Abenida North

abenida sa Kalakhang Maynila, Pilipinas
(Idinirekta mula sa North Avenue)

Ang Abenida North (Ingles: North Avenue) ay isa sa mga pangunahing daan ng Lungsod Quezon. Dumadaan ito mula Daang Elliptical (na pumapalibot sa Quezon Memorial Circle) sa silangan hanggang Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa kanluran. Dating tumutuloy ang abenida sa Abenida West noong isa pa lamang bagtasang may signal (signaled intersection) ang Bagtasang EDSA-North. Itinakda ang kabuuang abenida bilang isang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang Pambansang Ruta Blg. N173.


Abenida North
North Avenue
Ang Abenida North, malapit sa Ayala Trinoma, kasama ang itinatayong MRT-7
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganDaang Elliptical
  N128 (Abenida Mindanao)
Daang Agham
Dulo sa kanluran N1 (EDSA) / AH26
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N172N174

Sa sangandaang EDSA-North ito matatagpuan ang mga pamilihan ng SM City North EDSA at TriNoma. Matatagpuan sa abenida ang mga kilalang pook tulad ng Veterans Memorial Medical Center at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Sa hinaharap, itatatag rito ang Quezon City Business District o Vertis North.

Kasaysayan

baguhin
 
Abenida North noong Enero 2016, bago ang pagtatayo ng Ikapitong Linya ng MRT

Bumubuo ang abenida sa hilagang hangganan ng dating ipinapanukalang Diliman Quadrangle na may lawak na 400 ektarya (990-acre) at nakapaloob sa dating Diliman Estate (o Hacienda de Tuason) na binili ng pamahalaang komonwelt ng Pilipinas noong 1939 para maging bagong kabisera ng Pilipinas (bilang Lungsod Quezon) na papalit sa Maynila.[1] Dati itong ipinaplano na maging Central Park ng bagong lungsod na kung saan makikita ang mga bagong gusaling pampamahalaan (bagong palasyo ng pangulo, bagong gusali ng kapitolyo, at bagong gusali ng Kataas-taasang Hukuman) sa loob ng 25 ektaryang (62 acre) sityong patambilog na tinatawag ngayong Quezon Memorial Circle. Ang quadrangle ay hinahangganan ng Abenida North sa hilaga, Abenida East sa silangan, Abenida South (Timog) sa timog, at Abenida West sa kanluran. Ang sityo ay idinisenyo ng mga Amerikanong tagaplano ng lungsod na sina William E. Parsons at Harry Frost, sa pagtutulungan nina Inhinyero AD Williams at mga arkitekto na sina Juan Arellano at Louis Croft. Ang nabanggit na sityo ay magkakaroon din ng 15 ektaryang (37 acre) pambansang eksposisyon sa may sangandaan ng Abenida North at Avenida 19 de Junio (EDSA ngayon, sa kinalalagyan nito nakatayo ngayon ang pamilihang SM City North EDSA).[1] Sa mga nakalipas na dekada nanatiling nakatiwangwang ang Diliman Quadrangle dahil sa kakulangan ng pondo. Magkalipas ng ilang pagbabago, inilipat ang pusod ng Lungsod Quezon sa Novaliches dahil sa mas-mataas na kataasan nito.[2] Pagsapit ng taong 1976, ibinalik ang kabisera sa Maynila, at ang Quezon Memorial Circle ang tanging estruktura na naitayo sa dapat sana'y sityong pang-kabisera.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Ang Abenida North ay isang daang anim ang mga landas na matatagpuan sa gitna ng mixed-use at pampamahalaan na distrito ng lungsod. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa EDSA hilaga ng Abenida West sa may hangganan ng West Triangle at Pinyahan. Tutungo ito pasilangan mula sa bagtasang ito upang makatawid sa Abenida Mindanao patungong Daang Agham. Matatagpuan sa o malapit sa bahaging ito ang Estasyong North Avenue ng MRT, SM City North EDSA, TriNoma, Ayala Malls Vertis North, Seda Hotel Vertis North, at Vertis North CBD. Pagkaraang makatawid ng Daang Agham, ang silangang bahagi ay dinodomina ng mga establisimiyentong pampamahalaan, kabilang na ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas (PSHS), pambansang punong-tanggapan ng Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog (BFP), Office of the Ombudsman, Veterans Memorial Medical Center, tanggapan ng Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain (NFA), tanggapan ng Pangasiwaan sa Regulasyon ng Asukal (SRA), at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center. Nagtatapos ang abenida sa sangandaan nito sa Daang Elliptical.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "The 1946 Quezon City world's fair". The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "25 things you didn't know about Quezon City". The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°39′13″N 121°2′17″E / 14.65361°N 121.03806°E / 14.65361; 121.03806