Noyabrsk
Ang Noyabrsk (Ruso: Ноя́брьск, IPA [nɐˈjabrʲsk]) ay ang pinakamalaking lungsod sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Rusya. Matatagpuan ito sa gitna ng mga minahan ng langis sa Kanlurang Siberia, sa daambakal ng Tyumen–Novy Urengoy mga 300 kilometro (190 milya) hilaga ng Surgut.
Noyabrsk Ноябрьск | |||
---|---|---|---|
Sentrong lungsod ng Noyabrsk | |||
| |||
Mga koordinado: 63°12′N 75°27′E / 63.200°N 75.450°E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Yamalo-Nenets Autonomous Okrug[1] | ||
Itinatag | Oktubre 26, 1977 | ||
Katayuang lungsod mula noong | Abril 28, 1982[3] | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | Lehislatibong panlungsod | ||
• Pinuno | Alexey Romanov | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 38.84 km2 (15.00 milya kuwadrado) | ||
Taas | 115 m (377 tal) | ||
Populasyon (Senso noong 2010)[2] | |||
• Kabuuan | 110,620[2] | ||
• Ranggo | 144th in 2010 | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang okrug ng Noyabrsk[1] | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng kahalagahang okrug ng Noyabrsk[1] | ||
• Urbanong okrug | Noyabrsk Urban Okrug[5] | ||
• Kabisera ng | Noyabrsk Urban Okrug[5] | ||
Sona ng oras | UTC+5 ([6]) | ||
(Mga) kodigong postal[7] | 629811 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 3496 | ||
OKTMO ID | 71958000001 | ||
Araw ng lungsod | Unang Linggo ng Setyembre | ||
Websayt | admnoyabrsk.ru |
Kasaysayan
baguhinNagmumula sa 1975 ang kasaysayan ng Noyabrsk, kung kailang bumaba ang isang pangkat lulan ng helikopter sa yelo ng Ilog Itu-Yakha upang simulan ang pagpapaunlad ng minahan ng langis ng Kholmogorskoye. Noong Nobyembre 1976, dumating sa lugar ng magiging lungsod ang unang pangkat ng mga tagapagtayo ng daambakal at humimpil sa tabi ng Lawa ng Khanto na may gawaing magtatag ng isang pamayanan. Noong Oktubre 26, 1977, opisyal na inirehistro ang pamayanan Noyabrsk, na lumago sa paligid ng estasyong daambakal ng Noyabrskaya. Ipinasiyang gamitin ang pangalang "Noyabrsk" sa halip ng isa pang ipinanukalang pangalan na "Khanto", upang pairalin ang ala-ala ng unang pagdating noong Nobyembre 1976, sapagkat ang salitang Ruso ng Nobyembre ay "ноябрь" (noyabr). Ang pamayanan ay ginawaran ng katayuang pampamayanang paggawa (work settlement) noong Nobyembre 12, 1979, at katayuang panlungsod noong Abril 28, 1982.[3]
Kontemporaryong kasaysayan at krimen
baguhinNoong panahong Sobyet isang nakasarang lungsod ang Noyabrsk na karamihan sa populasyon ay mga propesyonal na nagbigay ng ilang proteksiyon mula sa panlabas na impluwensiya ng krimen. Sa pagbukas nito noong dekada-1990 kasunod ng pagbuwag ng Unyong Sobyet at kalakip ng industriyang langis at gas na napapanatili ang may kataasang antas na pamumuhay sa kabila ng kawalan ng katiyakang ekonomiko sa mga panahong iyon, naging kapaki-pakinabang ang negosyo ng bawal na gamot (o iligal na droga) at nagpalapit ng masasamang mga elemento mula sa ibang mga rehiyon. Pinalala ng sitwasyon ang kapulisan at mga opisyal na nasusuhulan at hindi sinanay upang harapin ang suliranin at ng pangkalahatang kakulangan ng mga trabaho para sa mga tinedyer. Ibinalita sa pambansang telebisyon at ibang mga midya ang sitwasyon ng pagkalulong sa bawal na droga sa Noyabrsk, at dumating ang mga samahang pampamahalaan at pangmamamayan upang labanan ang suliranin.[8]
Noong Marso 17, 2009, ipinadala sa hukuman ang kasong kriminal na isinampa laban sa alkaldeng si Nikolay Korobkov. Ayon sa panig ng tagausig, nilipat niya ang ilang ari-ariang pangmunisipyo sa isang pampribadong kompanya kahit na wala siyang kapangyarihan na gawin.[9]
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1989 | 85,880 | — |
2002 | 96,440 | +12.3% |
2010 | 110,620 | +14.7% |
Senso 2010:[2]; Senso 2002:[10]; Senso 1989:[11] |
Ang karaniwang edad ng populasyon ay higit sa 30 taong gulang lamang.[12]
Ekonomiya
baguhinNakabatay ang ekonomiya ng Noyabrsk sa paggawa ng hidrokarburo. Ang Noyabrsk ay himpilan ng mga operasyon ng dalawang pangunahing mga kompanya.[12] Ang Gazpromneft–Noyabrskneftegaz ay isang pangunahing sangay na prodyuser ng langis ng Gazprom Neft.[13] Ito ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug at bumubuo sa 6% ng kabuuang produksiyon ng langis sa Rusya. Sa panig naman ng likas na gas, ang Gazprom dobycha Noyabrsk na isa sa tatlong pangunahing mga sangay ng Gazprom ay may taunang produksiyon ng 85 bilyong metro kubiko.[12] Magkabagay ito sa 9.3% ng kabuuang taunang produksiyon ng gas ng Gazprom.[14] Nagpapatakbo ito ng ilang mga gas field sa paligid ng lungsod. Sa hilagang-silangan ay mga gas field ng Vyngapurovskoye na inilunsad noong 1978 at Vyngayakhinskoye na inilunsad noong 2006. Sa hilagang-kanluran naman ang mga gas field ng Komsomolskoye na inilunsad noong 1993 at Zapadno-Tarkosalinskoye na inilunsad noong 1996. Ang pangunahing kapakinabangang pangnegosyo ng Gazprom dobycha Noyabrsk ay ang mababang primerang halaga ng produksiyon. Nagbibigay rin ang kompanya ng mga panglilingkod ng nagpapatakbo sa produksiyon ng gas at kondensasyon at paglilinis ng gas (gas treatment).[15] Karagdagan ang higit sa 1,000 mga kompanya na nagbibigay ng mga paglilingkod para sa industriya ng langis at gas at suporta para sa imprastrakturang panlipunan ng lungsod.[12]
Transportasyon
baguhinMatatagpuan ang Paliparan ng Noyabrsk mga 6 kilometro (3.7 milya) sa kanluran ng lungsod. Isa itong makabagong paliparan na may kakayahang makapaglapag ng malalaking mga eroplano.[12] Kadalasang may mga lipad patungong Moscow (mga paliparan ng Domodedovo o Vnukovo), habang ilang beses sa isang linggo naman ang mga lipad papuntang maraming mga lokasyon tulad ng Salekhard. Nakahati ang lungsod sa dalawang bahagi: ang isang mas-maliit na katimugang bahagi na Noyabrsk-I at ang mas-malaking hilagang bahagi na Noyabrsk-II, kapuwa may sariling estasyon ng daambakal. Ang linyang daambakal ay naghihiwalay ng bahaging pampamahayan ng lungsod sa mga pook pang-industriya na naglilingkod sa mga minahan ng langis.
Mga kambal at kapatid na lungsod
baguhinMagkakambal ang Noyabrsk sa:
Mga sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #42-ZAO
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Charter of the Municipal Formation of the City of Noyabrsk, adopted on January 1, 2006
- ↑ http://admnoyabrsk.ru/admin/Foto_CkEditor/Pasport_MO_gorod_Noyabrsk_2014_god.docx.
- ↑ 5.0 5.1 Law #101-ZAO
- ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Teenage drug use goes down Naka-arkibo 2017-01-04 sa Wayback Machine. - news report.
- ↑ Lesovskikh, Igor (Marso 18, 2009). "Мэра Ноябрьска направили в суд". Kommersant. Nakuha noong Marso 18, 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 "Noyabrsk". RusBusinessNews. Nakuha noong 2009-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oil Exploration and Production". Gazprom Neft. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-04-11. Nakuha noong 2009-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-04-11 sa Wayback Machine. - ↑ "Gazprom in figures 2004–2008" (PDF). Gazprom. 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2010-01-01. Nakuha noong 2009-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-01-01 sa Wayback Machine. - ↑ "Gazprom dobycha Noyabrsk". Gazprom. Nakuha noong 2009-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Mga pinagmulan
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na websayt ng Noyabrsk
- Opisyal na websayt ng Yamalo-Nenets Autonomous Okrug. Kabatiran tungkol sa Noyabrsk Naka-arkibo 2007-07-05 sa Wayback Machine.