Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa
Ang "Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan sa Makabansa" ay ang pambansang salawikain ng Pilipinas. Nakuha ito mula sa ang huling apat na linya ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, at ito'y pinagtibayan noong 12 Pebrero 1998 sa bisa ng Batas Republika Blg. 8491, ang Kodigo sa Watawat at Heraldika ng Pilipinas, sa panahon ng pagkapangulo ng Fidel V. Ramos.[1] Dumating ang pagtibay sa salawikain 12 taon makatapos ang pagkawalang-bisa sa dating salawikain ng bansa,[2] ang "Isang Bansa, Isang Diwa", na pinagtibay noong 1979 sa pagkapangulo ni Ferdinand Marcos.
Inilalarawan ng salawikain ang isang grupo ng mga karaniwang kaugaliang Pilipino, na kung saan magkakaugnay ang bawa't isa.[3] Ayon kay Bobit Avila ng The Philippine Star, ipinapakita ng salawikain ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Diyos na nangunguna sa anumang kaugalian.[4] Sa paglalarawan naman ni Kay Malilong Isberto ng The Freeman, ang kapatid na pahayagan ng The Philippine Star sa Lungsod ng Cebu, ikinakatawan ng salawikain ang mga tungkulin ng tapat na mamamayang Pilipino.[5]
Kahit na ginawang opisyal ang Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan sa Makabansa noong 1998, walang malay pa rin ang nakararaming Pilipino sa pag-iral nito. Noong 2007, sinulat ni Geronimo L. Sy sa Manila Times na walang pambansang salawikain daw ang Pilipinas (na itinuring niyang "pambansang islogan") at ang karamihan sa mga problemang panlipunan na naglipana sa bansa ay dahil sa kakulangan ng karaniwang direksiyon na ikinakatawan ng isang pambansang salawikain,[6] kahit kung isinabatas ang Kodigo sa Watawat at Heraldika siyam na taon nang nakaraan. Makalipas nito, iminungkahi naman ni Isberto na sa simula, hindi alam ng nakararami na may pambansang salawikain, at sa mga may-alam na may pambansang salawikain, maaaring hindi sila naglaan ng oras upang magmuni-muni sa kung paano dapat nilang iangkop ang salawikain sa kanilang buhay.
Habang "perpekto" umano ang "Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan sa Makabansa" bilang isang pambansang salawikain, ani Avila, nanindigan siya na dahil makasarili umano ang nakararaming Pilipino, hindi sila sumusunod sa doktrina ng kanilang pananampalatayang Kristiyano, at dahil dito, problematiko ang salawikain kung ihahambing ito sa mga ibang salawikain tulad ng "Bhinneka Tunggal Ika". Gayunpaman, maihahambing ito sa kaniyang masigasig na pagpuna sa "Isang Bansa, Isang Diwa" noong 2013, kung saan ibinatikos niya ang salawikaing iyon bilang pangangatawan ng palyadong ideolohiyang Jacobinista.[7]
Silipin din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Republika ng Pilipinas. (Ipinagtibay: 12 Pebrero 1998). REPUBLIC ACT No. 8491 - AN ACT PRESCRIBING THE CODE OF THE NATIONAL FLAG, ANTHEM, MOTTO, COAT-OF-ARMS AND OTHER HERALDIC ITEMS AND DEVICES OF THE PHILIPPINES. Ikinuha noong 9 Abril 2016 mula sa ChanRobles Virtual Law Library.
- ↑ Republika ng Pilipinas. (Ipinagtibay: 10 Setyembre 1986). MEMORANDUM ORDER No. 34 - REVOKING PRESIDENTIAE NO. 1413 “DECLARING THE THEME ‘ISANG BANSA, ISANG DIWA,’ AS THE NATIONAL MOTTO OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, AND INCORPORATING IT IN THE NATIONAL SEAL” Naka-arkibo 2016-10-11 sa Wayback Machine.. Ikinuha noong 9 Abril 2016 mula sa Gasetang Opisyal.
- ↑ Andrade, Jeanette I. (30 Agosto 2014). "Luistro says DepEd still for 'God-fearing' learners". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong 11 Abril 2016.
{{cite news}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Avila, Bobit S. (27 Abril 2011). "Unity? PNoy must reconcile with the church!". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong 11 Abril 2016.
{{cite news}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Isberto, Kay Malilong (9 Hunyo 2009). "A National Motto". The Freeman. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong 11 Abril 2016.
{{cite news}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sy, Geronimo L. (5 Hulyo 2007). "A national slogan". The Manila Times. Manila Times Publishing Corporation. Nakuha noong 11 Abril 2016.
{{cite news}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Avila, Bobit S. (22 Agosto 2013). "Make language part of our inclusive growth". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong 10 Abril 2016.
{{cite news}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)