Masaker sa Maynila

Ang Masaker sa Maynila (Manila Massacre), noong Pebrero 1945, ay tumukoy sa mga kalupitang dinanas ng mga Pilipinong sibilyan sa lungsod ng Maynila sa Pilipinas nang mga umaatras na sundalong Hapones noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ay ang halos na mahigit sa 500,000 pilipino ang pinatay.[1]

Upang maiwasan ang walang pakundangang karahasan, iniutos nang heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon (Imperial Japanese Army) na si Tomoyuki Yamashita ang pag-atras ng mga sundalong Hapones na nakapaloob sa lungsod ng Maynila. Subalit, ang 19,000 na sundalo sa pamumuno ni bise-almirante Sanji Iwabuchi ay napapalibutan sa loob ng siyudad. Iba't ibang mapagkakatiwalaang Pankanluran at Pansilanang lathala ng impormasyon[2] ang nagkakatugma sa kanilang ibinabalitang bilang plegarya na umaabot humigi't kumulang na 10,000 na katao. Ang masaker ay umabot sa kanyang pinakamalubha noong Labanan para sa Pagpapalaya ng Maynila. Habang nagaganap ang labanan, inilabas ng mga sundalong Hapones ang kanilang galit at poot sa mga sibilyan na napagigitnaan ng labanan. Brutal na pinagnakawan, sinunog, pinatay at inabuso ang lahat; babae man o lalaki, bata man o matanda, mga pari, mga madre, mga sankistan, mga miyembro ng Krus na Pula o Red Cross, mga bitag ng digmaan, at mga pasyente sa ospital. Ang Maynila ay tinatawag na Warsaw ng Asya[kailangan ng sanggunian] dahil ang lungsod na ito ang nagtamo ng pinakamabigat na pinsala sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang matapos ng Masaker sa Maynila ay ang halos na mahigit sa 500,000 pilipino ang pinatay ng mga Hapones.[1]

Ang Masaker sa Maynila ay isa sa mga pinaka-importanteng krimeng pandigma na isinagawa ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon magmula pa noong Pagsanib ng Manchuria noong 1931 hanggang sa katapusan ng Ikawalang Digmaang Pandaigdig noong 1945. Isa ito sa mga importanteng kaganapang nakapaloob sa mga krimeng pandigma ng Hapones na kung saan mahigit sa 15 milyong Pilipino, Intsik, Koryano, Indonesiyo, Birmanyo, at mga Indo-tsinang sibilyan, mga taga-isla sa Dagat Pasipiko, at mga kaanib na mga Kakamping Pilipino at Amerikanong Bilanggo ng Digmaan ang namatay.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Dauria, Tom. Within a Presumption of Godlessness. ISBN 9781480804203.
  2. White, Matthew. "Death Tolls for the Man-made Megadeaths of the 20th Century". Nakuha noong 2007-08-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin