Katalinuhan ng mga hayop

Ang katalinuhan ng mga hayop o kakayahang matuto ng mga hayop[1] ay nasusukat sa pamamagitan ng pag-alam sa kung ano ang gagawin ng mga ito sa harap ng mga bagong karanasan o pagsubok, at kung paano nila lulutasin ang mga suliranin. Karaniwang tumutugon sa paulit-ulit na kaparaanan para sa pare-parehong mga pagsubok at karanasan ang mga mababang uri ng hayop.

Mga bertebrado at imbertebrado

baguhin

Karaniwang mas matatalino ang mga may-gulugod na mga bertebrado kaysa mga walang-gulugod na mga imbertebrado.[1]

Mga paraan ng pagsukat

baguhin
 
Isang payak na halimbawa ng isang laberinto. Ipinakikita ng mga hugis-pana ang pasukan at labasan.

Isang metodo na pangkaraniwang ginagamit ng mga dalubhasa sa pagsukat ng kakayahan sa pagkatuto at kapasidad ng memorya ng mga hayop ang mga laberinto, o mga bagay na may salasalabat na landas.[2][3][4][5]

Mga halimbawa

baguhin

Ilan lamang ang mga ito sa mga hayop na may maituturing na katalinuhan sapagkat natuturuan o nasusubok ng mga tao:[1]

Hayop
Uri
Kakayahan
higad bulati Nagbabago ng direksiyong pupuntahan para maiwasan ang panguryente.
pugita moluska Nakakakuha ng mga alimasag mula sa mga palayok; nakakadaan sa mga laberinto; nalalaman ang kaibahan ng mga hugis (bilog, parisukat at tatsulok).
bubuyog, putakti, at ipis kulisap Nakalalabas sa mga laberinto; natatandaan ang oras kung kailan sila makakakuha ng pagkain sa isang takdang lugar; nakapupunta ang bubuyog sa isang partikular na kulay para makakuha ng pagkain.
isda Nakakakilala ng kulay; nakakabisado ang laberinto; nakatatagpo ng daan palabas ng laberinto; nalalaman ng isdang nasa akwaryum ang oras ng pagpapakain.
palaka amphibian Natututong pumansin sa mga nagaalaga sa kanila; napagaalaman ng ilang palaka na hindi makakain ang mga bubuyog at mabubuhok na mga higad.
butiki, ahas, pagong, at pawikan reptilya Napapaamo ng tagapag-alagang tao.
loro, raven, at jackdaw ibon Nakikilala nila ang kanilang mga likas na kaaway; natututong bumilang; nakagagaya ng mga tunog ang mga loro.
daga at iskwirel mamalya May higit na kakayahan sa paghahanap ng daan sa kumplikadong laberinto; nakapagbibilang ang mga iskwirel
kabayo at baboy unggulado Madaling nagagawa ang pagkatuto kapag sinanay.
aso at pusa karniboro Madaling turuan; natututo ang isang pusa mula sa iba pang mga pusa sa pamamagitan ng paggaya.
lumbalumba mamalya Labis ang talino; mapaglaro; nagiging palakaibigan sa mga tao; may matalas na pandinig; nakagagaya ng mga tunog.
chimpanzee bakulaw Nabibigyan ng lunas ang mga suliranin na mahirap para sa pangkaraniwang mga unggoy at imposible namang magawa ng mga daga at mga mamalyang nasa mababang antas; sa katalinuhan, pumapangalawa lamang sa tao ang mga matsing.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Learning Ability Among Animals". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Maze at labyrinth sa Ingles". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Maze sa Ingles, laberinto sa Kastila, ginamit ang baybay na laberinto para umayon sa ortograpiyang pang-wikang Tagalog". Larousse Mini Dictionary/Mini Diccionario Español-Ingles/English-Spanish (Talahulugang Kastila-Ingles/Ingles-Kastila ng Larousse). 1999.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maze, "dakong may salasalabat na landas," Bansa.org Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at Gutenberg.org (1915)
  5. "Maze, sali-salimuot, Foreignword.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2008-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)