Pagpapanatili ng bigat

Ang batas ng pagpapanatili ng bigat o batas ng konserbasyon ng masa (conservation of mass) ay ang pinakapundamental na konsepto sa kimika. Sinasaad rito na walang mapapansing pagbabago sa kabuuang bigat sa mga karaniwang kimikang pagsasanib. Sa makabagong pisika, iyong makikita na ang enerhiya ang talagang pinananatili (at hindi ang bigat) at ang enerhiya at bigat ay napagpapalit-palit. Ang konseptong ito ay mahalaga sa kimikang nukleyar. Ang pagpapanatili ng enerhiya naman ay nagdudulot sa mga mahahalagang konsepto tulad ng ekilibriyo, termodaynamiks at kinetiks.

Hindi nagtatagumpay ang batas ng pagpapanatili ng batas sa prosesong nukleyar, kung saan ang equivalence ng materya ng enerhiya, at dahil dito pagpapanatili ng enerhiya ay nailalapat. Hindi rin nagtatagumpay ang batas para sa mga kalagayang may kaugnayan sa espesyal na relativity. Bagaman, napakataas ang katumpakang nilapat nito sa mga reaksiyong kimikal, yamang malaki sa bawat kaso ang bigat-enerhiya ng mga nagrereaksiyon kung ihahambing sa mga enerhiyang sinipsip o pinakawala kapag may reaksiyon sila. Sa isang halimbawa, pinapakawala ng isang gramo ng gasolina ang 48 kJ ng enerhiya kapag nasunog. Bagaman, ang bigat-enerhiya ng isang gramo ng gasolina (o kahit anuman) ay 90 TJ, o mga 2 bilyong beses nito — at hindi kabilang dito ang bigat-enerhiya ng oksihenang ginamit sa kombustyon.

Malinaw na unang binalangkas ni Antoine Lavoisier ang batas na ito, na kadalasang tinutukoy bilang ang ama ng makabagong kimika. Bagaman, may mga ilang siyentipiko katulad ni Mikhail Lomonosov ang pinakilala ang mga nakaraang katulad na ideya.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.