Saskatchewan
Ang Saskatchewan (kodigo postal: SK) ay isang probinsiya sa kanlurang Canada, kung saan ito ay ang nagiisang probinsyang walang border na natural. May lawak itong 651,900 kilometrong parisukat. Halos 10% (59,366 km²) ay nasa uri ng ilog, imbakan ng tubig, at ng 100,000 lawa ng probinsyang ito. Katabi nito ang probinsiya ng Alberta sa kanluran; ang Northwest Territories sa norte; ang Manitoba sa silangan; sa northeast ng Nunavut; at sa south ng Montana at North Dakota. Sa ikalawang quarter ng 2019, ang populasyon ng Saskatchewan ay kinalkulahin na nasa 1,169,131. Halos isang hati ng populasyong ito ay nakatira sa Saskatoon, ang pinakamalaking siyudad ng Saskatchewan, o sa Regina, ang capital. Kasama sa mga ibang pinakamalaking siyudad sa Saskatchewan ay ang Prince Albert, Moose Jaw, Yorkton, Swift Current, North Battleford, Melfort, at ang Lloydminster (bahagyang nasa Alberta).
Saskatchewan | |||
---|---|---|---|
lalawigan ng Canada | |||
| |||
Mga koordinado: 55°N 106°W / 55°N 106°W | |||
Bansa | Canada | ||
Lokasyon | Canada | ||
Itinatag | 1905 | ||
Kabisera | Regina | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Monarkiyang konstitusyonal | ||
• monarch of Canada | Charles III | ||
• Premier of Saskatchewan | Scott Moe | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 651,900 km2 (251,700 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 1,132,505 | ||
• Kapal | 1.7/km2 (4.5/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | CA-SK | ||
Wika | Ingles | ||
Websayt | https://www.saskatchewan.ca/ |
Ang klima ng Saskatchewan ay nagkakaiba-iba depende sa oras ng taon. Sa timog, ang mga tag-araw ay either medyo o napaka mainit. Ang Midale at Yellow Grass, malapit sa U.S. border, ay kung saan ang naitala ang pinakamataas na temperatura sa Canada na 45 °C sa ika-5 ng Hulyo, 1937. Sa taglamig, kahit na nasa timog, pwedeng maabot ng masmalamig ng −45 °C ang temperatura.
Ng ilang libong taon, naging tirahan ang Saskatchewan sa mga First Nations. Inexplore ito ng mga taga-Europa sa 1690, at sa 1774, ang mga pangunahing paninirahan ay nagawa. Inukit at ginawang probinsya ang Saskatchewan mula sa Northwest Territories. Ang ekonomiya ng Saskatchewan ay binasehan sa agrikultura, pagmimina, at enerhiya.
Pangalan
baguhinNagmula ang pangalang "Saskatchewan" sa Saskatchewan River. Tinatawag ang ilog na ito ng kisiskāciwani-sīpiy sa wikang Cree. Ang ibig sabihin nito ay "mabilis na umaagos na ilog."
Ang lathalaing ito na tungkol sa Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.