Negosyo
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa.
Kasaysayan at kahulugan
Sa kasaysayan, ang negosyo o kalakal ay tumutukoy sa mga gawain o interes. Sa pinahabang kahulugan (simula noong ika-18 siglo), naging kasingkahulugan ng salitang ito ang pagkakaroon ng pansariling pangasiwaang pangkalakalan (commercial). Sa mas pangkalahatang kahulugan, ito ang pagkadugtong-dugtong ng mga gawaing pangkalakalan (commercial).
Nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan (katulad ng kooperatiba, corporate bodies, di kumikitang kapisanan at institusyon ng pamahalaan), namamalagi ang negosyo upang kumita. Sa ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-ari at tagapagpalakad ng isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng pananalaping pagkabalik ng kanilang oras, sikap at puhunan.
Binubuo ng isang lupon ng magkakaugnay na negosyo ang isang industriya, katulad ng industriya ng mga libangan o industriya ng gatasan. Kawangis ito ng isa sa mga mas pangkalahatang kahulugan ng "negosyo", at mukhang pinagpapalit ang mga katagang negosyo at industriya sa kadalasan. Sa ganitong paraan, maaaring sabihin ng isang mangingisda na (mas kolokyal) nasa negosyo siya ng pangingisda o (tila may pagkadakila) nagtratrabaho siya sa isang industriya ng pangingisda. Maaaring magsilbi na katubas ng "negosyo" at "industriya" ang salitang "pakipagkalakalan" (trade).
Sa isang malawakang industriya, maaari ring magkaroon ng mga tinatawag na sub-industries. Sa industriya ng mga pagkain at inumin, may mga sub-industries ito tulad ng industriya ng fastfood, industriya ng pagkaing pang meryenda at ng mga softdrinks.
Mga uri ng negosyo
Maaaring i-uri ang negosyo sa maraming paraan. Sa mga tagapagtuos (accountant), binibigyang diin ang uri nito ayon sa nag-mamay-ari. Sa mga ekonomista, inuuri ito ayon sa laki o dami ng puhunan. Sa mga nagtitinda (marketers), kinikilala ang mga negosyo ayon sa kanilang operasyon o pagpapalakad.
Tinutukoy ng karamihan sa mga legal na hurisdiksiyon ang mga anyo na kailangan kunin ng isang negosyo, at mayroon naisulong sa bawat uri ang isang katawan ng batas pangkalakalan (commercial). Kinabibilangan ng mga negosyong samahan (partnership), korporasyon (kilala din bilang kompanyang may hangganan ang responsibilidad), at negosyong may nag-iisang may-ari (sole proprietorship) ang mga ilang pangkaraniwang uri.
Iba't ibang pag-uuri
- Ayon sa nagmamay-ari
- Isahang pagmamay-ari (single proprietorship)
- Sosyohan (partnership)
- Korporasyon (corporation)
- Kooperatiba (cooperative)
- Ayon sa laki ng puhunan
- Mikro-negosyo (Micro-business)
- Maliit na negosyo (Small scale business)
- Negosyong katamtaman ang laki (Medium scale business)
- Malaking negosyo (Large scale business)
- Ayon sa Operasyon
- Produksiyon (Manufacturing)
- Serbisyo (Service)
- Tingian (Retail)
- Distributor/Pakyawan (Distributor/Wholesale)
Pagpapatakbo ng negosyo
Mga kinakailangan ng karaniwang negosyo:
- Puhunan
- Tauhan
- Makina at Kagamitan
Ang limang pangunahing bahagi ng isang negosyo
- Kayamanang Tao (Human Resources)
- Pananaliksik at Pagsulong (Research and Development)
- Akawnting at Pananalapi (Accounting and Finance)
- Produksiyon at Operasyon (Production and Operation)
- Pagtitinda (Marketing)