Paelya
Ang paelya (Balensyano/Kastila: paella) ay isang lutuing kanin na orihinal na nagmula sa València, kung saan madalas itong kinakain partikular na tuwing Linggo at tuwing les falles. May maraming uri ng paelya at may iba-iba itong mga kasangkapan.
Ang salitang paella ang katawagan sa Balensyano para sa “kawali”. Gayumpaman, naging napakapopular ng pagkaing paelya sa Kastila na ang salitang paellera na ang ginagamit para sa kawaling nilulutuan ang paelya at paella halos para sa pagkain lamang. Sa València gayumpaman ginagamit pa rin ang paella para sa kawali gayundin sa pagkain.
Madalas pinamamalutian ang paelya ng gulay at ng karne o pagkaing-dagat. Ang tatlong pangunahing kasangkapan ay kanin, kasubha, at mantika ng oliba.
Noong pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, ipinamana nila ang kanilang lutuin sa mga Pilipino. Dahil sa kadalian ng paghuli ng pagkaing-dagat sa Pilipinas dulot ng pagkakapuluan ng bansa, naglalaman ang paelyang Pilipino ng higit na nakararaming húling-dagat. Maaaring gamitin sa paelyang Pilipino ang alimango, orejas de mar, toyo, atswete (para pangkulay), kabya, at iba pa.
Mga kaugnay na pagkain
baguhinMga panlabas na kawing
baguhin- Balconmicrobio.com Naka-arkibo 2009-03-23 sa Wayback Machine. How to do a Paella. Video Included! (Spanish)
- LaPaella.net Naka-arkibo 2006-05-16 sa Wayback Machine., isang mahusay na website tungkol sa paelya
- Gastronomía de València Naka-arkibo 2007-07-08 sa Wayback Machine.
- Mga mapananaligang resipi ng paelya mula sa Espanya Naka-arkibo 2006-11-07 sa Wayback Machine.
- Isang orihinal na resipi ng paelya
- Resipi ng paelya