Kalye Hidalgo
Ang Kalye Hidalgo (Ingles: Hidalgo Street), na kilala rin bilang Kalye F.R. Hidalgo o Kalye R. Hidalgo, (F.R. Hidalgo Street o R. Hidalgo Street sa Ingles), ay isang kalye sa distrito ng Quiapo sa lumang pusod ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito mula silangan pakanluran sa gitna ng distrito at nag-uugnay ng dalawa sa mga kilalang pook nito: ang Simbahan ng Quiapo at Simbahan ng San Sebastian. Nahahati ito sa dalawang bahagi sa pamamagitan ng Bulebar Quezon. Ang kanlurang bahagi ay isang sona para sa mga naglalakad na bumubuo sa katimugang hangganan ng Plaza Miranda at dumadaan kalinya sa Kalye Carriedo sa hilaga. Ang silangang bahagi ay isang kalyeng dalawa ang mga linya na tumutungo sa Simbahan ng San Sebastian. Ang kanlurang dulo nito ay sa Kalye Gomez, at ang silangang dulo nito ay sa Kalye Bilibid Viejo. Ang kabuuang haba nito ay 0.8 kilometro (0.5 milya).
Kalye Hidalgo Hidalgo Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 0.8 km (0.5 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Gomez |
| |
Dulo sa silangan | Kalye Bilibid Viejo at Plaza del Carmen |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kilala ang kalye noong panahon ng mga Kastila bilang Calle San Sebastian. Kinalaunan, binigyan ito ng bagong pangalan na mula kay Félix Resurrección Hidalgo, isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pintor sa huling bahagi ng panahon ng mga Kastila.[1][2]
Proyektong Kalye Hidalgo (Hidalgo Street Project)
baguhinAng Kalye Hidalgo ay isang pinaghalong lugar ng mga tindero't tinderang naglilingkod sa mga retratista (mga propesyonal man o taong masigasig). Itinuri itong pinakamagandang kalsada sa Maynila noong ika-labinsiyam (19) na dantaon.[3] Ngayon, may mga panukala na naglalayong ibalik ang kagandahan at ipahalaga ang mga makasaysayang gusali sa Kalye Hidalgo.
Noong 2006, nagpanukala sina John Chua (isang kilalang retratista sa mga anunsiyo na nakabase sa Makati) at Jason B. Lindo (isang tagapagsangguni sa pagaanunsiyo) ng Proyektong Hidalgo (Hidalgo Project) sa pamahalaang panlungsod ng Maynila. Nakapaloob sa panukalang ito ang pagpapaayos at pagpapaganda ng Kalye Hidalgo bilang isang Photographers' Haven. Malugod naman itong tinanggap ng pamahalaan, at agad-agad na naghirang ng mga tauhan ng pamahalaan ang alkalde upang maisagawa ang mga proyekto.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Alcazaren, Paulo (31 Enero 2004). "What's in a name?". Philippine Star. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Batongbakal, Luisito E. (18 Pebrero 2016). "10 Random Facts About Manila That Will Blow Your Mind". Spot.PH. Nakuha noong 18 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manila: Quiapo, heart of Manila". Ivan Henares. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)