Mga kagamitang metal

Ang hardwer[1] o mga kagamitang metal[1] ay tumutukoy sa anumang gamit o kasangkapan na yari sa metal o bakal. Pangkalahatang katawagan ito sa anumang artipakto ng teknolohiya, at maaari ring mangahulugang komponente ng sistema ng kompyuter, bilang mga kompyuter hardwer.[2] Sa diwang pangkasaysayan, ito ang mga metal na bahagi at pandugtong na ginagamit sa pagpapainam, pagpapatibay, pagpapatagal ng buhay, at nagpapabilis sa paglikha ng mga produktong na dating yari lamang sa purong kahoy. Sa makabagong kahulugan, kabilang na sa mga hardwer ang mga kagamitang tulad ng susi, kandado, seradura, alambre, tanikala, tubo, mga kasangkapan sa pagluluto at kusina, mga kasangkapang tulad ng martilyo, distilyador o turnilyo, mga kubyertos, at mga parte ng makina, lalo na kapag yari na nga sa mga bakal o metal. Tumutukoy din ito sa lahat ng mga bagay na itinitinda sa tindahan na hardwer din kung tawagin. Sa mas malawak na gamit ng termino, tumutukoy din ang hardwer sa mga pangunahing kasangkapan ng militar katulad ng tangke, salipapaw, o barko.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Hardwer, hardware, mga kagamitang metal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hardware". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik H, pahina 321.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.