Malnutrisyon

(Idinirekta mula sa Malnutrition)

Ang malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain.[1][2] Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansiya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansiya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansiya ng sinasabing malusog na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon. Makapagbubunga ng kagutuman ang isang mahabang panahon ng malnutrisyon.

Ang malnutrisyon bilang kawalan ng sapat ng sustansiya upang mapanatili ang malusog ng katawan ay karaniwang kalakip ng lubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad habang ang malnutrisyon na bunga ng maling pagkain, sobrang pagkain o kakulangan ng isang balanseng pagkain ay masusumpungan sa mga bansang maunlad na karaniwang ipinakikita sa pagdami ng mga matataba.

Karaniwang, ang mga malnoris na tao ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na kulang sa kailangang protina, bitamina o mineral. Ang mga problemang mediko na bunga ng malnutrisyon ay karaniwang tinatawag ng sakit sa kakulangan. Ang iskerbi ay isang kilalang sakit na madalang ngayon na dulot ng kakulangan sa Bitamina C.

Kasama sa karaniwang uri ng malnutrisyon ang protein-energy malnutrition (PEM) at micronutrient malnutrition. Ang PEM ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit o makukuhang lakas at proteina sa katawan. Ang malnutrisyong mula sa micronutrient ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit na kinakailangang sustansiya tulad ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa kaunting dami. Ang kakulangan sa micronutrient ay nagbubunga ng maraming sakit at humahadlang sa normal gawain ng katawan. Ang kakulangan ng micronutrient tulad ng Bitamina A ay nagpapababa sa kapasidad ng katawang lumaban sa sakit. Ang kakulangan sa bakal, yodo at bitamina A ay isang malawak at karaniwang hamon sa kalusugang pambayan. Ang mga sumusunod ay sinasabing bunga ng kakulangan sa sustansiya: pagiging bansot, mahinang pag-iisip at iba’t-ibang kahinaan sa abilidad sa isip, pagiging mahiyain sa tao, pagiging mahiyain na maging puno at sa paninidigan, mahinang kilos at lakas, mahinang paglaki ng masel at lakas, at pangit na kalusugan.

Sang-ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan, ang pagkagutom at malnutrisyon ang isang pinakamalalang banta sa pampublikong kalusugan ng mundo at isang malaking tagapag-ambag ang malnutrisyon sa dami ng namamatay na bata, naroon sa kalahati ng lahat ng kaso.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. malnutrition sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
  2. Arthur O' Sullivan; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action. Upper Saddle River, New Jersey 07458: Pearson Prentice Hall. p. 481. ISBN 0-13-063085-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2009-05-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  3. Malnutrition The Starvelings

Mga kawing panlabas

baguhin