Mga Italyano

(Idinirekta mula sa Mga taong Italyano)

Ang mga Italyano ay isang pangkat etnikong pangunahing matatagpuan sa Italia at nagtataglay ng kalat at malawak na diaspora sa kalawakan ng kanlurang Europa, Kaamerikahan, at Australia. Italyano ang kanilang katutubong wika at Katolisismong Romano ang kanilang pinakanamamayaning relihiyon.[1]

Ang mga Italyano ay may iba’t ibang pinagmulan dulot sa walang-tigil na pananakop ng tangway Italyano at pandarayo rito. Marahil na ang pangalang Italyano ay nagmula sa mga Griyego, na ginamit ang katawagan upang tumukoy sa mga Sinaunang Italiko, na inunahan ang pagdating ng mga wikang Indo-European.

May halos 56 milyong katutubong Italyano mismo sa Italya lamang, habang 750 000 ang matatagpuan sa Switserland, at mahigit-kumulang 28 000 ang nasa San Marino. Makakatagpo rin ng mga mas maliliit na pangkat sa Slovenia at Croatia. Mayroong kapansin-pansing komunidad Italyano sa Estados Unidos, Brazil, Arhentina, Colombia, Venezuela, Urugway, Canada, Belgium, Australia, United Kingdom, Pransiya, at Alemanya. Kapansin-pansin din ang makasaysayang patern ng pagdayo noong ika-19 dantaon sa Austria, Hungary, at Czechia, gayundin ang iilang mga expatriate sa Egypt, Israel, Ethiopia, at Timog Afrika.

Sanggunian

baguhin
  • Simone, Raffaele (2010). Enciclopedia dell'italiano. Treccani.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Berloco, Fabrizio (2018). The Big Book of Italian Verbs: 900 Fully Conjugated Verbs in All Tenses. With IPA Transcription, 2nd Edition. Lengu. ISBN 9788894034813.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Palermo, Massimo (2015). Linguistica italiana. Il Mulino. ISBN 9788815258847.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.