Kaligrapiya

biswal na sining na may kaugnayan sa pagsusulat
(Idinirekta mula sa Kaligrapo)

Ang kaligrapiya ay isang biswal na sining kaugnay ng pagsusulat. Ito ang disenyo at katuparan ng pagkakasulat gamit ang makapal na dulo ng instrumentong panulat, isinasawsaw na panulat, o brush, bukod sa iba pang instrumento sa pagsusulat.[1]:17 Isang kontemporaryong pagsasanay sa kaligrapiya ay maaari ring mangahulugang, "ang sining ng pagbibigay anyo sa mga palatandaan sa paraang mapagpahayag, maayos at malikhain."[1]:18

Mga iba't ibang uri ng kaligrapiya sa iba't ibang sistema ng pagsusulat (paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas): baybayin, Chữ Nôm, Arabeng abyad at sulat Latin

Sinasaklaw ng modernong kaligrapiya ang mga kapaki-pakinabang na kasulatan at disenyo hanggang sa mga malilikhaing sining na kung saan ang mga letra ay maaaring mabasa o hindi.[1] Ang klasikong kaligrapiya ay nagkakaiba sa tipograpiya at hindi-klasikong sulat-kamay, bagama't maaaring pareho itong isagawa ng isang kaligrapo.[2][3][4][5]

Ang kaligrapiya ay patuloy na lumalaganap sa iba't ibang anyo gaya ng mga imbitasyon sa kasalan at kaganapan, pagdidisenyo ng font at tipograpiya, pagdidisenyo ng logo gamit ang sulat-kamay, sining panrelihiyon, mga anunsyo, grapikp na disenyo at kinomisyong sining ng kaligrapiya, kasulatan sa bato, at pang-alaalang mga dokumento. Ito rin ay ginagamit na props at paglipat ng imahe para sa pelikula at telebisyon, parangal, sertipiko ng kapanganakan at kamatayan, mga mapa, at iba pang kasulatan.[6][7]

Mga tradisyon sa mundo

baguhin

Pilipinas

baguhin

May maraming sinaunang at katutubong sulat ang Pilipinas na sa kabuuan ay tinatawag na suyat. Ang mga iba't ibang pangkat etno-lingguwistiko sa Pilipinas bago ang pagsasakop ng mga Kastila noong ika-16 na siglo hanggang sa panahon ng kalayaan noong ika-21 siglo ay nakapagsulat ng suyat sa mga iba't ibang midyum. Sa katapusan ng panahong kolonyal, apat na lang mula sa lahat ng mga suyat ang natira at ginagamit pa rin ng ilang komunidad sa pang-araw-araw na buhay. Kabilang sa mga apat na sulat ang sulat Hanunuo ng mga Hanunoong Mangyan, sulat Buhid ng mga Buhid na Mangyan, sulat Tagbanwa ng mga Tagbanwa, at sulat Palawano ng mga Palawano. Nakaukit ang apat na uri ng sulat sa Memory of the World Programme ng UNESCO, sa ilalim ng pangalang Philippine Paleographs (Hanunoo, Build, Tagbanua and Pala’wan), noong 1999.[8]

Dahil sa pagtutol sa kolonyalismo, muling pinasigla ang paggamit ng suyat na nawala dahil sa pagpapakilala ng mga Kastila sa alpabetong Latin na nagpalit sa mga ito. Kabilang sa mga sulat na ibinabalik ang Kulitan ng mga Kapampangan, Badlit ng mga iba't ibang pangkat-etniko sa Kabisayaan, Iniskaya ng mga Eskaya, Baybayin ng mga Tagalog, at Kur-itan ng mga Ilokano, bukod sa marami pang iba.[9][10][11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Mediaville, Claude (1996). Calligraphy: From Calligraphy to Abstract Painting [Kaligrapiya: Mula Kaligrapiya hanggang Abstraktong Pagpipinta] (sa wikang Ingles). Belgium: Scirpus-Publications. ISBN 978-90-803325-1-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pott, G. (2006). Kalligrafie: Intensiv Training [Kaligrapiya: Masinsinang Pagsasanay] (sa wikang Aleman). Verlag Hermann Schmidt. ISBN 978-3-87439-700-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pott, G. (2005). Kalligrafie: Erste Hilfe und Schrift-Training mit Muster-Alphabeten (sa wikang Aleman). Verlag Hermann Schmidt. ISBN 978-3-87439-675-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Zapf 2007.
  5. Zapf, H. (2006). The World of Alphabets: A kaleidoscope of drawings and letterforms [Ang Mundo ng Alpabeto: Isang kaleydoskopo ng mga guhit at pagkakatitik] (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CD-ROM
  6. Propfe, J. (2005). SchreibKunstRaume: Kalligraphie im Raum Verlag (sa wikang Aleman). Munich: Callwey Verlag. ISBN 978-3-7667-1630-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Geddes, A.; Dion, C. (2004). Miracle: a celebration of new life. Auckland: Photogenique Publishers. ISBN 978-0-7407-4696-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Philippine Paleographs (Hanunoo, Buid, Tagbanua and Pala'wan) – United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization" [Mga Paleograpong Pilipino (Hanunoo, Buid, Tagbanua and Pala'wan) – Organisasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Edukasyon, Agham at Kultura]. www.unesco.org (sa wikang Ingles).
  9. "'Educate first': Filipinos react to Baybayin as national writing system" ['Turuan muna': Mga Pilipino, tumugon sa Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsusulat] (sa wikang Ingles). 27 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "House panel approves Baybayin as national writing system" [Kapulungan, nag-apruba ng Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsusulat]. SunStar (sa wikang Ingles). 24 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "5 things to know about PH's pre-Hispanic writing system" [5 bagay na dapat malaman tungkol sa sistema ng pagsusulat sa PH bago ang mga Kastila]. ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 25 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)