Si Konrad Zuse (Aleman: [ˈkɔnʁat ˈtsuːzə]; 1910–1995) ay isang Aleman na inhinyerong sibil, imbentor at pioneer ng kompyuter. Ang kanyang pinakadakilang nagawa ang una sa daigdig na unang gumaganang kinontrol ng programang kumpletong-Turing na kompyuter na Z3 na naging operasyonal noong Mayo 1941. Si Zuse ay kilala rin sa makinang pang-pangkwenta na S2 na itinuturing na unang kinontrol ng prosesong kompyuter. Kanyang itinatag ang pinakamaagang negosyo ng kompyuter noong 1941 na lumikha ng Z4 na naging una sa daigdig na pangkalakalan (commercial) na kompyuter. Mula 1943,[1] hanggang 1945[2] kanyang dinisenyo ng unang mataas na lebel na wikang pamprograma na Plankalkül.[3] Noong 1969, kanyang iminungkahi ang konsepto ng batay sa komputasyong uniberso sa kanyang aklat na Rechnender Raum (Calculating Space). Ang karamihan ng kanyang maagang paggawa ay pinondohan ng kanyang pamilya at komersiyo ngunit pagkatapos ng 1939 ay binigyan ng mga mapagkukunan ng pamahaang pamahalaang Nazi.[4] Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang paggawa ni Zuse ay malaking hindi napansin sa United Kingdom at Estados Unidos. Posibleng ang kanyang unang nadokumentong impluwensiya sa kompanya ng Estados Unidos ang opsiyon ng IBM sa kanyang mga patent noong 1946. May isang replika ng Z3 gayundin ang orihinal na Z4 sa Deutsches Museum sa Munich. Ang Deutsches Technikmuseum sa Berlin ay may eksibisyon na nakalaan kay Zuse at nagtatanghal ng 12 sa mga makina niya kabilang ang isang replika ng Z1 at ilang mga pinta ni Zuse.

Konrad Zuse
Konrad Zuse in 1992
Kapanganakan22 Hunyo 1910(1910-06-22)
Kamatayan18 Disyembre 1995(1995-12-18) (edad 85)
NasyonalidadGerman
NagtaposTechnical University of Berlin
Kilala saZ3, Z4
Plankalkül
Calculating Space (cf. digital physics)
ParangalWerner von Siemens Ring in 1964,
Harry H. Goode Memorial Award in 1965 (together with George Stibitz),
Great Cross of Merit in 1972
Computer History Museum Fellow Award in 1999 - weblink
Karera sa agham
LaranganComputer science
Computer engineering
InstitusyonAerodynamic Research Institute
Pirma

Mga sanggunian

baguhin
  1. Inception of a universal theory of computation with special consideration of the propositional calculus and its application to relay circuits (Zuse, Konrad, (1943) "Ansätze einer Theorie des allgemeinen Rechnens unter besonderer Berücksichtigung des Aussagenkalküls und dessen Anwendung auf Relaisschaltungen"), unpublished manuscript, Zuse Papers 045/018.
  2. A book on the subject: (full text of the 1945 manuscript) Naka-arkibo 2012-02-10 sa Wayback Machine.
  3. Talk given by Horst Zuse to the Computer Conservation Society at the Science Museum (London) on 18 Nobyembre 2010
  4. "Weapons Grade: How Modern Warfare Gave Birth To Our High-Tech World", David Hambling. Carroll & Graf Publishers, 2006. ISBN 0-7867-1769-6, ISBN 978-0-7867-1769-9. Retrieved 14 Marso 2010.