Kristo ang Tagapagtubos
Si Kristo ang Tagapagtubos (Portuges: Cristo Redentor, Portuges na Brasilyano: [ˈkɾistu ʁedẽˈtoʁ], IPA: [ˈkɾiɕtŭ̻ xe̞dẽ̞ˈtoɦ]) ay isang rebultong Art Deco ni Hesukristo sa Rio de Janeiro, Brasil, na nilikha ng Pranses na iskultor na si Paul Landowski at itinayo ng Brasilyenong inhinyero na si Heitor da Silva Costa na tinulungan ng Pranses na inhinyero na si Albert Caquot. Nilikha ng Rumanong iskultor na si Gheorghe Leonida ang mukha. Itinayo mula 1922 hanggang 1931, 30 metro (98 ft) ang taas ng rebulto, hindi kasama ang kanyang patungang may taas na 8 metro (26 ft). 28 metro (98 ft) ang kahabaan ng mga brasong nakaunat.[1][2]
Mga koordinado | 22°57′7″S 43°12′38″W / 22.95194°S 43.21056°W |
---|---|
Kinaroroonan | Bundok Corcovado, Rio de Janeiro, Brasil |
Nagdisenyo | Dinisenyo ng iskultor na si Paul Landowski at itinayo ng na inhinyero si Heitor da Silva Costa na tinulungan ni Albert Caquot. Nilkha ni Gheorghe Leonida ang mukha |
Materyal | Esteatita |
Taas | 30 metro (98 tal) and 38 metro (125 tal) tall with its pedestal |
Natápos noong | Inihandog noong Oktubre 12, 1931 |
Inilaan noong Oktubre 12, 2006 Bagong Pitong mga Kamangha-mangha ng Daigdig Hulyo 7, 2007 |
Ang rebulto ay may timbang na 635 metrikong tonelada (625 mahaba, 700 maikling tonelada), at matatagpuan sa tuktok ng 700 metro (2,300 ft) na Bundok Corcovado sa Pambansang Liwasan ng Kagubatang Tijuca na tinutunghayan ang lungsod ng Rio de Janeiro. Isang simbolo ng Kristiyanismo sa buong mundo, ang rebulto ay naging simbolo ng kalinangan ng Rio de Janeiro at Brasil, at nakalista ito bilang isa sa mga Bagong Pitong mga Kamangha-mangha ng Daigdig.[3] Gawa ito sa pinatibay na kongkreto at batong sabon.[4][5][6]
Kasaysayan
baguhinSi Pedro Maria Boss, isang Vicencianong pari, ang unang nagmungkahi ng pagtatayo ng Kristiyanong monumento sa Bundok Corcovado noong kalagitnaan ng 1850 upang parangalan si Prinsesa Isabel, rehente ng Brasil at ang babaeng anak ni Emperador Pedro II, ngunit hindi naaprubahan ang proyekto.[1] Noong 1889 naging republika ang bansa, at dahil sa paghihiwalay ng simbahan at estado, pinawalang-saysay ang ipinanukalang rebulto.[7]
Gumawa ang Sirkulo Katoliko[kailangang linawin] ng Rio ng ikalawang panukala para sa palatandaang rebulto sa bundok noong 1920.[kailangan ng sanggunian] Inorganisa ng grupo ang isang kaganapan na tinawag na Semana do Monumento ("Linggo ng Bantayog") upang makaakit ang mga donasyon at mangolekta ng mga lagda upang suportahan ang pagtatayo ng rebulto. Ginanyak ang organisasyon ng itinuturing nilang 'kawalan ng Diyos' sa lipunan. Halos nagmula ang lahat ng mga donasyon mula sa mga Brasilyenong Katoliko.[4] Kabilang sa mga disenyo na isinasaalang-alang para sa "Rebulto ni Kristo" ang isang representasyon ng Kristiyanong krus, isang rebulto ni Jesus na may globo sa kanyang mga kamay, at isang patungan na sumasagisag sa mundo.[8] Napili ang rebulto ni Kristo na Tagapagtubos na may mga bukas na armas, simbolo ng kapayapaan.
Idinisenyo ang rebulto ni Heitor da Silva Costa, isang lokal na inhinyero. Nilikha naman ni Paul Landowski, isang Pranses na iskultor ang gawain.[9]
Noong 1922, inatas ni Landowski ang kapwang Parisiano-Rumanong iskultor na si Gheorghe Leonida na nag-aral ng iskultura sa Fine Arts Conservatory sa Bukarest at sa Italya.[10]
Inaral ng isang pangkat ng mga inhinyero at tekniko ang mga isinumite ni Landowski at naniwala na mas angkop ang istruktura na gawa sa pinatibay na kongkreto (dinisenyo ni Albert Caquot) sa halip na bakal para sa hugis-krus na rebulto. Nanggaling ang kongkreto na nagbubuo ng patungan mula sa Limhamn, Suwesa.[11][12] Ang mga panlabas na suson ay gawa sa batong sabon, pinili dahil sa kanyang matatag na katangian at kadaliang gamitin.[5] Tumagal nang siyam na taon ang konstruksyon nito, mula 1922 hanggang 1931 at nagkahalaga ng katumbas ng US$250,000 (katumbas sa $3,500,000 noong 2018) at binuksan ang bantayog noong Oktubre 12, 1931.[5][6] Noong seremonya ng pagbubukas, iilawan dapat ang rebulto ng isang pulutong ng mga baha-ilaw na bubuksan nang malayuan ni Guglielmo Marconi, ang Italyanong imbentor ng radyong liboy-ikling na nakapuwesto 9,200 kilometro (5,700 mi) mula sa Roma ngunit dahil sa masamang panahon, binuksan ang mga ilaw sa lugar mismo.[kailangan ng sanggunian]
Noong Oktubre 2006, sa ika-75 na anibersaryo ng pagkumpleto ng rebulto, binenditahan ng Arsobispo ng Rio, si Cardinal Eusebio Oscar Scheid, ang isang kapilya na nakapangalan sa santong patron ng Brasil—Nossa Senhora Aparecida ("Ang Aming Ginang ng Aparecida"), sa ilalim ng rebulto na nagpapahintulot sa mga Katoliko na magpabinyag at magpakasal doon.[6]
Tinamaan ng kidlat ang rebulto noong isang marahas na bagyo noong Pebrero 10, 2008 na nagiging sanhi ng bahagyang paninira sa mga daliri, ulo at kilay. Nagpasimula ang estadong pamahalaan ng Rio de Janeiro ng pagtatangka sa pagpapanumbalik upang palitan ang mga panlabas na suson na gawa sa sabong bato at kumpunihin ang mga kidlat-poste sa rebulto. Natamaan muli ito ng kidlat noong Enero 17, 2014 at nasira ang isang daliri nito sa kanyang kanang kamay.[13][14][15][16]
Noong 2010, nagsimula ang napakalaking pagpapanumbalik ng rebulto. Kabilang dito ang paglilinis, pagpapalit ng argamasa at batong sabon sa balat, pagpapanumbalik ng bakal sa istrakura sa loob, at pagdi-mabasa ng monumento. Inatake ng mga bandalo ang rebulto sa panahon ng pagsasaayos, at nawisikan ng pintura sa may braso. Sinabi ni Alkalde Eduardo Paes na "isang krimen laban sa bansa" ang ginawa. Sa huli, humingi ng paumanhin ang mga salarin at nagpahuli sila sa mga pulis.[17][18][19]
Bilang reperensiya sa pagdiriwang ng gol ng Brazilenyong striker na si Ronaldo, kung saan nakabukas ang dalawa niyang braso, nagpatakbo ang Pirelli, isang kumpanya ng gulong, ng pamadya noong 1998 kung saan pinalitan niya ang rebulto habang nasa isang strip ng Inter Milan.[20] Naging kontrobersyal ang pamadya sa Simbahang Katoliko.[21] Noong 2015, umakyat sa rebulto ang dalawang Ruso at Ukranyong lunsuring manggagalugad, sila Vadim Makhorov at Vitaly Raskalov mula sa Ontheroofs, na may nakuhang video footage at mga larawan.[22][23][24]
Pagpapanumbalik
baguhinNoong 1990, sumang-ayon sa trabahong pagpapanumbalik ang iilang mga organisasyon, kasama ang Arkidiyosesis ng Rio de Janeiro, kumpanyang medya Grupo Globo, kumpanyang langis Shell do Brasil, tagapangasiwa ng kalikasan IBAMA, Pambansang Surian ng Makasaysayang at Masining Pamana, at ang pamahalaang lungsod ng Rio de Janeiro.
Isinagawa ang karamihan ng trabaho sa rebulto at sa kapaligiran nito noong 2003 at unang bahagi ng 2010. Noong 2003, nakabit ang isang pangkat ng mga eskalador, tulayan, at asensor upang mapadali ang pagpunta sa plataporma na pumapalibot sa rebulto. Nagpokus ang apat na buwan ng pagpapanumbalik noong 2010[25] sa mga rebulto mismo. Nakumpuni ang panloob na istraktura ng rebulto at naibalik ang sabong batong mosaik na takip nito sa pamamagitan ng pag-alis ng patong ng halamang singaw at iba pang mga miktataghay at pagkukumpuni ng maliliit na lamat. Naayos din ang mga kidlat-poste na matatagpuan sa ulo at bisig ng rebulto, at naluklok ang mga bagong kabit sa ilaw sa paa ng rebulto.[26]
Kasangkot ang isang daang tao sa pagpapanumbalik at gumamit ng higit sa 60,000 piraso ng bato na kinuha mula sa parehong tibagan ng orihinal na rebulto.[25] Sa panahon ng paglalantad ng naipanumbalik na rebulto, iniluminado ito ng luntian at dilaw na ilaw para sumoporta ng Brazilenyong pambansang koponan ng futbol na naglaro sa 2010 FIFA World Cup.[25]
Dapat na isinasagawa ang pagpapanatili pana-panahon dahil sa malantad ang rebulto sa malakas na hangin at pagguho ng lupa, pati na rin sa mga kidlat.[27] Kulang na ang dami ng orihinal na maputlang bato at mas madidilim sa kulay ang mga batong kapalit.[28]
Magkatulad na istruktura
baguhin- Kristo ang Tagapagtubos sa Rio Verde, Goiás, Brasil
- Cristo del Otero sa Palencia, Espanya na binuo noong 1930 (21 m)
- Cerro del Cubilete sa Guanajuato, Mehiko, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos ng Rio (23 m)
- Kristong Nagpapala sa Manado, Hilagang Sulawesi, Indonesia (30 m)
- Kristo ng Havana sa Havana, Cuba na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos (20 m)
- Kristo ng Kalaliman sa iba't ibang mga lokasyon sa ilalim ng tubig
- Kristo ng mga Ozark sa Arkansas, Estados Unidos, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos ng Rio (20 m)
- Kristo ng Vũng Tàu sa Vietnam (32 m)
- Kristo ang Hari sa Świebodzin, Poland (33 m)
- Kristo ang Tagapagtubos ng Andes (Argentina/Chile)
- Kristo ang Banal na Puso ni Hesus, Ibiza, Espanya, na napukaw sa Kristo ang Tagapagtubos (23 m)
- Cristo Blanco sa Cusco, Peru
- Cristo de la Concordia sa Cochabamba, Bolivia (34 m)
- Cristo de las Noas sa Torreón, Mehiko (22 m)
- Cristo del Pacífico sa Lima, Peru, na itinayo noong 2011 (37 m)
- Patung Yesus Kristus[29] sa Pulo ng Mansinam, Kanlurang Papua, Indonesia (30 m)
- Cristo Redentore (Kristo ang Hari) ng Maratea, Italya (21 m)
- Cristo Rei (Kristo ang Hari) sa Almada, Portugal (28 m)
- Cristo Rei ng Dili sa Dili, Timor-Leste (27 m)
- Cristo Rei, Madeira sa Pulo ng Madeira, natapos noong 1927 (15 m)
- Cristo Rei sa Lubango, Angola (14 m)
- Rebulto ng Cristo Luz sa Balneário Camboriú, Santa Catarina, Brasil
- Rebulto ni Hesukristo sa tuktok ng Sagrat Cor, Barcelona, Espanya
- Tas-Salvatur, Malta (12 m)
- Rebulto ni Hesukristo, Monte Urgull, Donostia-San Sebastian, Espanya - 12 m
- Jesus de Greatest sa Imo, Nigeria, pinakamataas na estatuwa ni Hesus sa Aprika at ikalimang pinakamataas na rebulto sa kontinente (8.53 m)
- Cristo del Picacho sa Tegucigalpa, Honduras
- Cristo Redentor, Puerto Plata, Republikang Dominikano
- Kristo Ang Hari Lebanon
- Isa pang imitasyon ng rebulto ni Kristo ang Tagapagtubos sa Nellore, Andhra Pradesh, India. (Shrish Patil)
- Imitasyon sa Kovalam, malapit sa Trivandrum, Kerala, India.
- Si Kristo ang Tagapagtubos ng Malacca na nasa Portuguese Settlement Square sa Melaka, Malaysia (20 m)
- Cristo Rey sa Colombia (26 m)
Galerya
baguhin-
Ang rebulto
-
Eskalador pampadaan
-
Kristo ang Manunubos pagkatapos ng pagbabalik sa dati
-
Pinaliwanag ang rebulto ng dilaw at luntain, ang mga kulay ng Brasil, noong 2014 FIFA World Cup.
-
Ang Corcovado at Kristo ang Manunubos na nakikita mula sa Pão de Açúcar.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Murray, Lorraine. "Christ the Redeemer (last updated 13 January 2014)". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong Hulyo 11, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Giumbelli, Emerson (2014). Símbolos Religiosos em Controvérsia (sa wikang Portuges). São Paulo. 244. ISBN 978-85-7816-137-8.
{{cite book}}
: Unknown parameter|nopp=
ignored (|no-pp=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ "The New Seven Wonders of the World". Hindustan Times. Hulyo 8, 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 30, 2007. Nakuha noong Hulyo 11, 2007.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Jesus Christ". TIME. Oktubre 26, 1931. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 12, 2013. Nakuha noong Hulyo 11, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "Brazil: Crocovado mountain – Statue of Christ". Travel Channel. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2007. Nakuha noong Hulyo 7, 2007.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Sanctuary Status for Rio landmark". BBC News. Oktubre 13, 2006. Nakuha noong Hulyo 7, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cristo Corcovado by Sergi Lla on Prezi". Prezi.com. Nakuha noong Oktubre 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Victor, Duilo. "Redentor, carioca até a alma" (sa wikang Portuges). Jornal do Brasil. Nakuha noong Hulyo 17, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Phil, Damon (Hunyo 29, 1983). "Vote now for Phoneheng". The Sun. London.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cristo Redentor: santuário carioca que virou símbolo da cidade no mundo" (sa wikang Portuges). Prefeitura da Cidade do Rio de Janeiro. Oktubre 20, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.realtid.se/skanska-vi-ar-oskyldiga-till-underverket
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-24. Nakuha noong 2019-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cristo Redentor vai passar por restauração até junho ("Christ the Redeemer under restoration 'til June")". Estadão.
- ↑ Moratelli, Valmir. "Cristo Redentor, castigado por raios, passa por ampla reforma (Christ the Redeemer, punished by lightnings, go by ample refit)". Último Segundo. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2010. Nakuha noong Abril 13, 2010.
{{cite news}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cristo Redentor renovado para 2010" (PDF). Rio de Janeiro Government. Disyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Lightning breaks finger off Rio's Christ". The Age. Enero 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vandals cover Rio's Christ statue with graffiti". Reuters. Abril 16, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tabak, Bernardo. "Estátua do Cristo Redentor é alvo de pichação". Globo.
- ↑ Infosur hoy: Christ the Redeemer to get new outfit Naka-arkibo July 14, 2014, sa Wayback Machine.
- ↑ "Pirelli e le metamorfosi della pubblicità". Corriere Della Sera. Nakuha noong 19 Setyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Cup 2014: Brazil furious over Christ the Redeemer statue in Rio de Janeiro in Italian football colours". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2014. Nakuha noong 18 Setyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climbing Christ the Redeemer youtube video". Ontheroofs. Disyembre 10, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climbing Christ the Redeemer ontheroofs story with photos and video". Ontheroofs. Disyembre 10, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2016. Nakuha noong Setyembre 21, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Millward, David (Disyembre 12, 2015). "Watch the stunning footage taken by photographers who climbed Rio's 125-feet tall Christ the Redeemer Statue". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2017. Nakuha noong Abril 5, 2018.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 25.0 25.1 25.2 >"Brazil's Christ state returns after renovation". BBC News. Hulyo 1, 2010. Nakuha noong Hulyo 1, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christ the Redeemer se la come, YouTube video, accessed January 20, 2011.
- ↑ "Reforma no cartão-postal". Veja Rio. Mayo 18, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2010. Nakuha noong Mayo 18, 2010.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bowater, Donna; Mulvey, Stephen; Misra, Tanvi (Marso 10, 2014). "Arms wide open". BBC Online. Nakuha noong Disyembre 2, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kompas Cyber Media. "Presiden Resmikan Patung Yesus Kristus di Pulau Mansinam – Kompas.com Regional". Regional.kompas.com. Nakuha noong Oktubre 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang pagbabasa
baguhin- Blanes, Ruy Llera (2014). "Review: Giumbelli, Emerson (2014), Símbolos Religiosos em Controvérsia. São Paulo: Terceiro Nome". Vibrant: Virtual Brazilian Anthropology (sa wikang Portuges). 11 (2): 470–472. doi:10.1590/S1809-43412014000200016. ISSN 1809-4341. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2010.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Giumbelli, Emerson (2008). "A modernidade do Cristo Redentor". Dados (sa wikang Portuges). 51 (1): 75–105. doi:10.1590/S0011-52582008000100003. ISSN 0011-5258. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2019-07-18.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Giumbelli, Emerson; Bosisio, Izabella (2010). "A Política de um Monumento: as Muitas Imagens do Cristo Redentor". Debates do NER (sa wikang Portuges). 2 (18): 173–192. ISSN 1982-8136.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|last-author-amp=
ignored (|name-list-style=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Giumbelli, Emerson (2013). "O Cristo Pichado". Ponto Urbe. Revista do Núcleo de Antropologia Urbana da USP (sa wikang Portuges) (12). doi:10.4000/pontourbe.586. ISSN 1981-3341.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Ranquetat-Júnior, Cesar Alberto (2012). Laicidade à brasileira: um estudo sobre a controvérsia em torno da presença de símbolos religiosos em espaços públicos (Doutorado em Antropologia Social) (sa wikang Portuges). UFRGS. 310 pp. Nakuha noong Disyembre 7, 2015.
{{cite thesis}}
: Unknown parameter|nopp=
ignored (|no-pp=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Ranquetat-Júnior, Cesar Alberto (2015). "Giumbelli, Emerson. Símbolos Religiosos em Controvérsia. São Paulo: Terceiro Nome, 2014". Debates do NER (sa wikang Portuges). 1 (27): 429–437. ISSN 1982-8136.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)