Mga Igorot

sari-saring mga pangkat etnikong matatagpuan sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera sa Hilagang Luzon
(Idinirekta mula sa Mga taong Igorot)

Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Benguet at Mountain Province lamang ang mga lalawigan na nagmamalaking sila ay Igorot. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May tatlong na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, at Kankanaey.

Igorot
Isang babaeng Isnag, isang Igorota.
Kabuuang populasyon
1,500,000[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas
(Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley)
Wika
Bontoc, Ilocano, Itneg, Ibaloi, Isnag, Kankanaey, Bugkalot, Kalanguya, Isinai, Filipino, English
Relihiyon
Animism (Indigenous Philippine folk religions), Christianity (Roman Catholicism, Episcopalianism, other Protestant sects)

Ang ibang lalawigan ng Cordillera tulad ng Abra at Kalinga ay di binibilang ang sarili sa mga Igorot dahil sa di nila naiintidihan ang salitang igorot bagkus Igorot ang tawag nila sa mga galing ng Mt Province. Isang ebidensya ito na nanggaling mismo sa bibig ng mga matatanda ng Abra at Kalinga at siyang kahulugan na pinapasa sa mga sumusunod na kabataan. Isang malaking kahihiyan sa mga manunulat ang ginagawang pangkalahatan sa mga Cordilleran bilang Igorot na wala man lang ginawang malalim na pag-aaral. Isang halimbawa ng pang-aabuso sa malayang pagkakakilanlan, na sinusuportahan ng mga mangmang na ang alam lang ay ang sumagot ng "Oo, igorot sila" dahil yan daw ang kahulugan. Mas mainam pang tawagin nalang silang Tinguian, iKalinga, Isnag o sa anumang tawag na gusto nila, hindi yung sa gusto lang isang walang alam na manunulat o mambabasa.

Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.

Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila.

Pinagmulan ng Salitang "Igorot"

baguhin

Ang salitang Igorot ay likha ng mga hapon bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Golot (mountain chain) ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping i- (nakatira sa). Sa unang opisyal na ulat ng sénsus noong dumating ang mga Amerikano, isinulat ni D.R. Barrows na kinupkop na niya ang pangalang Igorot upang itawag sa kabuuan ng mga tribong Malay sa Hilagang Luzon na may pare-parehas na pisikal na katangian, malapit ang mga lenggwahe at may parehong grado ng kultura. May buong rekord sa antropolohiya na nagsasabing: sa nakararaming lenggwahe sa Hilagang Luzon, ang ibig sabihin ng ‘Igorot’ ay ‘taong bundok’ at pansamantalang ipinangalan ito sa grupo ng pirimitibong mga tao ng Hilagang Luzon dahil ito ay sumasaklaw sa malaking bilang ng mga taong bundok. Ito rin ang ginagamit ng mga Igorot upang tawagin ang kanilang sarili at may mga etnolohikal na kasulatan tungkol dito.[2]

Pisikal na Distinksiyon

baguhin

Ang nakararami ay mayroong mga matang bilugan ngunit magaganda at karamihan ay pandak. Malalaman mo agad na Igorot ang isang babae sa pamamagitan ng kanyang malalaking binti dahil sa pag akyat ng bundok pati na rin sa mga lalaki. Ang mga balat ng mga Igorot sa Benguet ay karaniwang mapuputi ngunit ang iba ay maitim dahil babad sa ilalim ng mainit na araw. Ang mga kalalakihan ay kinagawiang maikli ang buhok. Ang mga kababaihan naman ay nagpapahaba ng buhok at nag-iiwan ng bangs sa noon na tama ang ikli upang sila ay makakita ng maayos.[3] Ang sinaunang mga Igorot ayn naiiba sa itsura ng makabagong mga Igorot. Ang makabagong Igorot ay natural na maliliit ang tanggkad (4'8-5'5)

Kasalukuyan

baguhin

Sa kasalukuyan, marami na ang mga kalalakihan na nagdadamit sibilyan. Ito ang nagsisilbing uniporme ng mga pangulo at mga konsehal kung may pasok o may isineselebra ang nasyon. Ang mga kababaihan naman (kaiba sa ibang hindi Kristiyanong pangkat sa Pilipinas), ay dinadamitan ang kanilang buong pangangatawan. Ang kanilang damit-pantrabaho ay palda na hindi lalampas sa tuhod, pantaas na may mahabang manggas at tawel o piraso ng tela na ibinabalot nila sa kanilang ulo. Ngunit, sa kasalukuyang panahon ang pananamit ng Igorot ay nagiging moderno na rin.[3]

Patungkol sa IPRA

baguhin

Ang IPRA (Indigenous People’s Rights Act) ng 1997 ay komprehensibong batas na hindi lamang ang karapatan ng mga Katutubong Mamamayan sa kanilang minanang lupa (lupa ng kanunu-nunuan) ang ipinagtatanggol ngunit pati na rin ang katarungang panlipunan, karapatang pantao, karapatang panlipunan at karapatang pangkultura. Ito ay bilang sagot sa paniniwalang ang mga lupaing ito ay ang kanilang lugar-sambahan (relihiyon), institusyon sa pag-aaral (edukasyon), lugar ng pamamahala (pulitikia at pamahalaan), kabuhayan at lugar ng merkado (ekonomiya), sentro ng medisina (kalusugan), tahanan (depensa at seguridad), pagkakakilanlan (pagkatao at karakter), at kasayasayan. [4]

Mga kilalang Igorot sa kasalukuyan

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Igorot | people". Britannica.com. 2015-03-26. Nakuha noong 2015-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Scott, W. H., (1962). The word Igorot. Philippines studies, vol. 10 (no. 2), pp. 234-238
  3. 3.0 3.1 Worcester, D. C., (October, 1906). The non-Christian tribes of Northern Luzon (Vol. 1 no. 8). Manila: Bureau of Science of the Philippine Government Press
  4. ILO Office In Manila. Coalition for Indigenous Peoples' Rights and Ancestral Domains. BILANCE-Asia Department. Legal Assistance Center for Indigenous Peoples Right., (1999). Guide to R.A. 8371: Indigenous peoples’ rights act of 1997 (IPRA). Manila: PANLIPI Legal Assistance Center for Indigenous Peoples Right