Panganganak

pagtatapos ng pagdadalangtao
(Idinirekta mula sa Pagsilang)

Ang panganganák, kilala rin sa tawag na pagluluwál, pagsisílang, at pagle-labor (Ingles: labour), ay ang pagtatapos at kulminasyon ng pagdadalangtao ng isang ina,[7] kung saan lumalabas ang isa o higit pang sanggol mula sa sinapupunan sa pamamagitan ng pagdaan sa kanyang ari, o ng isang operasyon (sesaryan).[8][5] Tinatayang 140 milyon ang ipinapanganak taon-taon.[9] Sa Pilipinas, 1,673,923 ang nairehistrong kapanganakan noong 2019.[10] 15 milyon ang ipinapanganak nang maaga (kulang sa 37 linggo),[11] habang nasa tatlo hanggang labindalawang porsyento (42,000 hanggang 168,000) naman ang ipinanganak nang lagpas sa 42 linggo.[12] Madalas isinasagawa ang panganganak ngayon sa mga ospital, bagamat marami rin ang ipinapanganak sa bahay, kadalasan sa tulong ng isang kumadrona.[8] Kaarawan ang tawag sa araw ng kapanganakan ng isang tao.

Panganganak
Ibang katawaganPagsisilang, pagluluwal, pagle-labor
Sanggol na bagong panganak at nababalot ng vernix na yakap ang kanyang ina.
Bagong panganak na sanggol na nababalot ng vernix at yakap-yakap ang kanyang ina.
EspesyalidadObstetrisiya, pangungumadrona
Komplikasyonlabor dystocia, pagdurugong postpartum, eclampsia, impeksiyong postpartum, birth asphyxia, neonatal hypothermia[1][2][3]
UriPanganganak sa ari, sesaryan[4][5]
SanhiPagdadalangtao
Pag-iwasBirth control, aborsyon
Dalas135 milyon (2015)[6]
Napatay500,000 inang namatay kada taon[3]

Ang pinakakaraniwang paraan ng panganganak ay sa pamamagitan ng ari.[4] May tatlo itong yugto: ang pagnipis at pagbuka ng sipit-sipitan sa unang yugto, ang pagbaba at pagsilang sa sanggol sa pangalawa, at ang paglabas ng inunan sa pangatlo.[13][14] Nagsisimula ang unang yugto sa paghilab ng tiyan at pananakit ng likod na tumatagal ng mga kalahating minuto at nagaganap kada 10 hanggang 30 minuto.[15][13] Patindi nang patindi ang sakit nito, habang padalas ito nang padalas.[14] Samantala, matatapos naman ang pangalawang yugto kung nailabas na nang buo ang sanggol. Sa pangatlong yugto, ang paglabas ng inunan, madalas rinerekomenda na wag munang paghugpungin ang talimpusod (Ingles: umbilical cord).[16] Rinerekomenda din ng mga pangunahing organisasyong pangkalusugan na pagkatapos na pagkatapos ng panganganak sa ari, o matapos na maging alerto at gising ang ina pagkatapos ng sesaryan, dapat mailagay ang sanggol sa dibdib ng kanyang ina, at iantala muna ang mga gawain nang isa o dalawang oras, o matapos matanggap ng sanggol ang kanyang unang pagdede.[17][18][19]

Madalas ipinapanganak ang mga sanggol nang una-ulo.[20] Gayunpaman, tinatayang nasa 4% naman ang ipinapanganak nang una-paa.[21][14] Tipikal na pumapasok ang ulo nang nakaharap sa isang bahagi, at saka iikot patalikod.[22] Tuwing nagle-labor, maaaring kumain at gumalaw-galaw ang inang manganganak kung gustuhin nila.[23] Makakatulong ang samu't saring mga paraan para sa mabawasan ang sakit, tulad ng mga pamamaraang pampakalma, opioid, at anistisyang panggulugod.[14] Bagamat karaniwan ang paggawa ng hiwa sa bukana ng ari (episotomiya), hindi ito kadalasang kinakailangan.[14] Tinatayang 18.5 milyon ang isinasagawang sesaryan kada taon.[24]

Kada taon, tinatayang 500,000 ang namatay na ina dahil sa mga komplikasyon na dulot ng pagdadalangtao at panganganak. Pitong milyong ina naman ang nagkaroon ng mga seryosong pangmatagalang problema, samantalang 50 milyong ina naman ang nagkaroon ng isang negatibong kinalabasan sa kanilang kalusugan pagkatapos nilang manganak.[3] Karamihan sa mga ito ay nangyayari sa mga bansang papaunlad pa lang.[3] Ilan sa mga komplikasyon sa ina ay ang labor dystocia, pagdurugong postpartum, eclampsia, at impeksyong postpartum.[3] Samantala, ang mga komplikasyong maaaring makuha ng sanggol ay ang kawalan ng oksiheno habang ipinapanganak, pisikal na trauma, kakulangan ng linggo sa sinapupunan, at impeksyon.[2][25]

Mga uri

baguhin

Natural

baguhin

Ang natural na panganganak ay ang panganganak sa pwerta ng ina nang walang tulong medikal (hal. pampamanhid o pampabilis ng pag-labor).[26] Ito ang pinakakaraniwang uri ng panganganak.[4][27] Madalas itong isinasagawa sa mga ospital sa modernong panahon; gayunpaman, may mga panganganak din na isinasagawa sa bahay, kadalasan sa tulong ng isang kumadrona.[8]

Tinutulungan

baguhin

Minsan, maaaring gumamit ang mga doktor ng kagamitan upang tulungan ang ina sa panganganak.

  • Maaaring gumamit ang mga doktor ng forceps, isang mala-kutsarang instrumento, upang kutsarahin ang ulo ng sanggol at tulungan itong mailabas sa pwerta.[26][8][27]
  • Maaari ding gumamit ang mga doktor ng vacuum upang mailabas ang sanggol. Sa prosesong ito, naglalagay ang doktor ng isang plastik na cup sa ulo ng sanggol upang dahan-dahang hilahin ito.[26][8][27]
  • Pwede ring magsagawa ang mga doktor ng episotomiya, bagamat hindi na ito iminumungkahing gawin. Dito, gagawa ng hiwa ang doktor sa perineum (tisyu sa pagitan ng pwerta at sa butas ng puwit).[27] Noon, inakala ng mga doktor na pinipigilan nito ang malaking punit sa pwerta ng ina tuwing nanganganganak, ngunit iminumungkahi ng mga bagong pag-aaral na hindi ito totoo.[26][14]
  • Pwede ring isagawa ng mga doktor ang amniotomiya. Sa prosesong ito, gagamit ang doktor ng isang maliit na plastik na kawit para butasin ang panubigan.[26][27]
  • Kung gustuhin man ng ina, maaari ding artipisyal na simulan ng mga doktor ang pagle-labor.[26] Mas masakit ang pagle-labor kumpara sa natural na proseso.[28] Mas mabilis din ito at mas matindi. Kaya naman, rinerekomenda lamang ito para sa ilang mga sitwasyon: halimbawa, kung lagpas na sa linggo, pumutok na ang panubigan kahit hindi pa nagsisimula ang labor, may kondisyon sa kalusugan ang ina, at kung kambal o higit pa ang ipanganganak.[27]

Sesaryan

baguhin

May mga pagkakataon na imposible o delikado sa ina na manganak nang natural, kaya kinakailangan magsagawa ang mga doktor ng sesaryan. Dito, gumagawa ng pahalang na hiwa ang doktor sa ibabang bahagi ng tiyan ng ina.[8] Ilan sa mga dahilan ang mga sumusunod:[26][27]

  • Una-paa ang posisyon ng sanggol sa sinapupunan.
  • Masyadong malaki ang sanggol upang magkasya sa balakang.
  • Maraming dinadalang sanggol ang ina.
  • Hindi umuusad ang pagle-labor.
  • Sumailalim ang ina sa sesaryan nung nakaraan.

Senyales at sintomas

baguhin
 
Isang pibulang tansong luristan na nagpapakita sa isang babaeng nanganganak sa pagitan ng dalawang antilope. Mula sa Panahon ng Bakal sa Iran (1000 – 650 BK). Nasa Museo ng Louvre ito ngayon.

Ang pinakamatibay na senyales ng nagsisimula na ang pagle-labor ay ang paulit-ulit na paghilab ng sinapupunan. Iba-iba ang naiuulat na antas ng sakit na nararamdaman ng mga nagle-labor na ina.[15] Mukhang dumedepende ito sa antas ng takot at pangamba ng ina, mga karanasan sa nakaraang panganganak, mga ideya ng kultura tungkol sa sakit ng panganganak, paggalaw tuwing nagle-labor, at suportang natatanggap tuwing nagle-labor.[29][30] Mas importante sa karanasan ng inang nagle-labor ang mga personal na inaasahan, suportang galing sa mga tagapangalaga, kalidad ng relasyon sa pagitan ng pasyente at ng tagapangalaga, at pakikilahok sa pagdedesisyon, kesa sa ibang mga salik tulad ng edad, katayuan sa buhay, etnisidad, paghahanda, pisikal na kapaligiran, sakit, hindi paggalaw, o interbensiyong medikal.[31]

Normal na panganganak

baguhin
 
Mga yugto ng isang normal na panganganak.

May dalawang paa ang tao, na ginagamit niya sa pagtayo. Dahil dito, ang mga organo sa loob ng katawan ay natural na nagbibigay ng bigat sa lapag ng balakang (Ingles: pelvic floor). Komplikadong istraktura ito, at para sa mga babae, kailangan nitong suportahan ang tatlong lagusan bukod sa bigat na binanggit kanina: ang uretra, pwerta, at tumbong. Kinakailangang sumailalim sa isang tiyak na pagkakasunud-sunod ng maniobra ang ulo at balikat ng sanggol para makalabas ito.

Narito ang pitong yugto ng isang tipikal na paglabas na una-ulo (Ingles: cephalic presentation):[22]

  1. Pagkabit (engagement): nakapasok na ang pinakamalawak na bahagi ng ulo ng sanggol sa balakang. Maaaring mangyari ito sa ika-36 linggo ng pagdadalangtao, pero pwede rin itong mangyari sa dulo nito, o kahit maging sa kasagsagan ng pagle-labor.[22]
  2. Pagbaba (descent): patuloy na bumababa ang ulo ng sanggol sa balakang.
  3. Pagbaluktot (flexion): habang bumababa, babaluktot ang ulo ng sanggol para dumikit ang baba nito sa dibdib upang dumali ang pagbaba.
  4. Paloob na ikot (internal rotation): halos siguradong iikot ang ulo para maging nasa baba lang ng buto ng balakang ang likod ng ulo ng sanggol, upang magkasya ito sa hugis ng buto ng balakang. Nakaharap kadalasan ang sanggol sa gulugod ng ina. Minsan, iikot din ito upang humarap sa buto ng balakang. Habang nagaganap ang mga galaw na ito, mananatili sa posisyon ang katawan.
  5. Pagpapahaba (extension): habang lumalapit ang sanggol sa pwerta, kadalasang nakadikit ang ulo nito sa buto ng balakang. Sa puntong ito, kukurba pataas ang pwerta, at dapat pahabain pabalik ang ulo. Iikot ito nang iikot sa paligid ng buto ng balakang.
  6. Palabas na ikot (external rotation): habang lumalabas ang ulo ng sanggol, iikot ito nang bahagya (mga 45°) upang luminya ito sa katawan niya.
  7. Paglabas (expulsion): pagkatapos lumabas nang tuluyan ang ulo, lalabas ang balikat. Kadalasang madali na lang ang paglabas ng natitirang bahagi ng katawan.

Ang relasyon ng nakalabas na bahagi ng sanggol sa siyatikang gulugod (Ingles: ischial spine) ay tinatawag na istasyon (Ingles: station). Kung kapantay ng ulo ng sanggol ang siyatikang gulugod, ang istasyon nito ay 0.[22] Samantala, kung ang ulo ay nasa ibabaw ng siyatikang gulugod, iuulat ang isang negatibong bilang mula -1 hanggang -4[32] o -5,[22] depende sa kung ilang sentimetro ang layo nito mula sa naturang gulugod. Kung lagpas na ang ulo mula rito, iuulat naman ang isang positibong bilang. Ang istasyon na +3 at +4 ay nasa perineum at makikita na.[32]

Maaaring magbago pansamantala ang hugis ng ulo ng sanggol (nagiging mahaba) habang dumadaan ito sa sipit-sipitan. Tinatawag itong paghuhulma (Ingles: molding), at kitang-kita ito sa mga babae sa kanilang unang panganganak.[33]

Ang paghinog ng sipit-sipitan (Ingles: cervical ripening) ay ang mga pagbabagong pisikal at kemikal sa sipit-sipitan upang ihanda ito sa pagbanat na mangyayari sa pagbaba ng sanggol mula sa sinapupunan. Ginagamit ang iskor na Bishop para husgaan ang antas ng paghinog para matantya kung kailan magaganap ang pagle-labor at paglabas ng sanggol o para sa mga babaeng posibleng manganak nang maaga. Bukod rito, ginagamit rin ito upang husgaan kung kailan tutugon ang isang babae sa simula ng pagle-labor para sa isang panganganak na lagpas sa araw o para sa ibang mga dahilang medikal. Maraming paraan upang simulan ang paghinog na magpapahintulot sa paghilab ng sinapupunan na tuluyang ibuka ang sipit-sipitan.[34]

Pagsisimula ng pagle-labor

baguhin
 
Mga hormone habang nagle-labor.

Kadalasang nagsisimula ang pagle-labor kapag may regular na paghilab sa sinapupunan kada anim[35] hanggang sampung minuto,[36] at may ebidensya na nagsisimula na'ng bumuka at numipis ang sipit-sipitan sa pagitan ng mga pagsusuri.[35] Tumitindi nang tumitindi ang pagbuka at pagnipis na ito,[36] at may nararanasang di bababa sa tatlong masasakit na paghilab sa loob ng sampung minuto, na tumatagal ng mga 45 segundo.[37] Samantala, maraming mga babae ang nakakaranas ng tinatawag na "nesting instinct." Nag-uulat din sila pagtaas ng enerhiya bago sila mag-labor.[38] May iilan din na nakakaranas ng pagtaas sa inilalabas ng pwerta ilang araw bago magsimula ang pagle-labor. Tinatawag itong "mucus plug," isang makapal na uhog (Ingles: mucus) na humaharang sa bukana ng pwerta. Maaari itong lumabas ilang araw bago o habang nagle-labor.[38] Maaaring makaramdam ang isang ina ng mga paghilab ilang linggo bago siya manganak; ito ay ang paghilab na Braxton Hicks, na karaniwang hindi masakit kumpara sa totoong simula ng pagle-labor.[39][15][40] Ang tunay na simula ng pagle-labor ay may regular na pagitan kumpara sa mga paghilab na Braxton Hicks.[39] Pasakit din ito nang pasakit. Lalabasan ng dugo ang ari ng ina dahil sa unti-unting pagbuka ng sipit-sipitan.[39] [15][40] Sa puntong ito, pinapayuhan na idala na agad ang ina sa ospital.[15] Bukod sa pagdurugo, puputok rin ang panubigan (Ingles: amniotic sac).[39][40][38] Kapag nangyari ito, kinakailangan na talagang idala ang ina sa ospital kahit na wala pa siyang nararamdamang paghilab, upang makaiwas sa komplikasyon na maaaring maidulot nito.[15][38]

Senyales din ang paglabo ng paningin, pagsakit ng ulo, at pagbawas sa galaw o pagsipa ng sanggol sa sinapupunan.[15] Makakahinga rin ang ina nang mas maluwag dahil sa pagbaba ng sanggol at paglaki ng espasyo.[38] Dadalas din ang pag-ihi niya, dahil sa pag-ipit sa pantog.[40][38] Tinatawag itong paggaan (Ingles: lightening), at maaari itong maranasan ng isang buntis ilang linggo o habang nagle-labor.[38]

Mga yugto

baguhin

May tatlong yugto ang panganganak: pag-labor, pagluwal sa sanggol, at paglabas sa inunan.[41] Madalas din isinasama ang pagrekober ng ina bilang ang ikaapat na yugto nito.[42] Depende sa pagpapakahulugan, hinahati naman ang unang yugto nito sa dalawa: nakatago at aktibo.[43][44]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Lunze K, Bloom DE, Jamison DT, Hamer DH (Enero 2013). "The global burden of neonatal hypothermia: systematic review of a major challenge for newborn survival" [Ang pandaigdigang pasakit ng neonatal hypothermia: sistematikong rebyu sa isang matinding hamon para sa pagkabuhay ng bagong panganak]. BMC Medicine (sa wikang Ingles). 11 (1): 24. doi:10.1186/1741-7015-11-24. PMC 3606398. PMID 23369256.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Martin, Richard J.; Fanaroff, Avroy A.; Walsh, Michele C. (2014). Fanaroff and Martin's Neonatal-Perinatal Medicine: Diseases of the Fetus and Infant [Medisinang Neonatal-Perinatal nina Fanaroff at Martin: Mga Sakit ng Fetus at Sanggol] (sa wikang Ingles). Elsevier Health Sciences. p. 116. ISBN 978-0-323-29537-6. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 11, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Education material for teachers of midwifery: midwifery education modules [Materyales sa edukasyon para sa mga guro ng pangungumadrona: mga modyul sa edukasyon sa pangungumadrona] (PDF) (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Geneva, [Suwisa]: Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. 2008. p. 3. ISBN 978-92-4-154666-9. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Memon, Hafsa U.; Handa, Victoria L. (Mayo 2013). "Vaginal childbirth and pelvic floor disorders" [Panganganak sa pamamagitan ng ari at mga karamdaman sa balakang]. Women's Health (sa wikang Ingles). 9 (3): 265–77, quiz 276–77. doi:10.2217/whe.13.17. PMC 3877300. PMID 23638782.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Martin, Elizabeth (2015). Concise Colour Medical l.p.Dictionary (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 375. ISBN 978-0-19-968799-2. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 11, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The World Factbook". www.cia.gov (sa wikang Ingles). Hulyo 11, 2016. Nakuha noong Enero 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "panganganak". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong Disyembre 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 Oberg, Erica (Nobyembre 30, 2020). Cunha, John P. (pat.). "7 Childbirth Delivery Methods and Types" [7 Paraan at Uri ng Panganganak]. MedicineNet (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Number of births per year" [Bilang ng ipinapanganak kada taon]. The World Counts (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Registered Live Births in the Philippines, 2019" [Narehistrong Kapanganakan sa Pilipinas, 2019]. Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (sa wikang Ingles). Enero 27, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 4, 2021. Nakuha noong Disyembre 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Preterm birth". Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (sa wikang Ingles). Pebrero 19, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 22, 2021. Nakuha noong Disyembre 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Buck, Germaine M.; Platt, Robert W. (2011). Reproductive and perinatal epidemiology [Epidemiyolohiyang reproduktibo at perinatal] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Oxford University Press. p. 163. ISBN 978-0-19-985774-6. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 11, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Birth" [Panganganak]. The Columbia Electronic Encyclopedia (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). Columbia University Press. 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2016. Nakuha noong Disyembre 27, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Encyclopedia.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 14.5 "Pregnancy Labor and Birth" [Pagle-labor sa Pagdadalangtao at Panganganak]. Women's Health (sa wikang Ingles). Setyembre 27, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 15.4 15.5 15.6 Valle, Jocelyn (Hulyo 19, 2021). "3 Signs Of Labor Na Malapit Ka Nang Manganak". Smart Parenting. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2021. Nakuha noong Enero 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. McDonald, Susan J.; Middleton, Philippa; Dowswell, Therese; Morris, Peter S. (Hulyo 2013). "Effect of timing of umbilical cord clamping of term infants on maternal and neonatal outcomes" [Epekto ng tyempo ng paghugpong ng talimpusod ng mga sanggol sa mga resultang maternal at neonatal]. The Cochrane Database of Systematic Reviews (sa wikang Ingles). 7 (7): CD004074. doi:10.1002/14651858.CD004074.pub3. PMC 6544813. PMID 23843134.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Phillips, Raylene. "Uninterrupted Skin-to-Skin Contact Immediately After Birth" [Tuloy-tuloy na Balat sa Balat Agad Pagkapanganak]. Medscape (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2015. Nakuha noong Disyembre 27, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Essential Antenatal, Perinatal and Postpartum Care" [Mahahalagang Pangangalagang Antenatal, Perinatal, at Postpartum] (PDF). Promoting Effective Perinatal Care (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Setyembre 24, 2015. Nakuha noong Disyembre 27, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Care of healthy women and their babies during childbirth" [Pangangalaga sa mga malulusog na ina at ang kanilang mga sanggol tuwing panganganak]. National Collaborating Centre for Women's and Children's Health (sa wikang Ingles). National Institute for Health and Care Excellence. Disyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 12, 2015. Nakuha noong Disyembre 27, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo February 12, 2015[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  20. "Fetal Positions for Birth" [Mga Posisyon ng Sanggol sa Panganganak]. Cleveland Clinic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 20, 2021. Nakuha noong Disyembre 31, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Hofmeyr, G. Justus; Hannah, Mary; Lawrie, Theresa A. (Hulyo 21, 2015). "Planned caesarean section for term breech delivery" [Nakaplanong sesaryan para sa mga manganganak nang una paa]. The Cochrane Database of Systematic Reviews (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons, Ltd. (7): CD000166. doi:10.1002/14651858.CD000166.pub2. PMC 6505736. PMID 26196961.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 "Your baby in the birth canal" [Ang sanggol mo sa sipit-sipitan]. Medline Plus. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2021. Nakuha noong Disyembre 31, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Childbirth: Labour, Delivery and Immediate Postpartum Care [Panganganak: Pagle-labor, Pagsilang at Agarang Pangangalagang Postpartum] (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. 2015. Chapter D. ISBN 978-92-4-154935-6. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 11, 2017. Nakuha noong Disyembre 31, 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Gibbons, Luz; Belizán, José M.; Lauer, Jeremy A.; Betrán, Ana P.; Merialdi, Mario; Althabe, Fernando (2010). The Global Numbers and Costs of Additionally Needed and Unnecessary Caesarean Sections Performed per Year: Overuse as a Barrier to Universal Coverage [Ang mga Pandaigdigang Bilang at Gastos ng Karagdagang Kakailanganin at Di-kinakailangang Sesaryan na Ginagawa Kada Taon: Sobrang Paggamit bilang isang Hadlang tungo sa Unibersal na Saklaw] (PDF). World Health Report (Ulat) (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. We calculated that approximately 18.5 million cesarean sections are performed yearly worldwide. (Nakalkula namin na tinatayang 18.5 milyon sesaryan ang ginagawa taon-taon sa buong mundo.){{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Newborns: reducing mortality" [Mga Bagong Panganak: pagpapababa sa mortalidad] (sa wikang Ingles). Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2017. Nakuha noong Enero 1, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 26.2 26.3 26.4 26.5 26.6 "Types of Childbirth" [Mga Uri ng Panganganak]. WebMD. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 25, 2022. Nakuha noong Pebrero 4, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 27.5 27.6 "Pregnancy: Types of Delivery" [Panganganak: Mga Uri ng Pagsilang]. Cleveland Clinic. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 20, 2022. Nakuha noong Pebrero 4, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Induced labour" [Sapilitang pagle-labor]. Pregnancy, Birth, and Baby. Nakuha noong Pebrero 4, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Weber, Sandy E. (Enero 1996). "Cultural aspects of pain in childbearing women" [Mga aspetong pangkultura ng sakit sa mga babaeng nagdadalangtao]. Journal of Obstetric, Gynecologic, and Neonatal Nursing (sa wikang Ingles). 25 (1): 67–72. doi:10.1111/j.1552-6909.1996.tb02515.x. PMID 8627405. Nakuha noong Enero 2, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Callister, Lynn Clark; Khalaf, Inaam; Semenic, Sonia; Kartchner, Robin; Vehvilainen-Julkunen, Katri (Disyembre 2003). "The pain of childbirth: perceptions of culturally diverse women" [Ang sakit ng panganganak: mga pagtingin ng mga babaeng mula sa iba't ibang kultura]. Pain Management Nursing (sa wikang Ingles). 4 (4): 145–54. doi:10.1016/S1524-9042(03)00028-6. PMID 14663792. Nakuha noong Enero 2, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Hodnett, Ellen D. (Mayo 2002). "Pain and women's satisfaction with the experience of childbirth: a systematic review" [Sakit at satispaksyon ng babae sa karanasan sa panganganak: isang sistematikong rebyu]. American Journal of Obstetrics and Gynecology (sa wikang Ingles). 186 (5 Suppl Nature): S160-72. doi:10.1016/S0002-9378(02)70189-0. PMID 12011880. Nakuha noong Enero 2, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 Pillitteri, Adele (2010). "Chapter 15: Nursing Care of a Family During Labor and Birth". Maternal & Child Health Nursing: Care of the Childbearing & Childrearing Family [Pag-aalaga sa Kalusugan ng Ina & Bata: Pangangalaga sa Pamilya ng Manganganak at Magpapalaki] (sa wikang Ingles). Hagerstown, Maryland: Lippincott Williams & Wilkins. p. 350. ISBN 978-1-58255-999-5. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 28, 2014. Nakuha noong Enero 4, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Types of Forceps Used in Delivery" [Mga Uri ng Forcep na Ginagamit sa Pagpapalabas]. Healthline (sa wikang Ingles). Healthline Networks. Marso 15, 2012. Nakuha noong Enero 5, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Goldberg, Aaron E. (Marso 2, 2018). Smith, Carl V. (pat.). "Cervical Ripening" [Paghinog ng Sipit-sipitan]. Medscape (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 5, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 Kupferminc, M.; Lessing, J.B.; Yaron, Y.; Peyser, M.R. (Disyembre 1993). "Nifedipine versus ritodrine for suppression of preterm labour" [Nifedipine laban sa ritodrine para sa pagpigil sa maagang pag-labor]. British Journal of Obstetrics and Gynaecology (sa wikang Ingles). 100 (12): 1090–94. doi:10.1111/j.1471-0528.1993.tb15171.x. PMID 8297841. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2022. Nakuha noong Enero 9, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo January 9, 2022[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  36. 36.0 36.1 Jokic, Mickael; Guillois, Bernard; Cauquelin, Brigitte; Giroux, jean Dominique; Bessis, Jean Louis; Morello, Rémy; Levy, Gérard; Ballet, Jean Jacques (Agosto 12, 2005). "Fetal distress increases interleukin-6 and interleukin-8 and decreases tumour necrosis factor-alpha cord blood levels in noninfected full-term neonates" [Pinapataas ng pagkabalisa ng sanggol ang interleukin-6 at interleukin-8 at pinapababa ang factor-alpha cord blood level sa tumour necrosis para sa mga di-nahawaang bagong silang na full-term]. BJOG (sa wikang Ingles). 107 (3): 420–25. doi:10.1111/j.1471-0528.2000.tb13241.x. PMID 10740342. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2022. Nakuha noong Enero 9, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo January 9, 2022[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  37. Lyrenäs, Sven; Clason, Ingegerd; Ulmsten, Ulf (Disyembre 22, 2003). "In vivo controlled release of PGE2 from a vaginal insert (0.8 mm, 10 mg) during induction of labour" [Kontroladong paglabas na in vivo ng PGE2 mula sa isang vaginal insert (0.8 mm, 10 mg) habang nagle-labor]. BJOG (sa wikang Ingles). 108 (2): 169–78. doi:10.1111/j.1471-0528.2001.00039.x. PMID 11236117. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2022. Nakuha noong Enero 9, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo January 9, 2022[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  38. 38.0 38.1 38.2 38.3 38.4 38.5 38.6 "Labor and delivery, postpartum care" [Pagle-labor at delivery, pangangalagang postpartum]. Mayo Clinic (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 10, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 39.0 39.1 39.2 39.3 "What to Expect During a Vaginal Delivery" [Ano-ano ang Dapat Asahan sa Panganganak sa Ari]. Healthline (sa wikang Ingles). Abril 18, 2018. Nakuha noong Enero 3, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. 40.0 40.1 40.2 40.3 Manlapaz, Irish Mae. "#AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery". The Asian Parent. Nakuha noong Enero 3, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Stages of labor and birth: Baby, it's time!" [Mga Yugto ng pagle-labor at panganganak: Baby, oras na!]. Mayo Clinic (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Radhakrishnan, Rohini. "What Are the 4 Stages of Labor?" [Ano ang 4 na Yugto ng Pagle-labor?]. MedicineNet (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Giacalone, Pierre Ludovic; Vignal, Jacques; Daures, Jean Pierre; Boulot, Pierre; Hedon, Bernard; Laffargue, François (Agosto 12, 2005). "A randomised evaluation of two techniques of management of the third stage of labour in women at low risk of postpartum haemorrhage" [Isang naka-randomisang ebalwasyon sa dalawang paraan ng pamamahala sa ikatlong yugto ng pagle-labor ng mga babaeng nasa panganib ng pagdurugong postpartum]. BJOG: An International Journal of Obstetrics & Gynaecology (sa wikang Ingles). 107 (3): 396–400. doi:10.1111/j.1471-0528.2000.tb13236.x. PMID 10740337. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 13, 2022. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo January 13, 2022[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  44. Hantoushzadeh, Sedigheh; Alhusseini, Navid; Lebaschi, Amir Hussein (Enero 27, 2007). "The effects of acupuncture during labour on nulliparous women: a randomised controlled trial" [Mga epekto ng acupuncture tuwing nagle-labor ang mga babaeng di pa nanganganak: isang naka-randomisang kontroladong trial]. The Australian & New Zealand Journal of Obstetrics & Gynaecology (sa wikang Ingles). 47 (1): 26–30. doi:10.1111/j.1479-828X.2006.00674.x. PMID 17261096. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 13, 2022. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo January 13, 2022[Date mismatch], sa Wayback Machine.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.