Ang kultura ng Europa ay mailalarawan bilang isang serye ng magkakapatong na mga kultura. Ang pagkakahalu-halo ng mga kalinangan ay umiiral sa kahabaan at kapaligiran ng kontinente. Mayroong mga inobasyon at mga kilusan, na paminsan-minsan ay hindi katugma ng isa, katulad ng proselitismong Kristiyano o Humanismo. Kung kaya't masalimuot at mahirap ang pagkakaroon ng matatawag na "pangkaraniwang kultura" o "karaniwang kalinangan" sa Europa, ngunit ang pundasyon ng kulturang Europeo ay inilapat ng sinaunang mga Griyego, na pinatibay ng kultura ng sinaunang mga Romano, na pinatatag ng Kristiyanismo, na nireporma o nilagyan ng mga pagbabago ng panahon ng Renasimyento at Repormasyong Protestante noong ika-15 daantaon, na ginawang moderno o makabago ng Panahon ng Pagpapaliwanag noong ika-18 daantaon, at pinakalat sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon sa pamamagitan ng magkakasunud-sunod na mga imperyong Europeo sa pagitan ng ika-16 at ika-20 mga daantaon. Kung kaya't ang kultura ng mga Europeo ay umunlad upang maging isang napaka masalimuot na kababalaghan ng mas malawak na kasakupan ng pilosopiya, ng humanismong Kristiyano at sekular, ng rasyonal o makatwirang paraan ng pamumuhay at lohikal na pag-iisip na umunlad sa loob ng mahabang panahon ng pagbabago at pormasyon dahil sa mga eksperimentong naisagawa noong Panahon ng Pagkamulat, naturalismo, romantisismo, agham, demokrasya, at sosyalismo. Dahil sa ugnayang global ng Europa, ang kultura ng Europa ay lumago at lumaki na may panlahatang pagsasama ng udyok na umampon, umangkin, makibagay, at lalo na ang makaimpluwensiya sa ibang mga gawi ng kultura. Sa katunayan, at kung gayon, ang kulturang Europeo at pamamaraan ng pamumuhay, bagaman hanggang sa isang malaking kaantasan lamang, ay naging isa sa mga "kulturang pangglobo" o "kalinangang pandaigdig", dahil sa paglawig ng edukasyon sa Europa magmula noong ika-19 daantaon at dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo.[1]

Musika

baguhin

Sa musikang popular:

  1. Tears for Fears, The Beatles, The Rolling Stones, Led Zeppelin, Pink Floyd, Queen, Elton John, David Bowie, Deep Purple, Sex Pistols, Eric Clapton, The Clash, Van Morrison, Dire Straits, The Police, Fleetwood Mac, Genesis, George Michael, Pet Shop Boys, Phil Collins, Rod Stewart, The Who, Eurythmics, Dusty Springfield, The Cure, Black Sabbath, Iron Maiden, Judas Priest, Def Leppard, Duran Duran, Oasis, Radiohead, Coldplay, Mumford & Sons, The Smiths, Muse, Blur, Gorillaz, Bonnie Tyler, Seal, Elvis Costello, The Stone Roses, Primal Scream, Bee Gees, Skepta, Spice Girls, Depeche Mode, The Kinks, The Animals, Motörhead, UB40, One Direction, Cheryl Cole, Adele, Amy Winehouse, Stormzy;
    (United Kingdom)
  2. U2, Thin Lizzy, The Pogues, The Script, The Undertones, Sinéad O'Connor (Irlanda),
  3. Kraftwerk, Can, Scorpions, Nina Hagen, Trio, Rammstein, Modern Talking, James Last, Nena, Paul Kalkbrenner, Felix Jaehn, Kay One, Alex C, Alle Farben, Eko Fresh, Bausa, Capital Bra, Robin Schulz, Bushido, Namika, Scooter, MoTrip, Veysel, Zedd, Bonez MC, Gzuz (Alemanya),
  4. ABBA, The Cardigans, The Hives, Roxette, Swedish House Mafia, Avicii, Icona Pop, Zara Larsson (Suwesya),
  5. Alan Walker, Madcon, Sigrid, a-ha (Noruwega),
  6. Björk, Sigur Rós (Iceland),
  7. Lepa Brena, Ceca Ražnatović, Jelena Karleuša, Seka Aleksić, Indira Radić, Dragana Mirković (Serbia),
  8. Giorgio Moroder, Andrea Bocelli, Benny Benassi, The Bloody Beetroots, Mina, Adriano Celentano, Patty Pravo, Toto Cutugno, Laura Pausini, Eros Ramazzotti, Zucchero Fornaciari, Domenico Modugno, Lucio Battisti, Giorgia, Sabrina Salerno, Ivana Spagna, Eiffel 65, Alexia, Francesco Gabbani, J-ax, Fedez, Gue Pequeno, Sfera Ebbasta (Italya),
  9. Soulwax, dEUS, Absynthe Minded, The Black Box Revelation, Selah Sue, Girls in Hawaii, Stromae, (Belhika),
  10. Luis Eduardo Aute, Julio Iglesias, The Pinker Tones, Lluis Llach, Enrique Iglesias (Espanya),
  11. Édith Piaf, Serge Gainsbourg, Daft Punk, David Guetta, Justice, Bob Sinclar, Martin Solveig, Étienne de Crécy, Yelle, Phoenix, Air, M83, Alizée, C2C, Jean Michel Jarre, Black M, Kenji Girac (Pransiya),
  12. Nana Mouskouri, Celine Dion (Gresya/Pransiya), Helena Paparizou (Gresya),
  13. Ektor, Krystof, Slza, Atmo music, Helena Vondrackova (Republikang Tseko)
  14. Kati Wolf (Unggriya),
  15. Timati, Feduk, Gamora, T.A.T.u., Gorky Park, Allj, Algie & Kravtsov (Rusya),
  16. Cleo, Sitek, Natalia Nykiel, Ewelina Lisowska, Sokół, Tede, Donguralesko, Margaret, Donatan, Taconafide, C-BooL, Zespol Akcent, Doda (Polonya),
  17. Rasmus Seebach, The Raveonettes, MQ, Agnes Obel, WhoMadeWho (Dinmarka),
  18. The Legendary Tigerman, The Gift (Portugal),
  19. Alexandra Stan, Inna, Edward Maya, Morandi, Sandu Ciorba (Romania),
  20. HIM, The Rasmus, Nightwish, Alma, Lordi (Finland),
  21. The Nits, Golden Earring, zZz, Nicky Romero, Armin van Buuren, Fedde le Grand, Tiësto, Hardwell, Martin Garrix, Afrojack (Olanda).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Vide, Sailen Debnath. "Secularism: Western and Indian," Atlantic Publishers, New Delhi.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.