Pagproseso ng bidyo
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang pagproseso ng bidyo (sa Ingles: video processing) ay isang paksa sa Digital Signal Processing kung saan layunin nito na gamitan ng algoritmong kompyuter ang paghawak sa bidyo para sa iba't-ibang mga layunin tulad ng pagbago ng bidyo, streaming, pag-compress ng bidyo at iba pa. Ang paksang ito ay kadalasang makikita sa larangan ng inhinyeriyang pangkompyuter o agham pangkompyuter na mga kurso sa pamantasan o kolehiyo. Hindi ito nalalayo sa pagproseso ng larawan dahil ang bidyo ay maituturing na isang malaking koleksiyon ng mga larawan na magkakasunod.
Ang kasalukuyang takbo ngayon sa pag-unlad ng teknolohiyang pang-kompyuter ay ang pabilis ng pabilis ang kinakailangan pagpapadala ng datos. Isa sa layunin ng pagproseso ng bidyo ay ang pag-encode at pag-decode ng bidyo. Kinakailangan ito upang mapabilis ang pagpapadala ng datos ng bidyo habang napapanatili ang kalidad ng bidyo.
Maraming mga layunin ang pagproseso ng bidyo. Isa sa mga ito ay may kinalaman sa pagtukoy ng bagay sa bidyo o object tracking. Sa pamamagitan ng mga programa ng kompyuter ay maaring maitukoy ang mga partikular na bagay na hinahanap sa bidyo. Ang mga halimbawa nito ay ang pagtuklas ng manlalaro sa isang larong soccer o pagtuklas ng magnanakaw mula sa kamerang CCTV para sa panseguridad na rason. Ang isa pang layunin ng pagproseso ng bidyo ay motion tracking o pagtukoy sa paggalaw. Maaring maitukoy ang bilis paggalaw ng isang bagay sa bidyo. Halimbawang aplikasyon nito ay pagtukoy ng bilis ng takbo ng sasakyan sa isang kalsada na may hangganan ang bilis. Marami pang maaaring magawa ang pagproseso ng bidyo depende sa sitwasyon at pangangailangan ng isang mag-aaral o institusyon.
May iba't-ibang gamit ang pagproseso ng bidyo. Isa na dito ay ang data storage o pag-imbak ng datos. Layunin ng paksang ito na maitabi ang datos ng bidyo sa isang sulit na paraan na hindi nakokompromiso ang kalidad ng bidyo. Makikita ang ebolusyon ng pag-imbak ng datos ng bidyo mula sa VHS, hangang sa VCD at DVD hangang sa mga portable device o mga aparato na maaring dalhin kahit saan. Kasabay ng pag-usbong ng internet ay ang pangangailangan ng integredidad sa streaming ng bidyog. Layunin ng pagproseso ng bidyo na makapaghatid ng bidyo sa pamamagitan ng streaming sa pinakamabilis at pinakamagandang pamaraan habang isinasama ang limitasyon ng transmission channel.