Lumba-lumba
Ang mga lumba-lumba (mas kilala sa tawag na dolphin [Ingles] o delfín [Kastila]) ay mga mamalyang pantubig na malapit na kamag-anakan ng mga balyena at mga posenido (Kastila: focénido) o porpoise sa Ingles (mga lumba-lumbang may mga pangong ilong at bibig). Mayroong halos mga 40 espesye ng mga lumba-lumba sa loob ng 17 genera. Nagkakaiba-iba sila sa laki mula sa 1.2 metro (4 na talampakan) at 40 kilogramo (88 libra), katulad ng dolpin sa Maui, Hawaii; hanggang sa 9.5 m (30 talampakan) at 10 tonelada, katulad ng mga Orka o balyenang mamamatay (Ingles: killer whale). Matatagpuan sila sa buong mundo, karamihan ang sa mga mabababaw na karagatan ng mga pitak pangkontinente. Mga kumakain ng karne (o karniboro), at halos isda at mga pusit lamang. Ang pamilyang Delphinidae ang siyang pinakamalaki sa mga Cetacea, at pinakakaylan lamang lumitaw. Lumitaw ang mga lumba-lumba nang may 10 milyong mga taon na ang nakalilipas, sa kapanahunang Miocene. Tinatanggap na ang mga dolpin na kabilang sa mga pinakamatatalinong hayop, at ang kanilang kadalasang maamong anyo at tila mapaglarong ugali ang sanhi ng kanilang kabantugan sa kalinangan ng mga tao.
Lumba-lumba[1] Temporal na saklaw: Maagang Miocene - Kailan lang
| |
---|---|
Isang Bottlenose Dolphin na sumasabay sa along sanhi ng isang bangkang de-motor | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Infraorden: | Cetacea |
Parvorden: | Odontoceti |
Kabilang na family | |
Eboluyson
baguhinAng mga cetacean na mga balyena, mga dolphin at mga porpoise ay mga inapo ng pamilyang artiodactyle na Raoellidae na mga mammal na panglupain na inilalarawan ng bungo ng even-toed ungulate, balingkitang mga hita at tengang katulad sa mga sinaunang balyena.[2] Ang pinagmulang panglupain ng mga cetacean ay pinapakita ng kanilang paghinga mula sa ibabaw ng katubigan sa pamamagitan ng kanilang baga, ang mga buto ng kanilang mga palikpik na tulad sa mga hita ng mga mammal na panglupain at ang kanilang mga bestihiyal na likurang hita na namana sa kanilang mga ninunong panglupain na may apat na hita.
Pinagmulan ng pangalan
baguhinHinalaw ang pangalang dolpin mula sa matandang wikang Griyegong delphís, na may kaugnayan sa salitang Griyegong delphys (δελφυς) o sinapupunan. Samakatuwid, ang pangalan ng hayop na ito ay maaaring isalin bilang "isdang may sinapupunan".[3] Nadala ang pangalan sa pamamagitan ng salitang delphinus ng wikang Latin, ng dolfinus ng Gitnang Latin at ng daulphin ng Matandang Pranses, na muling gumamit ng mga titik na ph sa loob ng salita.
Ginagamit ang salita sa ilang magkakaibang paraan. Maaaring tumukoy ito sa:
- Anumang miyembro ng pamilyang Delphinidae (mga lumba-lumbang pandagat),
- Anumang miyembro ng mga pamilyang Delphinidae at Platanistoidea (lumba-lumbang pandagat at yaong pang-ilog),
- Anumang miyembro ng sub-order na Odontoceti (mga balyenang may ngipin; kabilang dito ang mga pamilyang nabanggit sa itaas at ilang iba pa),
- Kaswal na ginagamit bilang sinonimo o kasingkahulugan ng bottlenose dolphin (lumba-lumbang may ngusong-bote), ang pinakapangkaraniwan at pinakakilalang espesye ng mga lumba-lumba.
Katawagan sa grupo ng mga lumba-lumba
baguhinSa wikang Ingles, ang isang grupo ng mga lumba-lumba ay tinatawag na school, paaralan ng mga lumba-lumba, at pod, kalipunan ng mga lumba-lumba.
Taksonomiya
baguhin- Suborder Odontoceti, toothed whales
- Family Delphinidae, oceanic dolphins
- Genus Delphinus
- Long-beaked common dolphin, Delphinus capensis
- Short-beaked common dolphin, Delphinus delphis
- Genus Tursiops
- Common bottlenose dolphin, Tursiops truncatus
- Indo-Pacific bottlenose dolphin, Tursiops aduncus
- Burrunan dolphin, Tursiops australis, a new discovered species from sea around Melbourne in September 2011.[4]
- Genus Lissodelphis
- Northern right whale dolphin, Lissodelphis borealis
- Southern right whale dolphin, Lissodelphis peronii
- Genus Sotalia
- Genus Sousa
- Indo-Pacific humpback dolphin, Sousa chinensis
- Chinese white dolphin (the Chinese variant), Sousa chinensis chinensis
- Atlantic humpback dolphin, Sousa teuszii
- Indo-Pacific humpback dolphin, Sousa chinensis
- Genus Stenella
- Atlantic spotted dolphin, Stenella frontalis
- Clymene dolphin, Stenella clymene
- Pantropical spotted dolphin, Stenella attenuata
- Spinner dolphin, Stenella longirostris
- Striped dolphin, Stenella coeruleoalba
- Genus Steno
- Rough-toothed dolphin, Steno bredanensis
- Genus Cephalorhynchus
- Chilean dolphin, Cephalorhynchus eutropia
- Commerson's dolphin, Cephalorhynchus commersonii
- Heaviside's dolphin, Cephalorhynchus heavisidii
- Hector's dolphin, Cephalorhynchus hectori
- Genus Grampus
- Risso's dolphin, Grampus griseus
- Genus Lagenodelphis
- Fraser's dolphin, Lagenodelphis hosei
- Genus Lagenorhynchus
- Atlantic white-sided dolphin, Lagenorhynchus acutus
- Dusky dolphin, Lagenorhynchus obscurus
- Hourglass dolphin, Lagenorhynchus cruciger
- Pacific white-sided dolphin, Lagenorhynchus obliquidens
- Peale's dolphin, Lagenorhynchus australis
- White-beaked dolphin, Lagenorhynchus albirostris
- Genus Orcaella
- Australian snubfin dolphin, Orcaella heinsohni
- Irrawaddy dolphin, Orcaella brevirostris
- Genus Peponocephala
- Melon-headed whale, Peponocephala electra
- Genus Orcinus
- Killer whale (Orca), Orcinus orca
- Genus Feresa
- Pygmy killer whale, Feresa attenuata
- Genus Pseudorca
- False killer whale, Pseudorca crassidens
- Genus Globicephala
- Long-finned pilot whale, Globicephala melas
- Short-finned pilot whale, Globicephala macrorhynchus
- Genus †Australodelphis
- Genus Delphinus
- Family Platanistidae
- Ganges and Indus river dolphin, Platanista gangetica with two subspecies
- Ganges river dolphin (or Susu), Platanista gangetica gangetica
- Indus river dolphin (or Bhulan), Platanista gangetica minor
- Ganges and Indus river dolphin, Platanista gangetica with two subspecies
- Family Iniidae
- Amazon river dolphin (or Boto), Inia geoffrensis
- Family Lipotidae
- Baiji (or Chinese river dolphin), Lipotes vexillifer (possibly extinct, since December 2006)
- Family Pontoporiidae
- La Plata dolphin (or Franciscana), Pontoporia blainvillei
- Family Delphinidae, oceanic dolphins
Ang 6 na species ng pamilyang Delphinidae ay karaniwang tinatawag na "mga balyena" ngunit mga henetikong mga dolphin. Sila ay minsang tinatawag na blackfish.
- Melon-headed whale, Peponocephala electra
- Killer whale (Orca), Orcinus orca
- Pygmy killer whale, Feresa attenuata
- False killer whale, Pseudorca crassidens
- Long-finned pilot whale, Globicephala melas
- Short-finned pilot whale, Globicephala macrorhynchus
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Lumba-lumba". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.
- ↑ Thewissen, J.G.M., Cooper, L.N., Clementz, M.T., Bajpai, S, & Tiwari, B.N. 2007. Whales originated from aquatic artiodactyls in the Eocene epoch of India. Nature 450: 1190–1195.
- ↑ The American Heritage® Dictionary of the English Language (Talatinigan sa Wikang Ingles ng Pamanang Amerikano), Pang-apat na edisyon, Pinasok na lahok (online entry) ay nasa Dictionary.com, kinuha noong Disyembre 17, --~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~--~~~~.
- ↑ "New Dolphin Species Discovered in Australia". September 15, 2011.