Knafeh

panghimagas sa Gitnang Silangan na gawa sa pasteleryang filo

Ang knafeh[2] ay isang tradisyonal na Arabeng panghimagas, na gawa sa pinaikot na pasterlerya na tinatawag na kataifi,[3][4][5] na ibinabad sa matamis, de-asukal na arnibal na tinatawag na attar, at karaniwang nilalakit ng keso, o iba pang sangkap tulad ng clotted cream, pistatso o nuwes, depende sa rehiyon.[6] Sikat ito sa Gitnang Silangan.[7][6][8][9]

Knafeh
Kanafeh Nablusieh, mula sa Nablus, Palestina
Ibang tawag
  • Kunafeh
  • Kunafa
  • Kanafeh
  • Knafeh
  • Konafi
  • Kunaftah
  • Künefe
  • Kinafa
UriPanghimagas
LugarGitnang Silangan[1]
Rehiyon o bansa
Ihain nangMainit-init, temperatura ng silid o malamig (baryanteng qishta)
Pangunahing Sangkap
BaryasyonSamu't sari

Sa wikang Arabe, maaaring tumukoy ang pangalan sa pasteleryang makuwerdas mismo, o ang buong putahe. Sa wikang Turko, tel kadayıf ang tawag sa pasteleryang makuwerdas, at künefe naman ang tawag sa de-kesong panghimagas na nagsasangkap nito.[10] Sa Balkanes, tinatawag na kadaif/cataif ang gutay-gutay na tapay,[11] at kadaifi naman sa Gresya, at ito ang batayan ng mga iba't ibang putaheng pinagsama o pinagpatong kasama nito, kabilang ang mga pasterleryang panghimagas na may nuwes at matatamis na sirup.

Etimolohiya

baguhin

Nanggaling ang salitang "knafeh" mula sa Arabeng Lebantino at Ehipsiyo, at maaari itong isatitik sa mga sumusunod na paraan: kanafeh, kenafeh, knafeh, kunafah, kunafeh, konafa, knéfé, kunafa, at mga iba pang kahawig na baryasyon.[12][13]

Pinagdedebatihan ang pinakapinagmulan ng kanafeh. Ayon sa ilang sanggunian, hinango ito sa salitang "kenephiten" sa Koptong Ehipsiyo, na nangangahulugang tinapay o keyk.[14][15][12][16] May mga maagang patotoo sa mga kuwento tulad ng Ang Isang Libo't Isang Gabi.[12] Ayon sa isa pang pangmalas, nagmula ito sa Semitikong ugat na may kahulugang "gilid" o "pakpak", mula sa Arabeng kanafa, "pagiliran o palibutan".[17][18]

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa isang karaniwang kuwento, inilikha ang ulam, at inireseta ng mga doktor, upang masapatan ang pagkagutom ng mga kalipato tuwing Ramadan. Sinasabi na nangyari ang kuwento sa Ehiptong Patimi o sa Kalipatong Omeya sa Damasko, Sirya, kung saan inihanda ito ng mga Lebantinong tagagawa ng panghimagas para sa Mu'awiya I, upang mabawasan ang gutom sa panahon ng pag-aayuno tuwing Ramadan.[19][20] Iniulat din na binanggit ito sa pagsulat noong unang bahagi ng ikasampung siglo, at may pinanggalingang Patimi.[21][22][23] Subalit, maaaring iba ang mga putaheng nabanggit sa mga makasaysayang teksto kumpara sa mga modernong bersiyon ng kanafeh.

Hindi binabanggit ng Kitab al-Tabikh (Aklat ng Mga Putahe) ni Ibn Sayyar al-Warraq noong ikasampung siglo, isang koleksiyon ng mga Arabeng resipi at payong pagkain ng mga kalipatong Abasida, ang salitang kunāfa, ni binabanggit ang paglalarawan ng putahe na kilala ngayon. Subalit, mayroon itong kabanata tungkol sa mga panghimagas na gawa sa kaugnay na qatāyif ("krep"), kung saan hinango ang salitang Turko na kadayıf at salitang Griyego na kataïfi. Sa isang resipi, pinapalaman ang qatāyif ng nuwes, ipiniprito, at nilalagyan ng patining hani-asukal, na halos pareho sa bersiyon ngayon. Inilarawan din ang mga malalaki at maninipis na krep na malatela, na tinatawag na ruqāq, na iniluluto sa tābaq, isang bilog na pohas ng metal, na nakasalit ang mga prutas, at binudburan ng asukal.[24][6]

 
Tradisyonal na tagagawa ng knafeh sa Cairo

Sa anonimong Kitab al tabikh fi-l-Maghrib wa-l-Andalus (Aklat ng Mga Putahe mula sa Magreb at Al-Andalus) noong ika-13 siglo, ginagamit ang salitang 'kunāfa' upang ilarawan ang isang krep na gawa sa batidong manipis sa isang Indiyanong kawali o "salamin" (ang tābaq), at sinasabi na katumbas nito ang ruqāq. Mayroon din itong resipi para sa Abbasid Qatāyif (ang mga krep na tinatawag na musahhada sa Al-Andalus), na gumagamit ng parehong batido, ngunit mas manipis ang pagkagawa ng kunāfa, na "parang pinong tisyu". Mayroon itong iilang resiping panghimagas ukol sa kunāfa, kung saan inihahain ang mga krep na nilahukan ng sariwang keso, inihurno, at binudburan ng hani at sirup de-rosas; o pinupunit-punit na parang mga dahon ng rosas at niluluto sa hani, nuwes, asukal, at tubig-rosas.[25][6]

Nagsalaysay si Ibn al-Jazari ng ika-13 siglong inspektor ng merkado na dumaan sa Damasko sa gabi, para matiyak ang kalidad ng kunāfa, qatā'if, at iba pang pagkain na may kinalaman sa Ramadan, noong panahong Mamluk.[26]

Sa huling yugto ng Gitnang Kapanahunan, nilikha ang isang bagong teknika, kung saan may manipis na batido na pinatulo sa pilyego ng metal mula sa isang butas-butas na lalagyan, na nagbuo ng mga kuwerdas na parang buhok. Sa isang pagsasalin ng mga Turkong Otoman ng Kitab al-Tabikh ni Muhammad bin Hasan al-Baghdadi noong kalagitnaan ng ika-15 siglo, idinagdag ang ilang mga bagong kontemporaryong resipi, kabilang ang ganitong resipi para sa kadayif, ngunit hindi nakabanggit kung saan ito nagmula.[27] Ito ang naging basehan ng modernong kunafa/kanafeh. Ipiniprito ito kasama ng mantikilya o mga budbod tulad ng nuwes, pinatamis na keso, o clotted cream, at hinahaluan ng tubig-rosas at asukal. Kumalat ang pastelerya mula sa mga lupaing Arabe patungo sa mga kalapit na bansa kabilang ang Iran at Gresya, at sa Turkiya kung saan kilala ang pastelerya bilang tel kadayıf ("kuwerdas na krep"), na ginagamit sa mga kaugnay na pastelerya tulad ng dolma kadayif.[6]

Mga baryante

baguhin

Kanafeh Nabulsieh

baguhin

Nagmula ang kanafeh Nabulsieh mula sa Palestinong lungsod ng Nablus,[8][28] kaya pinanganlang Nabulsieh. Kilala pa rin ang Nablus para sa kanafeh nito, na binubuo ng suwabeng puting keso at ginutay-gutay na trigo sa itaas, na nilagyan ng sirup de-asuka.[29] Sa Gitnang Silangan, itong baryante ng kanafeh ang pinakakaraniwan.

Kadayıf at künefe

baguhin

 
Turkong künefe at Turkong tsaa

Sa rehiyong Hatay ng Turkiya, na dating bahagi ng Sirya at may malaking populasyong Arabe, künefe ang tawag sa pastelerya habang tel kadayıf ang tawag sa mga malakawad na piraso. May medyo malambot na keso tulad ng Urfa peyniri (keso ng Urfa) o Hatay peyniri (keso ng Hatay), na gawa sa hilaw na gatas, sa palaman.[30] Sa paggawa ng künefe, hindi binibilot ang kadayıf sa paligid ng keso, sa halip, nasa gitna ang keso ng dalawang suson ng malakawad na kadayıf. Iniluluto ito sa mga maliliit na tansong plato, at inihahain nang napakainit at sinasabayan ng clotted cream (kaymak) at binubudburan ng mga pistatso o nogales. Sa lutuing Turko, mayroon ding yassı kadayıf at ekmek kadayıfı, na hindi binubuo ng mga malakawad na piraso.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Natanel, Katherine (2016). Sustaining Conflict: Apathy and Domination in Israel-Palestine [Pagpapanatili ng Salungatan: Kawalang-interes at Dominasyon sa Israel-Palestina] (sa wikang Ingles). Univ of California Press. p. 95. ISBN 978-0-520-96079-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "knafeh". dictionary.cambridge.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Cheese pastry (künefe)" [Pasteleryang keso (künefe)] (sa wikang Ingles).
  4. "Tel kadayıf hamuru tarifi". Hurriyet.
  5. The World Religions Cookbook [Ang Aklat Panluto ng Mga Relihiyon ng Mundo] (sa wikang Ingles). Greenwood Press. 2007. p. 158. ISBN 9780313342639.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Davidson, Alan (2014). The Oxford Companion to Food [Ang Kompanyerong Oxford sa Pagkain] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp. 33, 661–662. ISBN 9780199677337 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Knafeh". Time Out Sydney (sa wikang Ingles).
  8. 8.0 8.1 Edelstein, Sari (2010). Food, Cuisine, and Cultural Competency for Culinary, Hospitality, and Nutrition Professionals [Pagkain, Lutuin, at Kakayahang Pangkultura para sa Mga Propesyonal sa Kulinarya, Hospitalidad, at Nutrisyon] (sa wikang Ingles). Jones & Bartlett Publishers. ISBN 9781449618117.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Nasser, Christiane Dabdoub (2013). Classic Palestinian Cuisine [Klasikong Lutuing Palestino] (sa wikang Ingles). Saqi. ISBN 9780863568794.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Albala, K. (2011). Food Cultures of the World Encyclopedia [Ensiklopedya ng Mga Kultura ng Pagkain sa Mundo] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Greenwood. p. 311. ISBN 9780313376269. Nakuha noong 2014-12-02.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Encyclopedia of food and culture [Ensiklopedya ng pagkain at kultura] (sa wikang Ingles). Scribner. 2003. p. 159. OCLC 50590735.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 "Etymological Dictionary of Arabic" [Diksiyonaryong Etimolohiko ng Arabe]. Bibliotheca Polyglotta (sa wikang Ingles). University of Oslo. Nakuha noong 11 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Marks, Gil (17 Nobyembre 2010). "Kanafeh/Kadayif". Encyclopedia of Jewish Food (sa wikang Ingles). Houghton Mifflin Harcourt. ISBN 9780544186316 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Perry, Charles (26 Mayo 1999). "The Dribble With Pastry". Los Angeles Times. ISSN 0458-3035. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2015. Nakuha noong 2018-07-12 – sa pamamagitan ni/ng LA Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Youssef, Aḥmad Abdel-Hamid (2003). From Pharaoh's Lips : Ancient Egyptian Language in the Arabic of Today [Mula sa Labi ng Pharaoh : Sinaunang Wika ng Ehipto sa Arabe Ngayon] (sa wikang Ingles). Cairo: American University in Cairo Press. pp. 46–47. ISBN 9781617974762. OCLC 897473661.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Goldstein, Darra, pat. (2015). The Oxford Companion to Sugar and Sweets [Ang Kompanyerong Oxford sa Asukal at Mga Kumpites] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 447. ISBN 9780199313396 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. The Editors of the American Heritage Dictionaries. "Appendix II - Semitic Roots" [Apendiseng II - Mga Semitikong Ugat]. American Heritage Dictionary (sa wikang Ingles). Houghton Mifflin Harcourt. Nakuha noong Hulyo 12, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Team, Almaany. "Definition and meaning of Kanafeh in Arabic in the dictionary of the meanings of the whole, the lexicon of the mediator, the contemporary Arabic language - Arabic Arabic dictionary - Page 1" [Depinisyon at kahulugan ng Kanafeh sa Arabe sa diksiyonaryo ng mga kahulugan ng buo, ang leksikon ng tagapamagitan, ang kontemporaryong wikang Arabe - diksiyonaryong Arabe-Arabe - Pahina 1]. www.almaany.com (sa wikang Ingles).
  19. "Kunafa, Qatayef: Ramadan's most favorite desserts" [Kunafa, Qatayef: Mga pinakapaboritong panghimagas sa Ramadan]. Cairo Post (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-12. Nakuha noong 2018-07-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "20 places to get amazing kunafa and Arabic sweets in the UAE" [20 lugar kung saan makakuha ng mga kahanga-hangang kunafa at Arabeng kumpites sa EAU]. gulfnews.com (sa wikang Ingles). 2021-04-14. Nakuha noong 2023-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Roufs, Timothy G.; Roufs, Kathleen Smyth (2014). Sweet Treats around the World: An Encyclopedia of Food and Culture. ABC-CLIO. p. 464. ISBN 9781610692212.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Wright, Clifford A. (1999). A Mediterranean Feast: The Story of the Birth of the Celebrated Cuisines of the Mediterranean from the Merchants of Venice to the Barbary Corsairs, with More than 500 Recipes. William Morrow Cookbooks. ISBN 978-0-688-15305-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Al-awsat, Asharq (4 Oktubre 2007). "The Ramadan Experience in Egypt - ASHARQ AL-AWSAT English Archive". ASHARQ AL-AWSAT English Archive. Nakuha noong 2018-06-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Nasrallah, Nawal (2007). Annals of the caliphs' kitchens : Ibn Sayyār al-Warrāq's tenth-century Baghdadi cookbook [Kronika ng mga kusina ng mga kalipato : Aklat panlutong Baghdadi ni Ibn Sayyār al-Warrāq noong ikasampung siglo] (sa wikang Ingles). Brill. pp. 39, 43, 420. ISBN 9789047423058.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "An Anonymous Andalusian Cookbook of the 13th Century" [Isang Anonimong Aklat Panlutong Andalusa ng Ika-13 Siglo]. www.daviddfriedman.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) See also contents and footnotes.
  26. Sato, Tsugitaka (31 Oktubre 2014). Sugar in the Social Life of Medieval Islam [Asukal sa Buhay Panlipunan ng Medyebal na Islam] (sa wikang Ingles). BRILL. ISBN 9789004281561 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Isin, Mary (8 Enero 2013). Sherbet and Spice: The Complete Story of Turkish Sweets and Desserts [Sorbetes at Espesya: Ang Kumpletong Kuwento ng Mga Turkong Kumpites at Panghimagas] (sa wikang Ingles). I.B.Tauris. pp. 193–194. ISBN 9781848858985 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Abu Shihab, Sana Nimer (2012). Mediterranean Cuisine [Lutuing Mediteraneo] (sa wikang Ingles). AuthorHouse. p. 74. ISBN 9781477283097.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Cuisine Naka-arkibo 2007-08-04 sa Wayback Machine. Institute for Middle East Understanding
  30. "Künefe – ein außergewöhnliches Dessert". nobelio.de. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-25. Nakuha noong 2014-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)