Karagatan
Ang karagatan ay anyong tubig na maalat na tinatakapan ang ~70.8% ng Daigdig.[1] Maaring tumukoy din ito sa kahit anumang malaking anyong tubig na kung saan kumbensiyonal na hinahati ang karagatan ng mundo.[2] Ginagamit ang mga natatanging pangalan upang tukuyin ang limang iba't ibang mga lugar ng karagatan: Pasipiko, Atlantiko, Indiyano, Antartiko/Katimugan, at Artiko.[3][4] Naglalaman ang karagatan ng 97% ng tubig ng Daigdig[1] at ito ang pangunahing bahagi ng hidrospera ng Daigdig, kaya, mahalaga ang karagatan sa buhay sa Daigdig. Inimpluwensiyahan ng karagatan ang klima at mga huwaran ng lagay ng panahon, ang siklong karbono at pagpapaulit-ulit ng tubig sa pamamagitan ng pag-akto bilang isang malaking imbakan ng init.
Hinahati ng mga oseanograpo ang karagatan sa mga sonang patayo at pahiga batay sa mga kondisyong pisikal at pambiyolohiya. Ang sonang pelahiko ay isang bukas na hanay ng tubig ng karagatan mula sa ibabaw hanggang sa sahig ng karagatan. Nahahati pa ang mga hanay ng tubig sa mga sona batay sa lalim at halaga ng liwanag na mayroon. Nagsisimula ang sonang potiko sa ibabaw at binibigayan kahulugan ito bilang ang lalim na kung saan ang intesidad ng liwanag ay 1% lamang ng halaga sa ibabaw[5]:36 (tinatayang 200 m sa bukas na karagatan). Ito ang sona na kung maaring mangyari ang potosintesis. Sa prosesong ito, ginagamit ng mga halaman at lumot na mikroskopiko (malayang lumulutang na pitoplankton) ang liwanag, tubig, karbono diyoksido, at sustansya upang makagawa ng materyang organiko. Bilang resulta, ang sonang potiko ay ang pinakasari-sari ang buhay at ang napagkukunan ng karamihan ng panustos ng pagkain sa karamihan ng ekosistema ng karagatan. Nakakagawa din ang potosintesis sa karagatan ng kalahati ng oksiheno ng atmospera ng Daigdig.[6] Makakatagos lamang ang liwanag sa ilang daang metro pa; ang natitirang bahagi ng mas malalim na karagatan ay malamig at madilim (tinatawag ang mga sonang ito bilang mga sonang mesopelahiko at apotiko). Sa kalapagang panlupalop kinatatagpo ng karagatan ang tuyong lupa. Mas mababaw ito, na may lalim ng ilang daan na metro o mas mababa pa. May negatibong epekto kadalasan ang aktibidad ng tao sa mga ekosistema sa loob ng kalapagang lupalop.
Heograpiya
baguhinAng buong karagatan, na naglalaman ng tinatatayang 97% ng tubig ng Daigdig, sumusukat sa 70.8% ng ibabaw ng Daigdig,[1][7] Ginagawa nito ang Daigdig, kasama ang masiglang hidrospera na isang "mundong tubig"[8][9] o "mundong karagatan",[10][11] partikular sa maagang kasaysayan ng Daigdig nang naisip na maaring buong natakpan ang Daigdig ng karagatan.[12] Hindi regular ang hugis ng karagatan, na hindi pantay na nangingibabaw sa ibabaw ng Daigdig. Nagdudulot ito ng kaibahan ng ibabaw sa Daigdig sa isang emisperyong tubig at lupa, gayon din ang paghahati ng karagatan sa iba't ibang mga karagatan.
Tinatakpan ng tubig-dagat ang mga 361,000,000 km2 (139,000,000 mi kuw) at ang pinakamalayo ng karagatan na polo ng hindi marating, kilala bilang "Puntong Nemo", sa rehiyon na tinatawag na sementeryo ng mga sasakyang pangkalawakan ng Karagatang Timog Pasipiko, na nasa 48°52.6′S 123°23.6′W / 48.8767°S 123.3933°W. Ang punto ito ay halos 2,688 km (1,670 mi) mula sa pinakamalapit na lupa.[13]
Mga paghahati ng karagatan
baguhinMay iba't ibang kustumbre sa paghahati ng karagatan at nagtatapos ito sa mas maliit na anyong tubig tulad ng mga dagat, gulpo, look, kurbada ng baybay dagat (o bight), at kipot.
Kustubreng nahahati ang karagatan sa limang karagatang prinsipal – nakatala sa ibaba ayon sa bumababang ayos ng sukat at bolyum:
# | Karagatan | Lokasyon | Sukat (km2) |
Bolyum (km3) |
Katamtamang lalim (m) |
Baybayin (km)[14] |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | Karagatang Pasipiko | Sa pagitan ng Asya at Australasya at Kaamerikahan[15] | (46.6%) |
168,723,000(50.1%) |
669,880,0003,970 | (35.9%) | 135,663
2 | Karagatang Atlantiko | Sa pagitan ng Kaamerikahan at Europa at Aprika[16] | (23.5%) |
85,133,000(23.3%) |
310,410,9003,646 | (29.6%) | 111,866
3 | Karagatang Indiyano | Sa pagitan ng katimugang Asya, Aprika at Australya[17] | (19.5%) |
70,560,000(19.8%) |
264,000,0003,741 | (17.6%) | 66,526
4 | Karagataang Antartiko/Katimugan | Sa pagitan ng Antartika at ang mga karagatang Pasipiko, Atlantiko at Indiyano Tinuturing minsan na ekstensyon ng tatlong karagatang ito.[18][19] |
(6.1%) |
21,960,000(5.4%) |
71,800,0003,270 | (4.8%) | 17,968
5 | Karagatang Artiko | Sa pagitan ng hilagang Hilagang Amerika at Eurasya sa Artiko Tinatawag minsan na dagat na marhinal ng Atlantiko.[20][21][22] |
(4.3%) |
15,558,000(1.4%) |
18,750,0001,205 | (12.0%) | 45,389
Kabuuan | (100%) |
361,900,000(100%) |
1,335,000,0003,688 | (100%) | 377,412
Mga sanggunian: Encyclopedia of Earth,[15][16][17][18][22] International Hydrographic Organization,[19] Regional Oceanography: an Introduction (Tomczak, 2005),[20] Encyclopædia Britannica,[21] at ang International Telecommunication Union.[14]
Gamit ng tao sa karagatan
baguhinNakakabit sa karagatan ang mga aktibidad ng tao sa kasaysayan. Nagsisilbi ang mga aktibidad na ito ng iba't ibang layunin. Kabilang dito ang nabigasyon at paggalugad, digmaang pandagat, paglalakbay, pagpapadala at kalakalan, at produksyon ng pagkain. Marami sa mga produkto ng mundo ay nadadala ng mga barko sa pagitan ng mga daungan ng mundo.[23]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "8(o) Introduction to the Oceans". www.physicalgeography.net (sa wikang Ingles).
- ↑ "Ocean." Merriam-Webster.com Dictionary, Merriam-Webster, https://www.merriam-webster.com/dictionary/ocean . Nakuha noong Marso 14, 2021. (sa Ingles)
- ↑ "ocean, n" (sa wikang Ingles). Oxford English Dictionary. Nakuha noong Pebrero 5, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ocean" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong Pebrero 6, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bigg, Grant R. (2003). The Oceans and Climate, Second Edition (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Cambridge: Cambridge University Press. doi:10.1017/cbo9781139165013. ISBN 978-1-139-16501-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How much oxygen comes from the ocean?" (sa wikang Ingles). National Ocean Service. National Oceanic and Atmospheric Administration U.S. Department of Commerce. 26 Pebrero 2021. Nakuha noong 3 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ro, Christine (2020-02-03). "Is It Ocean Or Oceans?". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-08-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Yvette (2021-06-07). "Earth Is a Water World". NASA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-08-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Water-Worlds". National Geographic Society (sa wikang Ingles). 2022-05-20. Nakuha noong 2022-08-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lunine, Jonathan I. (2017). "Ocean worlds exploration". Acta Astronautica (sa wikang Ingles). Elsevier BV. 131: 123–130. Bibcode:2017AcAau.131..123L. doi:10.1016/j.actaastro.2016.11.017. ISSN 0094-5765.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ocean Worlds". Ocean Worlds. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-27. Nakuha noong 2022-08-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Voosen, Paul (Marso 9, 2021). "Ancient Earth was a water world". Science (sa wikang Ingles). American Association for the Advancement of Science (AAAS). 371 (6534): 1088–1089. doi:10.1126/science.abh4289. ISSN 0036-8075. PMID 33707245. S2CID 241687784.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Where is Point Nemo?". NOAA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Recommendation ITU-R RS.1624: Sharing between the Earth exploration-satellite (passive) and airborne altimeters in the aeronautical radionavigation service in the band 4 200–4 400 MHz (Question ITU-R 229/7)" (PDF) (sa wikang Ingles). ITU Radiotelecommunication Sector (ITU-R). Nakuha noong Abril 5, 2015.
The oceans occupy about 3.35×108 km2 of area. There are 377412 km of oceanic coastlines in the world.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 "Pacific Ocean". Encyclopedia of Earth (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 "Atlantic Ocean". Encyclopedia of Earth (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 "Indian Ocean". Encyclopedia of Earth (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 "Southern Ocean". Encyclopedia of Earth (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 10, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 "Limits of Oceans and Seas, 3rd edition" (PDF) (sa wikang Ingles). International Hydrographic Organization. 1953. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 8, 2011. Nakuha noong Disyembre 28, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 Tomczak, Matthias; Godfrey, J. Stuart (2003). Regional Oceanography: an Introduction (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Delhi: Daya Publishing House. ISBN 978-81-7035-306-5. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 30, 2007. Nakuha noong Abril 10, 2006.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 Ostenso, Ned Allen. "Arctic Ocean". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 2, 2012.
As an approximation, the Arctic Ocean may be regarded as an estuary of the Atlantic Ocean.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 22.0 22.1 "Arctic Ocean". Encyclopedia of Earth (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 7, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zacharias, Mark (2014). Marine Policy: An Introduction to Governance and International Law of the Oceans (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1136212475.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)