Angeles

lungsod ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Lungsod Angeles)

Ang Lungsod ng Angeles (Kapampangan: Ciudad ning Angeles/Lakanbalen ning Angeles) ay isang Unang Klaseng lungsod sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. Labing-anim (16) na kilometro lamang ang layo nito sa kabisera ng Pampanga o Lungsod ng San Fernando. Walumpu't-tatlong (83) kilometro naman ang layo ng Angeles sa Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 462,928 sa may 116,343 na kabahayan.

Angeles

Lungsod ng Angeles
Ang Lungsod ng Angeles noong 2012
Ang Lungsod ng Angeles noong 2012
Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng Lungsod ng Angeles.
Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng Lungsod ng Angeles.
Map
Angeles is located in Pilipinas
Angeles
Angeles
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 15°08′50″N 120°35′05″E / 15.147181°N 120.584733°E / 15.147181; 120.584733
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganPampanga <small< (Heograpiya lamang)
DistritoUnang Distrito ng Pampanga
Mga barangay33 (alamin)
Pagkatatag1796
Ganap na Lungsod1 Enero 1964
Pamahalaan
 • Punong LungsodCarmelo G. Lazatin Jr.
 • Manghalalal205,822 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan60.27 km2 (23.27 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan462,928
 • Kapal7,700/km2 (20,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
116,343
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.50% (2021)[2]
 • Kita₱2,606,215,537.60 (2020)
 • Aset₱6,732,463,813.011,991,205,647.47 (2020)
 • Pananagutan₱2,151,818,398.58 (2020)
 • Paggasta₱2,158,062,011.65 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
2009
PSGC
035401000
Kodigong pantawag45
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Kapampangan
wikang Tagalog
Wikang Antsi
Websaytangelescity.gov.ph

Nagsimulang lumago ang Lungsod ng Angeles nang itinatag ang Baseng Pamhimpapawid sa Clark (Base Militar sa Clark) o Clark Air Base pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa sa kilalang palatandaan ang Baseng Pamhimpapawid (Base Militar) sa Lungsod ng Angeles.

Kasaysayan

baguhin

Sa taong 1796, nagtungo sina Don Angel Pantaleon de Miranda at ang kanyang asawa na si Rosalia de Jesus sa may hilaga ng San Fernando kasama ang kanilang mga tauhan. Dito sila bumuo ng panibagong baryo na tinawag nilang Culiat.[3] Nagsimula ang populasyon ng bayang Culiat sa Anim na raan at animnapu't isang (661) tao noong Disyembre 8,1829, ang taong kinilala ang Culiat bilang isang opisyal na bayan sa Pampanga. Sa kalaunan,binago ang pangalan na Culiat at tinawag itong Angeles sa ngalan ni Don Angel Pantaleon de Miranda at ng patron na si Los Santos Angeles Custodios. Taong 1899,itinatag ng lideratong si Heneral Emilio Aguinaldo ang Angeles bilang sentro ng kanyang pamahalaan. Dito niya ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12,1899. Tulad ng ibang bayan ng Pampanga,sinakop din ng mga Hapon ang Lungsod ng Angeles sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Lumago ang bayan ng Angeles at tinaguriang pinakamaunlad na lungsod sa Ikatlong Rehiyon. Ngunit sa taong 1991, pansamantalang natigil ang daloy ng economiya sa Angeles dahil sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo. Maraming nasalantang kabahayanan at imprastraktura sa lungsod kabilang na rito ang tulay ng Abacan. Sumunod din ang pagtiwalag ng mga sundalong Amerikano sa Baseng Pamhimpapawid at tuluyan nang huminto ang pagpapalakad ng Base. Maraming nawalan ng trabaho at nasiraan ng mga ari-arian,ngunit sa loob lamang ng mahigit dalawang (2) taon, muling bumangon ang Lungsod ng Angeles. Bumalik sa dating maunlad na bayan ang lungsod at patuloy itong umaasenso. Sa kasalukuyan, ang Clark International Airport o Diosdado Macapagal International Airport ay kasalukuyang pinapalakad sa loob ng Baseng Pamhimpapawid ng Clark sa Lungsod ng Angeles.

Mga Barangay

baguhin

Ang Lungsod ng Angeles ay nahahati sa 33 barangay.

  • Agapito del rosario
  • Anunas
  • Balibago
  • Capaya
  • Claro M. Recto
  • Cuayan
  • Cutcut
  • Cutud
  • Lourdes North West
  • Lourdes Sur
  • Lourdes Sur East
  • Malabanias
  • Margot
  • Marisol (Ninoy Aquino)
  • Mining
  • Pampang (Sto. Niño)
  • Pandan
  • Pulungbulu
  • Pulung Cacutud
  • Pulung Maragul
  • Salapungan
  • San Jose
  • San Nicolas
  • Santa Teresita
  • Santa Trinidad
  • Santo Cristo
  • Santo Domingo
  • Santo Rosario (Pob.)
  • Sapalibutad
  • Sapangbato
  • Tabun
  • Virgen Delos Remedios
  • Amsic

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Angeles
TaonPop.±% p.a.
1903 10,646—    
1918 17,948+3.54%
1939 26,027+1.79%
1948 37,558+4.16%
1960 75,900+6.04%
1970 134,544+5.88%
1975 151,164+2.36%
1980 188,834+4.55%
1990 236,686+2.28%
1995 234,011−0.21%
2000 263,971+2.62%
2007 317,398+2.57%
2010 326,336+1.02%
2015 411,634+4.52%
2020 462,928+2.34%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Pampanga". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-10. Nakuha noong 2014-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Pampanga". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin