Katedral Basilika ng Santa Cruz, Kochi
Ang Katedral Basilika ng Santa Cruz (kilala rin bilang കോട്ടേപള്ളി / Kottepalli) sa Kutang Kochi, Kochi ay isa sa siyam na Basilika sa Kerala. Binibilang bilang isa sa mga pamanang edipisyo ng Kerala, ang simbahang ito ay isa sa pinakamaganda at pinakakahanga-hangang simbahan sa India at binisita ng mga turista sa buong taon. Ito ay isang lugar ng debosyon pati na rin isang sentro ng makasaysayang halaga, pinagkalooban ng arkitektura at pansining kadakilaan at mga kulay ng estilong gotiko.
Katedral Basilika ng Santa Cruz | |
---|---|
Basílica Catedral da Santa Cruz | |
9°57′54″N 76°14′35″E / 9.965°N 76.243°E | |
Lokasyon | , Kutang Kochi, Kochi, Kerala |
Bansa | India |
Denominasyon | Katoliko Romano (Latin) |
Websayt | www.santacruzcathedralbasilica.org www.dioceseofcochin.org |
Kasaysayan | |
Itinatag | May 3, 1505 |
Nagtatag | Francisco de Almeida |
Arkitektura | |
Estado | Basilika |
Istilo | Gotiko |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Arkidiyosesis ng Verapoly |
Diyosesis | Diyosesis ng Cochin |
Lalawigang eklesyastikal | Arkidiyosesis ng Verapoly |
Klero | |
Arsobispo | Dr. Joseph Kalathiparambil |
Obispo | Joseph Kariyil |
Ang basilika ay nagsisilbing simbahang Katedral ng Diyosesis ng Cochin.
Ito ay orihinal na itinayo ng Portuges at iniangat bilang isang Katedral ni Papa Pablo IV noong 1558, nailigtas ng mga mananakop na Olandes na sumira sa maraming mga gusaling Katoliko. Nang maglaon, winawasak ng mga Britaniko ang estruktura at kinomisyon ni João Gomes Ferreira [pt] ang isang bagong gusali noong 1887. Ikinonsagradro noong 1905, ipinahayag ang Santa Cruz bilang Basilika ni Papa Juan Pablo II noong 1984.
Kasaysayan
baguhinMga misyonerong Portuges at Simbahan ng Santa Cruz: 1505 - 1558
baguhinAng kasaysayan ng Katedral Basilika ng Santa Cruz ay nagsisimula sa pagdating ng mga misyonerong Portuges kasama ang pangalawang armada ng Portuges sa ilalim ni Pedro Álvares Cabral noong Disyembre 24, 1500. Si Haring Unni Goda Varma Tirumulpadu (Trimumpara Raja) ng Kaharian ng Cochin ay masigabong na tinanggap sila. Ito ang naging sanhi ng pagdeklara Zamorin ng Calicut ng digmaan laban sa Kaharian ng Cochin Ngunit tinalo ng hukbo ng Portugal sa ilalim ni Kumander Dom Afonso de Albuquerque na nakarating sa Cochin noong 1503, ang mga kaaway ng Hari ng Cochin at bilang kapalit binigyan niya sila ng pahintulot na magtayo ng isang kuta sa Kochi.
Noong 1505, si Dom Francisco de Almeida ang unang Portuges na Viceroy ay nakakuha ng pahintulot mula sa Kochi Raja na magtayo ng isang gusali ng simbahan gamit ang mga bato at lusong na hindi pa tanggap noong panahong iyon dahil ang mga lokal na pagkiling ay laban sa anumang estruktura para sa anumang layunin liban sa isang palasyo ng hari o isang templo. Ang batong pundasyon ng simbahan ng Santa Cruz ay inilatag noong Mayo 3, 1505, ang araw ng kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal, samakatuwid ang napakagandang gusali nang makumpleto ay pinangalanang Santa Cruz. Ang simbahang ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng kasalukuyang Liwasang Pambata, Kutang Cochin Naka-arkibo 2012-03-28 sa Wayback Machine.. Sa mahabang panahon, ang basilika ay naglalaman ng relikya ng Banal na Krus ng Mahal na Panginoong Hesukristo. Ito ay nasa kanang bahagi ng simbahan.
Pag-angat ng Katedral at demolisyon: 1558 - 1795
baguhinNoong 1558, iniangat ni Papa Pablo IV, ang Santa Cruz Church sa katayuan bilang isang Cathedral kasama ang pagtayo ng pangalawang diyosesis sa India - Diyosesis ng Cochin,[1][2][3] supragano (ang isa ay ang Diyosesis ng Malacca) sa Arkidiyosesis ng Goa.[4]
Sinakop ng mga Olandes ang Cochin noong 1663, at sinira ang lahat ng mga gusaling Katoliko. Ang Simbahan ng San Francisco lamang at ang Katedral ang nakatakas sa kapalaran na ito. Ginawang almacen ng mga Olandes ang katedral. Nang maglaon ay nahulog ito sa mga kamay ng Britaniko na winasak nito nang sakupin nila ang Cochin noong 1795. Ang isa sa pandekorasyong haliging granito ng nawasak na Katedral ay itinatago pa rin bilang isang bantayog sa timog-silangan na sulok ng kasalukuyang lugar ng Basilika.
Pagtayo ng kasalukuyang Basilika ng Santa Cruz: 1886 - kasalukuyan
baguhinMakalipas ang 100 taon, si Obispo João Gomes Ferreira (1887–1897), isang misyonero at ang Obispo ng Cochin, ay gumawa ng hakbangin na muling itayo ang Katedral at sinimulan ang plano ng pagtatayo nito. Ngunit ang susunod na Obispo, si Mateus de Oliveira Xavier (1897–1908) na nagtapos sa gusali. Ang katedral ay ikinonsagrado noong ika-19 ng Nobyembre 1905 ni Obispo Sebastião José Pereira, Obispo ng Damao. Buhat ng sinaunang katangian nito, artistikong dignidad, at makasaysayang halagaha, si Papa Juan Pablo II sa pamamagitan ng isang espesyal na Atas na "Constat Sane Templum Sanctae Cruci" noong Agosto 23, 1984, iniangat niya ang Katedral Santa Cruz sa katayuan bilang Basilika.
Ang simbahan ay may dalawang matayog na espira at isang kamangha-manghang maliwanag, pastel na loob. Ang mga interior ng simbahan ay halos purong Gotiko, na may pangunahing altar na pinalamutian ng bantog na Italyanong pintor na si Fra Antonio Moscheni, SJ, at ang kaniyang alagad na si De Gama ng Mangalore. Sa kasamaang palad, si Fra Antonio Moscheni ay namatay dito noong 15 Nobyembre 1905, apat na araw bago itinalaga ang bagong-tatag na Simbahan. Ang mga haligi na pinalamutian ng mga fresco at mural, ang pitong malalaking pinta sa canvas sahinggil sa pasyon at pagkamatay sa Krus, lalo na ang pagpipinta ng Huling Hapunan, na naka-modelo sa sikat na pagpipinta ni Leonardo da Vinci, at ang magagandang minantsahang salaming bintana ay dumagdag sa artistikong kadakilaan ng lugar. Ang mga pinta na palamuti sa kisame ay naglalarawan ng mga eksena mula sa Via Crucis ni Kristo.
Tingnan din
baguhinMga tala
baguhinMga sanggunian
baguhin- Basilica home page
- www.dioceseofcochin.org - Santa Cruz Basilica
- Impormasyon ng Giga-Katoliko
- Hierarchy ng Katoliko
- Ernakulam Archdiocese Naka-arkibo 2020-11-30 sa Wayback Machine.
- Nai-update na Listahan ng Basilicas sa India
- Catholic Encyclopedia - Diocese of Cochin
- Direktoryo ng diosesis | www.ucanews.com