Miriam Defensor–Santiago

(Idinirekta mula sa Miriam Santiago)

Si Miriam Defensor Santiago (15 Hunyo 1945 – 29 Setyembre 2016), ay isang politiko at dating Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyonal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at dati narin siyang naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1]

Miriam Defensor Santiago
Hukom ng Pandaigdigang Hukumang Kriminal
Nasa puwesto
11 Marso 2012 – 3 Hunyo 2014
Nominated byPilipinas
Kalihim ng Repormang Pansakahan
Nasa puwesto
20 Hulyo 1989 – 4 Enero 1990
PanguloCorazon Aquino
Nakaraang sinundanPhilip Ella Juico
Sinundan niFlorencio Abad
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2004 – 30 Hunyo 2016
Nasa puwesto
30 Hunyo 1995 – 30 Hunyo 2001
Personal na detalye
Isinilang15 Hunyo 1945(1945-06-15)
Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Yumao29 Setyembre 2016(2016-09-29) (edad 71)
Lungsod ng Taguig, Pilipinas
Partidong pampolitikaNationalista Party
AsawaNarciso Santiago
Alma materUnibersidad ng Pilipinas, Kabisayaan
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
University of Michigan, Ann Arbor
Maryhill School of Theology University of Oxford
WebsitioOfficial website

Tumakbo bílang Pangulo ng Pilipinas si Miriam Santiago noong 1992; nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang nang ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bílang senador at nagwagi.[2]

Laging natatampok si Miriam sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian Magazine bílang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World."

Kabataan at pag-aaral

baguhin

Si Defensor ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo kina District Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng high school sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong abogasya.

Sa UP, nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Dalawang beses din siyang nakatanggap ng "Vinzons Achievement Award for Excellence in Leadership". Kinilala din siya ng Rotary bílang "Most Outstanding Graduate of U.P."

Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Nagtapos siya bílang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bílang cum laude.

Sa larangan ng politika

baguhin

Kumandidato si Miriam Santiago sa pagka-pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay Fidel V. Ramos. Nakakuha siya ng malakas na suporta sa publiko. Di kagaya ng ilang partido na nirerenta lang ang kanilang mga manonood, ang PRP (People's Reform Party) ni Miriam ay nakahatak ng napakaraming tao, at minsan, nang siya ay nagtatalumpati sa isang campaign rally ay bumagsak ang entablado dahil sa di nito nakayanan ang dami ng tao. Nanguna siya sa bilangan sa loob ng limang araw kasabay ng mga malawakang brownout, at pagkalipas noon ay naungusan siya ni Fidel Ramos. Natalo siya sa eleksiyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi siya naniwala sa resulta nito. Nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal batay sa diumanong maanomalyang resulta ng eleksiyon, bilang ebidensiya raw ay ang mga brownout.

Noong Enero 1992, nagkaroon din siya ng kaso sa korupsiyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial Court ng Maynila. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.

Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang nalalabing Tagapaglaban sa korupsiyon. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsiyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo rin siya ng parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.

Taong 1995, tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan, ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa "teknikal" na kadahilanang siya ay nanalong senador. Ilang ulit siyang pinarangalang pinakamahusay na senador at binansagang Queen of Expose dahil sa kanyang matapang na pagbubulgar ng mga diumano'y ilang maanomalyang proyekto ng pamahalaan, kung saan nadawit ang dating kalihim ng DILG Ronaldo Puno.

Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna nang kabilang siya sa 11 senador na bumoto laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating pangulong Joseph Estrada na humantong sa EDSA II na siyang nagpaalis kay Estrada.

At ngayong 2016 sya ay namayapa na dahil sa kanyang sakit na lung cancer, naulila niya ang kanyang asawa na si Narciso Santiago.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-02. Nakuha noong 2013-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Senator Miriam Defensor Santiago - Senate of the Philippines". Senate.gov.ph. Nakuha noong 2011-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin