Ang Ndola ay ang pangatlong pinakamalaking lungsod ng Zambia, na may populasyong 475,194 na katao (probisyonal na senso noong 2010). Ito ang sentro ng industriya at komersiyo ng Copperbelt, ang rehiyon ng Zambia na nagmimina ng tanso, at kabisera ng lalawigan ng Copperbelt. Ito rin ang pangkomersiyo na kabisera ng Zambia. Ito ay nasa 10 kilometro (6.2 milya) mula sa hangganan ng Zambia at ng Demokratikong Republika ng Congo. Tahanan din ito ng Estadyo ng Levy Mwanawasa, ang kauna-unahang makabagong estadyo ng Zambia.

Ndola
Lungsod
Palayaw: 
NoliNoli
Ndola is located in Zambia
Ndola
Ndola
Kinaroroonan sa Zambia
Mga koordinado: 12°58′00″S 28°38′00″E / 12.96667°S 28.63333°E / -12.96667; 28.63333
Bansa Zambia
LalawiganCopperbelt
DistritoNdola
Itinatag1904
Pamahalaan
 • MayorSamuel Munthali
Taas
1,300 m (4,300 tal)
Populasyon
 (2018)
 • Kabuuan451,246
DemonymZimandola
Sona ng orasUTC+3 (CAT)
KlimaCwa
Websaytcityofndola.gov.zm

Kasaysayan

baguhin

Ang lugar ng kasalukuyang Ndola ay unang tinirahan ng mga Lamba na pinamunuan ng pinunong senyor na si Chiwala noong dekada-1600, mga nandayuhan mula sa kasalukuyang Tanzania. Hango ang pangalang Ndola mula sa ilog, na nagmumula sa mga Burol ng Kaloko at umaagos sa Ilog Kafubu. [1]

Itinatag ang Ndola ni John Edward "Chiripula" Stephenson noong 1904, sa loob lamang ng anim na buwan pagkaraan ng Livingstone, kaya ito ang pangalawang pinakamatandang panahong-kolonyal na bayan ng Zambia. Nagsimula ito bilang isang boma at estasyon ng pangangalakal, na naglatag ng patibayan nito bilang sentro ng pampangasiwaan at pangangalakal tulad ngayon.

Umabot sa Ndola ang pangunahing linya ng Daambakal ng Rhodesia noong 1907 at nagbigay ng mga serbisyong pampasahero hanggang sa pinakatimog na dako tulad ng Bulawayo, kalakip ng mga dugtong papuntang Cape Town. Pinahaba ang linya sa Demokratikong Republika ng Congo at mula roon ay pina-ugnay sa Daambakal ng Benguela paglaon na papuntang pantalang Atlantiko ng Lobito (na nagkarga ng mga iniluluwas na tanso mula Zambia sa loob ng maraming mga taon). Ang estasyon sa Ndola ay dahilan para ang bayan ay maging pusod ng pamamahagi sa bansa. Bago itinayo ang sistemang daan ng bansa noong dekada-1930, pangunahing ruta ng pangangalakal para sa Lalawigang Hilaga ang daan mula Ndola hanggang Kapalala sa Ilog Luapula at transportasyong bangka mula roon papuntang Ilog Chambeshi. Bumuong bahagi ng hinterland ng Ndola ang Lalawigang Hilaga.

Naganap sa dakong labas ng Ndola ang Pagbagsak ng DC-6 ng United Nations sa Ndola ng 1961 [en], kung saang bumagsak ang eroplanong lulan ng ilang taga-UN, kabilang ang pangalawang Kalihim-Heneral ng UN na si Dag Hammarskjöld.

Ang Ndola ay may katamtamang halumigmig na klimang subtropikal (Köppen Cwa).

Datos ng klima para sa Ndola
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 31.7
(89.1)
33.1
(91.6)
32.0
(89.6)
32.4
(90.3)
32.0
(89.6)
30.2
(86.4)
30.5
(86.9)
33.5
(92.3)
35.5
(95.9)
36.1
(97)
38.5
(101.3)
32.6
(90.7)
38.5
(101.3)
Katamtamang taas °S (°P) 26.6
(79.9)
26.9
(80.4)
27.4
(81.3)
27.5
(81.5)
26.6
(79.9)
25.1
(77.2)
25.2
(77.4)
27.5
(81.5)
30.5
(86.9)
31.5
(88.7)
29.4
(84.9)
27.0
(80.6)
27.6
(81.7)
Arawang tamtaman °S (°P) 20.8
(69.4)
20.8
(69.4)
21.0
(69.8)
20.5
(68.9)
18.6
(65.5)
16.5
(61.7)
16.7
(62.1)
19.2
(66.6)
22.5
(72.5)
23.7
(74.7)
22.5
(72.5)
21.0
(69.8)
20.3
(68.5)
Katamtamang baba °S (°P) 17.1
(62.8)
17.1
(62.8)
16.5
(61.7)
14.4
(57.9)
10.8
(51.4)
7.9
(46.2)
7.8
(46)
10.2
(50.4)
13.6
(56.5)
16.2
(61.2)
17.1
(62.8)
17.2
(63)
13.8
(56.8)
Sukdulang baba °S (°P) 12.4
(54.3)
12.4
(54.3)
7.5
(45.5)
7.2
(45)
3.8
(38.8)
1.7
(35.1)
0.7
(33.3)
1.6
(34.9)
6.7
(44.1)
9.8
(49.6)
11.7
(53.1)
11.2
(52.2)
0.7
(33.3)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 292.9
(11.531)
249.0
(9.803)
170.1
(6.697)
45.5
(1.791)
3.5
(0.138)
0.7
(0.028)
0.1
(0.004)
0.4
(0.016)
2.9
(0.114)
31.5
(1.24)
130.3
(5.13)
305.9
(12.043)
1,232.8
(48.535)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) 23 20 17 6 1 0 0 0 0 4 14 23 108
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 82.5 83.0 79.7 73.4 65.9 61.1 54.6 46.6 40.9 47.3 64.9 80.4 65.0
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 151.9 142.8 192.2 243.0 279.0 276.0 297.6 297.6 279.0 269.7 207.0 158.1 2,793.9
Sanggunian: NOAA[2]

Industriya

baguhin
 
Esmeralda mula sa Minahang Esmeralda ng Kagem, Distritong Esmeralda ng Kafubu, Ndola. Sukat: 3.0 x 2.7 x 2.6 cm.

Dating pinakamalaking sentro ng industriya ng Zambia ang Ndola, na may mga pasilidad ng kompanya tulad ng isang plantang bumubuo ng sasakyang Land Rover, pagawaan ng gulong ng Dunlop, Johnson & Johnson, at Unilever. Lubhang lumiit ang ekonomiya ng Ndola sa pagitan ng mga taong 1980 at 2000. Maraming mga nakasarang pabrika at planta sa lungsod ay nakatiwangwang, at tuluyan nang nawala ang ilang dating mga industriya tulad ng paggawa ng mga damit at pagbuo ng mga sasakyan.[3] Bagamat hindi na maaaring itukoy ang lungsod bilang isang bayang naulog (ghost town), hindi pa nakababawi ang Ndola sa kabantugang ekonomiko nito ng mga panahong bago ang 1980.

Pagdadalisay

baguhin

Walang mga minahan sa mismong Ndola, ngunit ang bukás na hukay na minahang Bwana Mkubwa ay nasa 10 kilometro timog-silangan ng pusod ng lungsod lamang. Bago ang kanilang pagsasara, dating idinadala ang tanso at mga mahahalagang metal mula sa ibang dako ng Copperbelt upang maiproseso sa Ndola Copper Refinery at Precious Metals Refinery. Ang mga iniluluwas na tanso ay nagbibigay sa Zambia ng 70–80% ng mga kita nito sa pagluluwas, kaya napakahalaga ang lungsod sa ekonomiya ng bansa.

Ang Indeni Oil Refinery sa Ndola ay nagtutustos ng dinalisay na petrolyo sa buong bansa. Ikinumpuni ito noong 2001 pagkaraang nasira ito sa sunog noong 1999. Sa pamamagitan ng sangay nito na Ndola Energy Company Limited, ang GL Africa Energy ay nagbibigay ng 105MW ng kuryente sa pambansang grid ng Zambia. Nililikha ang kuryente mula malagkit na panggatong na langis na tinutustos ng Indeni Oil Refinery.[4][5] 

Komersiyo

baguhin

Himpilan ang Ndola ng isa sa pambansang mga pahayagan ng Zambia, ang Times of Zambia, gayon din ng palimbagan nito na Printpak. Pinangangasiwaan ang mga ito bilang isang kompanya na nagngangalang TimesPrintpak. Nasa Ndola rin ang Mission Press na pinamamahala ng simbahang Katolika, at pinangangasiwa ito bilang isang korporasyong pangkomersiyo.

Matatagpuan sa Ndola ang punong tanggapan ng Zambia Postal Service Corporation (Zampost) at lupon ng pamamahala ng sahod sa mga manggagawa. Ang makabagong estadyo ng Zambia sa Ndola ay nakakapagkasiya ng karamihan sa pandaigdigang mga kaganapang palakasan sa Zambia.

Isang palatandaan ng kahalagahang pangkomersiyo ng Ndola ay ang pagkakaroon ng tanging pangunahing sentro ng pamamahala para sa Bangko ng Zambia (ang bangko sentral ng bansa) sa labas ng kabiserang lungsod na Lusaka. Bawat pangunahing bangko sa Zambia ay may di-kukulangin sa isang sangay sa Ndola. Nagmamay-ari ng maraming mga ari-ariang pangkomersiyo at pamahayan sa lungsod ang ZSIC (binibigkas bilang 'zeesk'), ang pinakamalaking pangkat ng seguro sa Zambia.

Batong-apog

baguhin

May napakalaking reserba ng batong-apog (limestone) ang Ndola na pinaniniwalaang kabilang sa pinakatulad-uriin sa mga uri nito sa mundo. Kaya naging bahagi ng ekonomiya ng Ndola ang batong-apog habang tanso naman sa nalalabing bahagi ng bansa, at nabibigay ito ng maraming kayamanan at trabaho sa lungsod. Isang pangunahing sangkap ang apog sa paggawa ng semento, at ang isang pabrika ng semento na kumukuha ng apog mula sa batong-apog at gumagawa ng sementong de-batong-apog ay gumagamit ng higit sa 80 kilo ng batong-apog kada 100 kilo ng sementong nagagawa.

Sa pagitan ng 1974 at 2009, ang Ndola nagtustos ng higit sa 50% ng semento ng Zambia mula sa Chilanga Cement, Ndola Works, isang planta na matatagpuan mga 5 kilometro timog-kanluran ng pusod ng lungsod. Ang parent company nito noon ay Chilanga Cement plc. Nagpatakbo ng dalawang mga planta ang Chilanga Cement sa Zambia: isang itinayo noong 1949 sa Chilanga at ang isa pang itinayo noong 1969 sa Ndola. Noong 2008, tinapos ng Lafarge Cement Zambia, ang bagong holding company, ang pagtatayo ng bagong pagawaan sa Chilanga na maggagawa ng doble sa dami ng Ndola Works. Pagsapit ng kalagitnaan ng 2009, patuloy pa ring lumalago ang bagong planta tungo sa buong kakayahang paggawa, kaya mahalagang player ang Ndola sa industriya ng semento ng rehiyon. Gayunpaman, nananatiling kaakit-akit na paroroonan ng pamumuhunan sa paggawa ng semento at kaugnay na mga gawain ang Ndola dahil sa pagkakasama ng napakalaking deposito ng batong-apog at ng umiiral na imprastrakturang pantransportasyon na dumaraan sa lungsod.

Itinatayo ang pangalawang paggawaan ng semento noong 2008.[6] Noong Hunyo 2009, inilathala ang pambansang mga anunsiyo upang matapos ang paglalagay ng mga tauhan para sa bagong planta na ito.

Isa pang mahalagang planta ng pagpoproseso ng batong-apog sa lugar ay ang Ndola Lime. Ito ay ang tanging gumagawa ng apog sa Zambia. Matatagpuan ito malapit sa dalawang mga pasilidad ng paggawa ng semento. Nagtutustos ito sa industriya ng pagmimina pati na rin sa mga magsasakang nangangailangan ng apog na pansaka. Buong pagmamay-ari ng ZCCM Investment Holdings ang Ndola Lime. Ang nasabing kompanya ay isang parastatal[a] na holdings company kung saang pinananatili ng pamahalaan ng Zambia ang masigasig na kapakinabangan sa pagmimina at kaugnay na mga mabigat na industriya nito sa bansa.

Mga tambilos pangkultura

baguhin

Ang apat na mga plantang pagpoproseso (mga planta ng semento at apog, at Bwana Mkubwa) ay may mga karapatan ng pagmimina sa lupang matatagpuan malapit sa kinagisnang nasasakupan ng Chiwala. Dahil diyan, ang pinuno ng Chiwala ay isang mahalagang interesadong partido sa industriya at ekonomiya ng Ndola.

Inhenyeriyang elektriko

baguhin

Sumama ang kompanyang Ehipsiyo na Elsewedy Electric [en] sa isang konsorsyum ng pampook na mga kompanyang pinamumunuan ng ZESCO Ltd (ang pangasiwaan sa suplay ng kuryente sa Zambia), at nagtatag ng isang pagawaan ng transpormer sa Zambia noong 2008. Kapuwang matatagpuan ang mga pasilidad na ito mga 5 kilometro timog ng kabayanan ng Ndola.

Transportasyon

baguhin

Ang Ndola ay nasa linya ng Daambakal ng Zambia kalakip ng mga serbisyong pampasahero at pangkargamento na tumatakbo sa pagitan ng Kitwe at Livingstone sa pamamagitan ng Kabwe at Lusaka. Tumatakbo naman ang mga pangkargada na linyang sangay patungo sa ibang mga pook sa Copperbelt at mula Ndola papuntang Lubumbashi sa Demokratikong Republika ng Congo sa pamamagitan ng Sakania.[8]

Isang pandalawahang daanan ay nag-uugnay ng Ndola sa Kitwe, ang pangalawang pangunahing lungsod ng Copperbelt, at nag-uugnay naman sa Mufulira at Lusaka ang ibang mga lansangang pinahiran ng alkitran.[8]

Ang Paliparan ng Ndola ay may nakatakdang mga panloob na serbisyo sa Lusaka at pandaigdigang serbisyo sa Addis Ababa, Johannesburg at Nairobi. Isa ito sa apat na mga pandaigdigang paliparan ng bansa, ang iba pa ay Livingstone, Lusaka at Mfuwe.

Nagtatapos ang linya ng tubo ng petrolyo mula Dar es Salaam sa Indeni Oil Refinery sa lungsod.

Ang mga salik na ito ay nagpapatunay sa pagiging sentrong pampamamahagi ng Ndola para sa Copperbelt at hilagang Zambia.

Mga naik o arabal

baguhin
  • Chifubu
  • Chipulukusu
  • Dola Hill
  • Hill Crest
  • Itawa
  • Kaloko
  • Kanini
  • Kansenshi
  • Kawama
  • Lubuto
  • Masala
  • Misundu
  • Mushili
  • Ndeke
  • Northrise
  • Nkwazi
  • Pamodzi
  • Twapia

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Talababa

baguhin
  1. Walang katumbas na salin sa Tagalog/Filipino ang salitang "parastatal." Ayon sa glosbe.com, ang kahulugan ng parastatal ay (sa Tagalog/Filipino): "Isang kompanya, ahensiya, o samahan ng mga pamahalaan na nagtataglay ng impluwensiyang pampolitika at hiwalay mula sa pamahalaan, ngunit nagsisilbi sa estado ang mga gawain ng mga ito, tuwiran man o di-tuwiran."[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "How The City Of Ndola Got Its Name". Nakuha noong 2019-01-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ndola MET Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Enero 16, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. BBC World Service Website: "The last shirt maker in Ndola". David Lyon, 22 May 2004. Accessed 18 March 2007.
  4. "Great Lakes Africa Energy | Our Projects". www.glaenergy.com. Nakuha noong 2017-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Great Lakes Africa Energy | Our Projects". www.glaenergy.com. Nakuha noong 2017-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mmegi Online :: Nigerian magnate invests in Kafue cement plant". Nakuha noong 17 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. https://glosbe.com/en/tl/parastatal
  8. 8.0 8.1 Terracarta/International Travel Maps, Vancouver Canada: "Zambia, 2nd edition", 2000

Mga kawing panlabas

baguhin
  •   Gabay panlakbay sa Ndola mula sa Wikivoyage

12°58′S 28°38′E / 12.967°S 28.633°E / -12.967; 28.633


  1. http://citypopulation.de/Zambia-Cities.html