim ka pa rin!
- 9. Nabagu na ang dating daan! Di ko na ito gamay, mahihirapan akong matukoy ang hinahanap ko!
- 10. Sa iyong mga ikinikilos, talastas ko na ang iniisip mo!
- 11. Dumausdos ang sinasakyan namin kanina sa daan! pagkatarik ba naman,ahoy!
- 12: Nagwagi na sa sabong ay nag agaw pa ng manok, singkara na!
Dialas
baguhinKabite Tagalog | Maynila Tagalog | Ingles |
---|---|---|
1. Anlawan | Hugasan | Wash |
2. Asbok | Usok | Smoke |
3. Balatik | Tirador | Shooter |
4. Banas | Inis | Annoying |
5. Bangkito | maliit-na-upuan | Small Chair |
6. Bokter | Paldo | Diss |
7. Bora | Handaan/Kainan | Banquet |
8. Bug-ong | Baon | Snack |
9. Dagukan | Sapakin | Slap |
10. Dalang | Bihira | Rarely |
11. Gulok | Itak | Bolo |
12. Guyam | Langgam | Ant |
13. Isdog | Isod | Move |
14. Kampet | Kutsilyo | Knife |
15. Kanaw | Timpla | Blend |
16. Kawil | Nangawil | Hooking |
17. Liban | Tawid | Cross |
18. Luglog | Palabok | Pancit Palabok |
19. Maruta | Maldita | Damn |
20. Na-tibo | Salubsob | Sliver |
21. Pantyon/Panchong | Sementeryo | Cemetery |
22. Perok-Perok | Gasera | Lamp |
23. Pulo | Gubat | Forest |
24. Prungo | Bubog | Fragment |
25. Pandong/Shorpet | Sumbrero | Hat |
27. Shower | Tsinelas | Fliplop |
28. Sura | Inis/Banas | Annoyed |