Labanan sa Binakayan at Dalahikan

labanan noong Himagsikang Pilipino
(Idinirekta mula sa Labanan sa Dalahican)

Ang Labanan sa Binakayan at Dalahikan ay ang tinitingnan na ang unang malakihang panalo ng mga Pilipino laban sa mga Kastila na bahagi ng Himagsikang Pilipino. Pagkatapos nito naging malaking parte na ng kasaysayan si Heneral Emilio Aguinaldo. Umabot pa ng apat na buwan ang mga Kastila para makabawi mula sa malakihang pagkatalo nila rito sa labanan.

Labanan sa Binakayan at Dalahikan
Bahagi ng Himagsikang Pilipino
PetsaNobyembre 9-11, 1896
Lookasyon
Resulta Pangwakas na tagumpay ng mga Pilipino
Mga nakipagdigma
Katipunan
Magdalo
Espanya Imperyong Kastila
Mga kumander at pinuno
Emilio Aguinaldo
Edilberto Evangelista
Candido Tirona
Gregoria Montoya y Patricio
Santiago Alvarez
Artemio Ricarte
Pascual Alvarez
Espanya Ramón Blanco y Erenas
Espanya Diego de los Ríos
Espanya Fermín Díaz Matoni
Espanya José Marina (nasugatan)
Lakas
112,000 sundalo
35,000 mga regular
~60,000 mga irregular
20,000 sundalo
Mga nasawi at pinsala
~900 biktima 500 namatay, ~8000 iba pang mga biktima

Mga pangyayari bago ang labanan

baguhin

Nagsimula ang himagsikan sa Kabite noong 31 Agusto 1896, at naging isa ang lalawigan sa walong probinsiya sa Pilipinas na nagdeklara ng kasarinlan mula sa Espanya. Ang Katipunerong si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdala ng himagsikan sa lalawigan pagkatapos niyang napatay ang kumandante ng Guwardiya Sibil sa Kawit pagkatapos ng isang pag-aalsa roon. Napanalunan rin niya ang labanan sa Imus mahigit dalawang buwan ang nakakaraan bago nangyari ang labanang ito. Dahil sa tagumpay na ito, napunta kay Emilio ang posisyon na ang kanyang kapatid na dating si Baldomero Aguinaldo ang humawak: ang pagiging pinuno ng Magdalo, kung saan siya ang itinuring ng marami na karapat-dapat nilang pinuno.[1]

Sa Kabite, mayroong dalawang pangkat ang Sangguniang Bayan ng Katipunan sa lalawigan na namumuno sa kani-kanilang mga lugar. Isa na rito ang Magdalo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo, na sakop ang mga bayan ng Alfonso, Bailen (bayan ng General Emilio Aguinaldo ngayon), Indang, Magallanes, Maragondon, Naic, Rosario, San Francisco de Malabon (bayan ng General Trias, Kabite), San Roque (bahagi ng Lungsod ng Kabite ngayon), Tanza, and Ternate; nasa Noveleta ang kanilang sentro ng pamamahala. Hawak naman ng Magdiwang na pinamumunuan ni Mariano Álvarez ang mga bayan ng Amadeo, Bacoor, Carmona, Perez-Dasmariñas (Lungsod ng Dasmariñas ngayon), Cavite el Viejo, Mendez Núñez (Mendez ngayon), at Silang[2]; nasa Imus naman ang kanilang sentro ng pamamala.[2]

Pasimula sa labanan

baguhin
 
Mapa ng lalawigan ng Kabite na nagpapakita ng mga istakada na gawa ng mga Katipunero

Pinamumunuan nila Heneral Santiago Alvarez at Kolonel Inocencio Salud ang paggawa ng mga muog sa Dalahikan na kilala sa "Número de Baterías 1, 2 at 3" noong Setyembre, taong 1896. Isang mahalagang baryo ang Dalahikan na nagpapatrolya papasok patungo sa peninsula ng Kabite.

Lubos na natakot sa pagkapanalo ni Heneral Aguinaldo sa Labanan sa Imus noong Setyembre 1896, ipinadala ni Gobernador-Heneral Ramón Blanco y Erenas ang Ika-4 Batalyon ng Cazadores mula pa sa Espanya para tulungan siya na iwaksi ang himagsikan sa lalawigan. Nakarating ang batalyon na lulan ng 1,328 katao at 55 mga heneral noong 3 Nobyembre 1896.[3] Bukod pa roon, nagpadala rin si Blanco ng 8,000 mga soldados noong nalaman niya na naagaw na ng mga manghihimagsik ang mga bayan ng Las Piñas at Parañaque mga ilang layo mula sa Maynila.[4]

Nakaraan sa mga pananalakay sa lupa, nagsagawa rin ang mga Kastila ng mga pagsalakay gamit ang mga bapor pandigma sa mga baybayin ng Kabite, kung saan ipinuputok nila ang mga kanyon patungo sa mga muog sa Bacoor, Noveleta, Binakayan at Cavite el Viejo. Ang mga pinakamatibay na moog sa Noveleta ay ang mga baybayin ng Dalahikan at Dagatan na ipinagtanggol ng mga sundalo ng Magdiwang, habang ipinagtanggol naman ng mga sundalo ng Magdalo ang katabing palaisdaang baryo ng Binakayan sa Kawit. Disidido ang mga bapor pandigma ng mga Kastila na wasakin ang mga muog sa mga lugar na ito, dahil unang-una, importante ang lawa sa Dalahikan dahil ito ang naguugnay papasok sa lalawigan. Bukod pa sa pagtatanggol sa Binakayan, pinapatrolya rin ng mga sundalo ng Magdalo ang ibabang parte ng Dagatan patungo sa hangganan ng lalawigan malapit sa lalawigan ng Morong.[5]

Labanan

baguhin

Mga pinagmulan

baguhin
  1. Zaide 1957, p. 165
  2. 2.0 2.1 Halili 2004, p. 147
  3. Davis 1903, p. 192
  4. Foreman 1906, p. 373
  5. Alvarez 1992, p. 49