Ang Bari ( /ˈbɑːri/ BAR-ee, Italyano: [ˈbaːri]  ( pakinggan); Barese: Bare IPA[ˈbæːrə]; Latin: Barium; Sinaunang Griyego: Βάριον, romanisado: Bárion) ay ang kabiserang lungsod ng Kalakhang Lungsod ng Bari and at ng rehiyon ng Apulia, sa Dagat Adriatiko, sa Katimugang Italya. Ito ang pangalawang pinakamahalagang sentrong ekonomiko ng kalupaan ng Katimugang Italy kasunod ng Napoles (pangatlo kasunod ng Palermo kapag sinama ang insular na Italya). Isa rin itong pantalan at pamantasang lungsod, gayon din ang lungsod ni San Nicholas. Ang mismong lungsod ay may populasyon ng 326,799 katao magmula noong 2015 at lawak na 116 square kilometre (45 mi kuw), habang ang pook urbano ay may 750,000 katao. Ang kalakhang pook ay may 1.3 milyong katao.

Bari

Bare (Napolitano)
Comune di Bari
Gabi sa Dalampasigan ng Pane e Pomodoro
Gabi sa Dalampasigan ng Pane e Pomodoro
Watawat ng Bari
Watawat
Eskudo de armas ng Bari
Eskudo de armas
Lokasyon ng Bari
Map
Bari is located in Italy
Bari
Bari
Lokasyon ng Bari sa Italy
Bari is located in Apulia
Bari
Bari
Bari (Apulia)
Mga koordinado: 41°07′31″N 16°52′0″E / 41.12528°N 16.86667°E / 41.12528; 16.86667
BansaItalya
Rehiyon Apulia
Kalakhang lungsodBari (BA)
Pamahalaan
 • MayorAntonio Decaro (PD)
Lawak
 • Kabuuan117.39 km2 (45.32 milya kuwadrado)
Taas
5 m (16 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan323,370
 • Kapal2,800/km2 (7,100/milya kuwadrado)
DemonymBarese
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
70121-70132
Kodigo sa pagpihit080
Kodigo ng ISTAT072006
Santong PatronSan Nicolas
Saint dayDecember 6
WebsaytOpisyal na website

Binubuo ang Bari ng apat na magkakaibang seksiyong urbano. Ang hilaga ay ang magkakatabing lumang bayan sa tangway sa pagitan ng dalawang makabagong mga daungan, kasama ang Basilika ni San Nicolas, ang Katedral ni San Sabino (1035–1171) at ang Kastilyo ng Hohenstaufen na itinayo para kay Frederick II, na isa na rin ngayong pangunahing distrito para sa buhay sa gabi. Sa timog naman ang Murat quarter (itinayo no Joachim Murat), ang makabagong sentro ng lungsod na inilatag sa isang planong parihaba na grid kasama ang pasyalan (promenade) sa dagat at ang pangunahing pangunahing distrito ng pamimili (ang via Sparano at via Argiro).

Ang mga makabagong sonang pamahayan na nakapaligid sa sentro ng Bari ay itinayo noong mga dekada-1960 at 1970. Pinalit ng mga ito ang mga lumang naik na umusbong sa kahabaan ng mga daang bumubuka papalabas mula sa mga tarangkahan sa mga pader ng lungsod. Dagdag nito, ang mga panlabas na naik ay mabilis na umusbong noong dekada-1990. Mayroon isang pinagandang paliparan ang lungsod na ipinangalan mula kay Papa Juan Pablo II, Paliparang Karol Wojtyła, na may mga koneksiyon sa ilang mga lungsod sa Europa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 'City' population (i.e. that of the comune or municipality) from Monthly demographic balance: January–April 2009, ISTAT.

Mga karagdagang babasahin

baguhin
  • Glenn B. Infield. 1973. Disaster at Bari. Ace Books. New York, N.Y.
  • Vito Antonio Melchiorre. 2001. Note storiche su Bari.

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Bari mula sa Wikivoyage