Kitwe
Ang Kitwe ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Zambia, na may 522,092 katao (probisyonal na senso noong 2010). Ang Kitwe ay isa sa maunlad na mga pook pangkomersiyo at industriya sa bansa, kasama ang Ndola at Lusaka. Mayroon itong hugnayan ng mga minahan sa hilaga-kanluran at kanlurang hangganan nito.[1]
Kitwe | |
---|---|
Lungsod | |
Tanawin ng Kitwe mula sa kalayuan | |
Bansag: Lets Build Us A City | |
Mga koordinado: 12°49′S 28°12′E / 12.817°S 28.200°E | |
Bansa | Zambia |
Lalawigan | Copperbelt |
Distrito | Kitwe |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-Sanggunian |
• Alkalde | Christopher Kang'ombe |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 522,092 |
Demonym | Kitwean |
Sona ng oras | UTC+2 (CAT) |
Kodigo ng lugar | 0212 |
Klima | Cwa |
Websayt | Kitwe City Council |
Ang Kitwe ay binubuo ng mga township at pook-naik tulad ng Parklands, Riverside, Buchi, Chimwemwe, Kwacha, Nkana East, Nkana West, Garneton at Race Course, to mention a few.[2] Minsang kinikilala ang lungsod bilang Kitwe-Nkana.
Ang Kitwe ay may kapuwa mga paaralang pampribado at pampubliko tulad ng Paaralang Sekundarya ng Lechwe, Paaralang Sekundarya ng Mpelembe, Paaralang Sekundarya ng Kitwe Boys, Paaralang Sekundarya ng Parklands, Paaralang Sekundarya ng Mukuba, Nkana Trust School at Paaralang Sekundarya ng Helen Kaunda. Tahanan din ito ng Unibersidad ng Copperbelt, ang pangalawang pinakamataas na institusyong pang-edukasyon ng Zambia.
Kasaysayan
baguhinItinatag ang Kitwe noong 1936 sa hilaga-gitnang Zambia noong itinatayo ng kompanya ni Cecil Rhodes ang daambakal. Unang itinatag ito bilang karugtong at hindi-kaugnay sa pagmimina ngunit katulong na bahagi ng lumalawak na sentrong pagmimina ng tanso sa Nkana. Ang lumalawak na mga minahan ng tanso sa Nkana ay naging dahilan para maging nangingibabaw na sentro sa rehiyon, at nagsimulang lumaki ang kahalagahan ng Kitwe sa maraming mga taon, at paglaon ay nahigitan nito ang Nkana bilang pangunahing sentro. Umabot ang pangunahing linya ng Daambakal ng Rhodesia sa bayan noong 1937 at nagbigay ng mga serbisyong pampasahero hanggang sa pinakatimog na dako tulad ng Bulawayo, kalakip ng mga dugtong papuntang Cape Town. Pinahaba ang linya sa Demokratikong Republika ng Congo at mula roon ay pinag-ugnay sa Daambakal ng Benguela paglaon na papuntang pantalang Atlantiko ng Lobito (na nagkarga ng mga iniluluwas na tanso mula Zambia sa loob ng maraming mga taon).
Pagmimina
baguhinAng Kitwe ay himpilan ng ilang mga pagpapatakbo ng pagmimina tulad ng Mga Minahang Tanso ng Mopani.
Transportasyon
baguhinDaambakal
baguhinAng Kitwe ay nasa dulo ng mga serbisyong pampasahero ng Daambakal ng Zambia mula Livingstone, Lusaka at Ndola,[3] ngunit tumutuloy ang mga linyang pangkarga sa mga bayang nagmimina sa hilaga-kanluran.
Daan
baguhinAng pangunahing lansangan sa Copperbelt ay dumadaan mula timog-silangan pa-hilagang-kanluran sa lungsod, patungong Ndola (bilang isang freeway) sa timog-silangan, at sa Nchanga, Chingola at Chililabombwe sa hilaga-kanluran. Ang isang daang laterita ay papuntang Kasenpa sa kanluran.[2]
Paliparan
baguhinAng Paliparan ng Southdowns ay nasa mga 12 kilometro timog-kanluran ng bayan subalit hindi nakakatanggap ng maraming itinakdang mga serbisyo. Isinara ang paliparan noong 2005, at muling binuksan noong 2008. Ang Paliparan ng Ndola ay nasa 60 kilometro timog-silangan at naglilingkod ng palagiang mga lipad mula Lusaka, Solwezi, Addis Ababa, Nairobi, at Johannesburg.[1]
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1980 (sen.) | 283,962 | — |
2000 (sen.) | 363,734 | +28.1% |
2010 (sen.) | 501,360 | +37.8% |
Senso 2000 at 2010: [4] |
Kabansaan
baguhinKilala ang Kitwe sa pagkakaroon ng pinakamaraming mga Europeo sa mga lungsod sa Zambia. Humigit-kumulang 2% ng Kitwe ay mga Europeo, 1% ay mga Asyano, kalahati ng isang bahagdan ay mga Arabe at 1.5% Aprikano (maliban sa mga Zambian). Ang natitira ay mga Zambian, ang pangunahin ay Bemba ngunit kasama ang mga tribo tulad ng Chewa, Lozi, Tonga, Mambwe, Lunda, Kaonde at Ila.
Relihiyon
baguhinKaramihan sa mga mamamayan ng Kitwe (humigit-kumulang 98.5%) ay mga Kristiyano, ngunit mayroon ding mga Muslim at Hindu. Mayroon ding ilang mga Sikh, Jain at Hudyo.
Relihiyon | Populasyon | Bahagdan |
---|---|---|
Kristiyano | 538,995 | 98.5% |
Muslim | 7,400 | 1.4% |
Iba pa | 600 | 0.6% |
Mga kambal at kapatid na lungsod
baguhinMay limang mga kambal at kapatid na lungsod ang Kitwe:
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Google Earth accessed 2007.
- ↑ 2.0 2.1 Terracarta/International Travel Maps, Vancouver Canada: "Zambia, 2nd edition", 2000
- ↑ Seat61 website retrieved 2 June 2007, says information was correct in November 2006.
- ↑ "Zambia: Provinces, Major Cities & Urban Centers - Population Statistics, Maps, Charts, Weather and Web Information". Nakuha noong 28 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)