Abenida Lacson

(Idinirekta mula sa Lacson Avenue)

Ang Abenida Lacson (Ingles: Lacson Avenue) ay ang pangunahing daang arteryal na dumadaan mula hilagang-kanluran patimog-silangan sa distrito ng Sampaloc sa hilagang Maynila, Pilipinas. Isa itong abenidang hinahatian ng panggitnang haranganan at may anim hanggang walo na linya. May habang 2.9 kilometro (1.8 milya) ang abenida na sumasaklaw sa rutang mula Kalye Tayuman sa Santa Cruz hanggang Tulay ng Mabini (dating Tulay ng Nagtahan) sa Santa Mesa.

Abenida Lacson
Lacson Avenue
Abenida Lacson, patimog patungong Kalye Maria Clara.
Impormasyon sa ruta
Haba2.9 km (1.8 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N140 (Kalye Tayuman) sa Santa Cruz
 
Dulo sa timogTulay ng Mabini sa Santa Mesa
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Bahagi ang Abenida Lacson ng Daang Palibot Blg. 2 (C-2) ng sistemang pamilang ng mga lansangan sa Kamaynilaan, at N140 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Ang abenida ay dating tinawag na Governor Forbes Street (Kalye Gobernador Forbes), mula kay William Cameron Forbes, ang gobernador-heneral ng Pilipinas na sa ilalim ng kanyang panunungkulan itinayo ang daan. Pinahaba ito patimog para matumbok nito ang Calle Nagtahan (Kalye Nagtahan) sa hangganan ng mga distrito ng Sampaloc, San Miguel, at Santa Mesa, sa dating Carriedo Rotonda, kung kailan itinayo ang tulay pontoon ng Nagtahan na nag-ugnay nito sa Pandacan sa timog ng Ilog Pasig. Pinangalanang Tulay ng Mabini ang Nagtahan noong 1967[1], at noong 1971, binigyan ng bagong pangalan na Abenida Arsenio H. Lacson (Arsenio H. Lacson Avenue), mula kay Arsenio Lacson, ang alkalde ng Maynila noong dekada-50.[2]

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Dumadaan nang patimog, lumalabasa ng trapiko mula Kalye Tayuman patungong Abenida Lacson sa tagpuan nito sa Kalye Consuelo sa distrito ng Santa Cruz district sa tapat mismo ng SM City San Lazaro. Babagtasin ng abenida ang Bulebar España at Bulebar Magsaysay sa Sampaloc at lalampasin ang kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas. Matatagpuan ang katimugang dulo ng Abenida Lacson sa Tulay ng Mabini (dating Tulay ng Nagtahan) sa ibabaw ng Ilog Pasig kung saang magiging Abenida Quirino ang daan papasok sa mga distrito ng Pandacan, Paco at Malate kung saang nagtatapos ang Daang Palibot Blg. 2.

May maikli at makipot na karugtong ang Abenida Lacson sa hilaga ng Kalye Tayuman sa tabi ng SM City San Lazaro patungong Kalye F. Yuseco sa distrito ng Santa Cruz.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Proclamation No. 234, s. 1967". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2013. Nakuha noong 16 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Republic Act No. 6215". Chan Robles. Nakuha noong 16 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°36′42″N 120°59′26″E / 14.61167°N 120.99056°E / 14.61167; 120.99056