Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal

Kagawarang pang-ehekutibo ng pamahalaan ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa DILG)

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas (Ingles: Department of the Interior and Local Government o DILG) ay ang pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Department of the Interior and Local Government
Pagkakatatag22 Marso 1897
KalihimEduardo Año (OIC)
Salaping GugulinP1.863 bilyon (2008)[1]
Websaytwww.dilg.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Noong ika-22 ng Marso taong 1897, ang mga pinuno ng Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio ay nagpulong sa Tejeros, Kabite na kilala sa Kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na Acta de Tejeros of Tejeros Convention. Noong mga panahong yaon natatag ang pamahalaang rebolusyonaryo at ang bagong pamahalaan ay inihalal sina Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo at Andres Bonifacio bilang direktor ng Interyor. Ngunit hindi tinanggap ni Bonifacio ang posisyon kaya inilagay ng Pangulo si Pascual Alvarez bilang direktor. alakazam


Taong 1950, ang kagawaran ng interyor ay tiniwalag at inilipat ang mga tuntunin nito sa Civil Affairs Office sa ilalim ng opisina ng Pangulo. 6 Enero 1956, nalikha ang Presidential Assistant on Community Development (PACD). Naibalik ang kagawaran noong ika-7 ng Nobyembre taong 1972, sa pagkakatatag ng Pagawaran ng Pamahalaang Lokal at Pagpapaunlad ng Komunidad (KPLPK). Taong 1978, ang KPLPK ay isinaayos at pinalitan ng pangalan na Ministry of Local Government (MLG) at kalaunan bilang Kagawaran ng Pamahalaang Lokal.

Ika-13 ng Disyembre taong 1990, Naisabatas ang Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 na nagtatag Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Penology at ng Kolehiyo ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas sa ilalim ng isinaayos na Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Pinagsama ng bagong Kagawaran ang Pambansang Komisyong ng Pulisya at lahat ng Opisina ng naunang kagawaran sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 262. Ang pagkapasa ng Batas Republika ng Pilipinas bilang 6975 ang nagbigay daan sa pagkakasama-sama ng mga pamahalaang lokal at ng pulisya matapos ang 40 taong pagkakahiwalay.

Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Interyor at Pamahalaang Lokal

baguhin
Bilang Pangalan Buwang nagsimula Buwang nagtapos Pangulong pinaglingkuran
Ministro ng Interyor
1 Teodoro Sandico Enero 21, 1899 Mayo 7, 1899 Emilio Aguinaldo
2 Severino de las Alas Mayo 7, 1899 Nobyembre 13, 1899
Kalihim ng Interyor
3 Elpidio Quirino 1935 1938 Manuel Quezon
4 Rafael Alunan 1938 1940
5 Tomas Confesor 1945 1945 Sergio Osmena
Kalihim ng Tanggulang Pambansa at Interyor
6 Alfredo Montelibano, Sr. Hulyo 11, 1945 Mayo 27, 1946 Sergio Osmena
Kalihim ng Interyor
7 Jose Zulueta 1946 1948 Manuel Roxas
8 Sotero Baluyut 1948 1950 Elpidio Quirino
Ministro ng Pamahalaang Lokal at Komunidad Pagpapaunlad
9 Jose Roño Enero 1, 1973 1982 Ferdinand Marcos
Ministro ng Pamahalang Lokal
* Jose Roño 1982 Pebrero 25, 1986 Ferdinand Marcos
10 Aquilino Pimentel, Jr. Pebrero 26, 1986 Marso 25, 1986 Corazon Aquino
Kalihim ng Pamahalaang Lokal
Aquilino Pimentel Jr. Marso 25, 1986 Disyembre 7, 1986 Corazon Aquino
11 Jaime Ferrer Disyembre 8, 1986 Agosto 2, 1987
Lito Monico Lorenzana (akting) Agosto 3, 1987 Nobyembre 8, 1987
12 Luis T. Santos Nobyembre 9, 1987 Disyembre 10, 1991
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
13 Cesar Sarino Disyembre 11, 1991 Hunyo 30, 1992 Corazon Aquino
14 Rafael M. Alunan III Hunyo 30, 1992 Abril 16, 1996 Fidel V. Ramos
15 Robert Z. Barbers Abril 16, 1996 Pebrero 4, 1998
16 Epimaco Velasco Pebrero 4, 1998 Mayo 30, 1998
Nelson Collantes (OIC) Hunyo 1, 1998 Hunyo 30, 1998
17 Joseph Estrada[A] Hunyo 30, 1998 Abril 12, 1999 Joseph Estrada
18 Ronaldo Puno Abril 12, 1999 Enero 10, 2000
19 Alfredo Lim Enero 10, 2000 Enero 20, 2001
Anselmo Avelino, Jr. (OIC) Enero 20, 2001 Enero 28, 2001 Gloria Macapagal-Arroyo
20 Jose Lina, Jr. Enero 29, 2001 Hulyo 11, 2004
21 Angelo Reyes Hulyo 12, 2004 Pebrero 16, 2006
22 Ronaldo Puno Abril 4, 2006 Hunyo 30, 2010
Benigno Aquino III (OIC) Hunyo 30, 2010 Hulyo 9, 2010 Benigno Aquino III
23 Jesse Robredo Hulyo 9, 2010 Agosto 18, 2012
Paquito Ochoa, Jr. (OIC) Agosto 19, 2012 Setyembre 19, 2012
24 Mar Roxas Setyembre 20, 2012 Setyembre 11, 2015
25 Mel Senen Sarmiento Setyembre 14, 2015 Hunyo 30, 2016
26 Ismael Sueno Hunyo 30, 2016 Abril 4, 2017 Rodrigo Duterte
Catalino Cuy (OIC) Abril 5, 2017 Enero 4, 2018
27 LtGen Eduardo M Año (Ret) Enero 5, 2018[B] Nobyembre 6, 2018
Nobyembre 6, 2018[2] Kasalukuyan

Nota:

  • A Sabay na ginagampanan bilang Pangulo
  • B Pansamantalang Tagapamalakad

Mga kaugnayang palabas

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tala ng Salaping Gugulin ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal[patay na link]
  2. "Año is now officially DILG chief". ABS-CBN News. (sa Ingles)