Lungsod ng Vaticano

(Idinirekta mula sa Lungsod ng Vatikano)

Ang Lungsod ng Vaticano[1] (Italyano: Città del Vaticano; Latin: Civitas Vaticana), opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Italyano: Stato della Città del Vaticano; Latin: Status Civitatis Vaticanae), ay isang enklabe at lungsod-estadong may kasarinlan na napapaligiran ng Roma, ang kabisera ng Italya. Inilalarawan ito bilang isang natatanging teritoryo sa ilalim ng "buong pagmamay-ari, eksklusibong dominyo, at soberanong awtoridad at hurisdiksyon" ng Banal na Luklukan, na siya'y isang soberanong entidad ng pandaigdigang batas na nagpapanatili ng kasarinlang temporal, diplomatiko, at espirituwal ng estado-lungsod. Ito ang pinakamaliit na estado sa mundo ayon sa lugar at populasyon, na mayroong lawak na 49 ektarya lamang at populasyon na humigit-kumulang 825 na tao. Ang mga pinakamataas na punsyonaryo ng estado ay pawang mga klerong Katoliko ng iba't-ibang bansang pinagmulan. Bilang pinamamahalaan ng Banal na Luklukan, ang estado ay isang eklesyastiko o saterdotal-monarkikong estado na pinamumunuan ng papa, ang siyang obispo ng Roma at pinuno ng Simbahang Katoliko. Dahil dito, maaari itong ituring na ang tanging teokrasya at huling monarkiyang ganap sa Europa. Ang Kataas-taasang Pontisipe ay nagtatalaga ng mga tungkulin ng pamahalaan sa Kalihim ng Estado. Pagkatapos ng Papadong Abinyon ay pangunahing nanirahan ang mga papa sa Palasyong Apostoliko sa loob ng lungsod.

Estado ng Lungsod ng Vaticano
  • Status Civitatis Vaticanae (Latin)
  • Stato della Città del Vaticano (Italyano)
Watawat ng Lungsod ng Vaticano
Watawat
Eskudo ng Lungsod ng Vaticano
Eskudo
Awitin: Inno e Marcia Pontificale
"Himno at Martsang Pontipisya"
Kinaroroonan ng Lungsod ng Vaticano sa Europa.
Kinaroroonan ng Lungsod ng Vaticano sa Europa.
Wikang opisyalItalyano • Latin
PamahalaanUnitaryong Kristiyanong estadong monarkiyang
ganap
sa ilalim ng isang eklesyastikong
elektibong
teokrasya
Banal na Luklukan
Francisco
Pietro Parolin
Fernando Vérgez Alzaga
LehislaturaKomisyong Pontipisyo
Kasarinlan mula sa Italya
11 Pebrero 1929
Lawak
• Kabuuan
0.49 km2 (0.19 mi kuw) (ika-195)
Populasyon
• Pagtataya sa 2019
453 (ika-240)
• Densidad
924/km2 (2,393.1/mi kuw) (ika-12)
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+379
Kodigo sa ISO 3166VA
Internet TLD.va

Ang Banal na Luklukan ay itinayo noong Unang Kristiyanismo at ang pangunahing luklukang episkopal ng Simbahang Katoliko, na mayroong humigit-kumulang 1.329 bilyong nabautismuhang Kristiyanong Katoliko sa mundo noong 2018 sa Simbahang Latino at 23 Silangang Simbahang Katoliko. Sa kabilang banda, ang estado ng Lungsod ng Vaticano ay nagsimulang umiral noong Pebrero 11, 1929 sa pamamagitan ng Paktong Lateran sa pagitan ng Banal na Luklukan at Italya, na binanggit ito bilang isang bagong likha, hindi bilang isang bakas ng mas malaking Estados Pontifisyos, na dating sumasaklaw sa karamihan ng gitnang Italya.

Sa loob ng Lungsod ng Vaticano ay mga kultural at relihiyosong lugar tulad ng Basilika ni San Pedro, Kapilya Sistina, at mga Museong Vaticano, lahat ay tumatampok ng ilan sa mga pinakasikat at pinakamagandang pintura at eskultura sa mundo. Ang arkitektural, makasaysayan, at masining na konporma na bumubuo sa Vaticano ay idineklara bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1984. Saklaw ng Basilika ni San Pedro at ng Plaza ni San Pedro ang 20% ng teritoryo ng lungsod, samakatuwid ginagawa ang estado na pinakaurbanisadong teritoryong may kasarinlan sa mundo. Ang natatanging ekonomiya ng estado ay pampananalaping sinusuportahan sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga mananampalataya sa mga bayarin para sa pagpasok sa mga museo at pagbenta ng mga selyo, subenir, at publikasyon.


Kasaysayan

baguhin

Nang maging Kristyano ang Imperyong Romano sinimulang ipatayo ang Basilika ni San Pedro, ang Palasyong Apostoliko at ang Kapilyang Sistina nito, at ang Museong Vaticano.

Nabuo ang kasalukuyang bansa mula sa dáting teritoryo ng Mga Estadong Papal na isinanib sa Kaharián ng Italya. Itinatag ito sa pamamagitan ng Tratadong Laterano, na siyang nilagdaan ng Punong Ministrong si Benito Mussolini para kay Haring Victor Emmanuel III, at Pietro Gasparri, Kalihim–Kardinal ng Estado, para kay Papa Pio XI noong 11 Pebrero 1929.

 
Tanaw sa buong lungsod-estado. Kapansin-pansin sa gitna ng retrato ang Basilika ni San Pedro at Plaza ni San Pedro.

Etimolohiya

baguhin

Ipinangalan ang estado mula sa Burol Vaticano, ang heograpikong lokasyon nito sa loob ng Roma. Itinuturing ang lugar na ito bilang sagrado sapagkat ito ang tradisyonal na lugar ng himlayan ni San Pedro. Pinaniniwalaang galing ang salitang Vaticano sa isang panirahang Etrusko na binansagang "Vatica" o "Vaticum". Sa panahong pre-Romano, tinayuan ito ng templo ni Vagitanus (binabaybay din na Vaticanus), ang Etruskong diyos ng propesiya. Unang ginamit ang terminong "Lungsod Vaticano" sa Tratadong Letran na nilagdaan noong 11 Pebrero 1929 upang itatag ang modernong lungsod-estado.

Mga sanggunián

baguhin
  1. Macapagal-Arroyo, Gloria (25 Hunyo 2006). "Statement: President Arroyo during the Departure Ceremony for an Official Visit to the Vatican City, Italy and Spain". Official Gazette. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2022. Nakuha noong 11 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawil

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.