Metis (buwan)
Ang Metis ay isa sa mahigit na 63 na buwan ng planetang Jupiter at ito ay mayroong pormal na bansag na Jupiter XVI (ang Panglabing-anim na buwan ng Jupiter). Ang buwan na ito ang itinuturing na pinakamalapit na buwan na umiikot sa palibot ng planetang Jupiter. Nadiskubre ito noong taong 1979[2] nang napadaan ang atomatikong bihikulong-pangkalawakang Voyager 1 sa planetang Jupiter at nakita sa unang pagkakataon ang Metis mula sa mga larawang nakuha ng Voyager 1. Pinangalanan itong Metis, na hinanggo pangalan isang diyosang titanesa mula sa Mitolohiyang Griyego. Hindi na muli napagaralan ng malapitan ang buwan hanggang sa pagdating ng atomatikong bihikulong-pangkalawakang Galileo.
Larawan ng Metis na nakunan ng Galileo mula sa mga pinagsama-samang mga larawan na nakuhanan sa pagitan ng Nobyembre,1996 at Hunyo, 1997 | |
Discovery | |
---|---|
Nadiskubre ni | S. Synnott |
Nadiskubre noong | 4 Marso 1979 |
Katangian ng Pagorbit (Epoch J2000) | |
Hamak na Radius | 128,000 km [1] |
Isentrisidad | 0.0002 |
Periapsis | 127,974 km |
Apoapsis | 128,026 km |
Panahon ng pag-Orbit | 0.294780 d (7 oras 4.5 minuto) |
Belosiad ng pagorbit sa planeta | 31.503 km/s (mga tips na galing sa pinakahabang axis) |
Ingklinasyon | 0.06° (to Jupiter' equator) 0.046° (sa lokal na Laplace plane) 3.1° (papuntang ecliptic) |
Buwan ng | Jupiter |
Pisikal na Katangian | |
Kalahating-Sukat sa Ekwador | 21.5 ± 2.0 km |
Dimensiyon | 60.1 × 40 × 34 km3 |
Bulto | ~ 42,700km3 |
Bigat | 3.6×1016 kg |
Hamak na kasiksikan | 0.86 g/cm³ |
Surface gravity | 0.005m/s² |
Belosidad nang pagtakas | 0.012 km/s (0.012 m/s) |
Panahon ng pagikot sa aksis | synchronous |
Habong ng aksis | 0° |
Albedo | 0.061 ± 0.003 |
Surface temp. | ≈124 K |
Atmospheric pressure | walang atmosphere |
Ang buwan na ito ay sadyang napakaliit at mayroong asimetriko at di-tiyak na hugis na mahahalintulad sa hugis isang patatas.Nakaseradura din ang isang bahagi nito sa planetang Jupiter kung kaya't sa pananaw ng isang taong nakatungtong sa buwan na ito, mukhang hindi lumulubog, sumisikat o gumagalaw ang higanteng planeta mula sa kalawakan. Ang Metis ay isa sa tatlong pambihirang buwan sa Solar System bagamat ang haba ng panahong inaabot para makaikot ang buwan na ito sa palibot ng isang planeta ay mas maikli kumpara sa haba ng panahon kung kelan nakakaikot ang planeta mismo sa kaniyang axis. Kabilang sa mga buwan na ito ang Adrastea (kapatid na buwan ng Metis) at ang Phobos na buwan ng planetang Marte. Ang Metis, kasama ang kalapit na buwan na Adrastea, ay umiikot palibot ng Jupiter sa loob ng kakapalang planetang-singsing at sinasabing tagaaambag ng materiyales sa kabuoan ng planetang-singsing ng planeta.
Pagkakadiskubre at pagkakakilanlan
baguhinNakompirma ang pag-ira at pagkakakilanlan ng Metis noong 4 Marso 1979 ni Stephen P. Synnott nang matagpuan niya ang maliit na buwan sa mga larawang nakuha ng Voyager 1. Binigyan ito ng IAU ng tentatibong designasyon na S/1979 J 3[3] bagamat noong taong 1979 ang sinasabing panahon kung kailan unang namataan ang bagay na ito. Opisyal itong pinangalanan noong 1983 na hanggo kay Metis, isang diyosang titanesa na unang asawa ni Zeus (ang Griyegong katumbas ng Romanong Jupiter), isa sa mga Okeanid na anak ng titanong Okeanos at titanesang Tethys. Mas pormal na kinikilalang Jupiter XVI na lamang ang Metis ngayon.
Obserbasyon
baguhinAng Metis ang ikalawa sa tatlong mga buwan ng Jupiter na nadiskubre ng Voyager 1 at itinuturing na panglabing-anim na buwan ng Jupiter na nadiskubre. Ito ay lumitaw bilang isang maliit na tuldok lamang sa mga larawan mula sa Voyager 1 kung kaya't walang nakitang ditalye dito. Hindi rin ito nakita ng maayos ng sumunod na Voyager 2 Hulyo 1979.
References
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.