Obligasyong moral
Sa pangkalahatan, ang pananagutang moral o obligasyong moral ay ang pananagutan o obligasyon na nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian. Subalit ang katagang ito ay maaari ring magkaroon ng ibang mga kahulugan sa pilosopiyang moral, sa relihiyon, at sa mga katagang ginagamit ng karaniwang tao. Sa pangkaraniwan, ang gawain na obligasyong moral ay tumutukoy sa isang paniniwala na ang gawain ay isang inatas na gawain ng kanilang nakatakdang mga pagpapahalaga. Nagkakaiba-iba ang mga pilosopong moral hinggil sa pinagmulan ng pananagutang moral, at hinggil sa kung ang ganiyang mga obligasyon ay nakalabas sa kumakatawan o kinakatawang tao (iyong, sa isang diwa, ay malayunin at mailalapat sa lahat ng mga kinatawan) o kaya ay nakapaloob (iyong nakabatay sa personal na mga hangarin ng kinatawan, pati na pagpapalaki, kunsensiya, at iba pa).
Ang obligasyon ay isang pangkat ng mga alituntunin na susundin ng isang tao. Matatagpuan ng isang indibiduwal ang pagkakaroon ng mga pananagutan sa loob ng kaniyang samahan sapagkat nagtatakda ang kaniyang mga kasamahan (na kasama siya) ng pangkat ng mga alintuntunin na dapat sundin. Ang pangkat ng mga alituntuning ito ay maaaring laban sa pansariling mga mithiin ng isang indibiduwal. Ang indibiduwal ay nagpapahayag ng kaniyang moralidad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntuning ito sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga alituntuning ito bilang mabuti upang mapapayapa ang lipunan.
Samantala, ang responsibilidad na moral ay isang katayuan na pangmoralidad na maging karapat-dapat na purihin, sisihin, gantimpalaan, o parusahan dahil sa isang paggawa o hindi paggawa, alinsunod sa mga obligasyon moral ng isang tao. Ang pagpapasya nang kung anong bagay o gawain ang ituturing na obligasyong moral ay isang pamprinsipyong pagtutuon ng larangan ng etika. Ang mga taong mayroong moral na responsibilidad para sa isang kilos ay tinatawag na mga ahenteng moral. Ang mga ahente may kakayahang muni-muniin ang kanilang kalagayan, magbuo ng mga intensiyon o hangarin hinggil sa kung paano sila kikilos, at pagkaraan ay susundan ng pagsasakatuparan ng kilos na iyon. Ang malayang kalooban o kagustuhan ay isang mahalagang paksa sa pagtatalo hinggil sa kung ang mga indibidwal ay may pananagutan sa kanilang mga pagkilos, at kung nananagot nga ay sa anong diwa. Iniisip ng mga inkompatibilista na ang determinismo ay hindi kasundo ng malayang kalooban, habang ang mga kompatibilista naman ay nag-iisip na maaaring umiral ang dalawang ito.
Ang moral na responsibilidad ay maaaring hindi katulad ng legal na responsibilidad (pananagutang pambatas). Ang isang tao ay may pananagutang pambatas para sa isang pangyayari kapag ang tao na iyon ang mananagot na maparusahan sa loob ng sistema ng hukuman para sa isang kaganapan. Bagaman maaaring madalas na ito ay isang kaso o pagkakataon kung kailan ang isang tao ay moral na may responsibilidad para sa isang gawain, siya man ay mayroong responsibilidad na pambatas para sa gawaing iyon; subalit ang dalawang ito ay hindi palagiang nagkakasabayan.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Moralidad at Etika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.