Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024

palaro ng ika-XXXIII Olimpiyada, na gaganapin sa Paris, Pransya

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2024, opisyal na kinilala bilang Palaro ng Ika-XXXIII Olimpiyada, (Pranses: Jeux olympiques d'été de 2024), (French: Jeux de la XXXIIIe Olympiade) at kinilala din bilang Paris 2024, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang maisagawa mula 26 Hulyo – 11 Agosto 2024 sa lungsod ng Paris, Pransya.[1] Nahalal ang lungsod na ito bilang tagapamahala noong 13 Setyembre 2017 sa ika-131 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Lima, Peru.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024
Palaro ng XXXIII Olimpiyada

Punong-abalaParis, Pransiya
Salawikain
  • Made for sharing
  • Binuo upang ibahagi
  • (Pranses: Venez partager)
Seremonya
Binuksan26 Hulyo (Biyernes)
Sinara11 Agosto (Linggo)
EstadyoStade de France
Kronolohiya
Tag-initNakaraan
2020 Tokyo
Susunod
2028 Los Angeles
TaglamigNakaraan
2022 Beijing
Susunod
2026 Milano-Cortina

Ginanapan ng mga dating Palarong Olimpiko sa tag-init noong 1900 at 1924, ang Paris ay magiging pangalawang lungsod na gaganapan ng Palarong Olimpiko nang tatlong beses, pagkatapos ng Londres (1908, 1948 at 2012). Ang 2024 ay ang tanda ng sentenaryo o dantaon ng Palaro ng Paris noong 1924, at masasaksihan ang ikaanim na Palarong Olimpiko na gaganapin sa Pransya (tatlo bawat tag-init at taglamig.)

Ang proseso ng anyaya

baguhin

Ang mga lungsod ng Paris, Los Angeles, Boston, Budapest, Hamburg at Roma ang limang opisyal na kandidato sa pagka-punong-abalang lungsod. Nalampasan ng Boston ang Los Angeles, San Francisco, at Washington, D.C. sa opisyal na pag-anyaya sa Estados Unidos. Noong 27 Hulyo 2015, nagkasundo ang Boston at ang USOC na wakasan ang pag-anyaya ng Boston sa pagka-punong abalang lungsod ng Mga Laro, na bahagyang dahil sa magkahalong damdamin sa lungsod ng Boston. Binawi ng Hamburg ang pag-anyaya nito noong 29 Nobyembre 2015 matapos magsagawa ng isang reperendo. Binawi rin ng Roma noong 21 Setyembre 2016 ang kanilang pag-aanyaya dahil sa paghihirap sa pananalapi.[2] Bumitaw rin ang Budapest ay noong 22 Pebrero 2017 pagkatapos ng petisyon laban sa pag-anyaya ng lungsod, na nakakolekta ng higit pang mga lagda kaysa sa kinakailangan para sa isang reperendo.[3][4][5]

Kasunod ng mga pagbitiw na ito, nagpulong ang Lupong Tagapagpaganap ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) noong 9 Hunyo 2017 sa Lausanne, Suwisa, upang talakayin ang mga proseso ng pag-anyaya para sa Palarong Olimpiko sa taong 2024 at 2028.[6][7] Pormal na iminungkahi ng IOC na ihalal ang mga punong abalang lungsod para sa Palarong Olimpiko sa 2024 at 2028 nang sabay noong 2017, isang panukala na inaprubahan ng Extraordinary IOC Session noong 11 Hulyo 2017 sa Lausanne.[8] Inayos ng IOC ang proseso kung saan nakipagpulong sa IOC ang komite sa pag-anayaya ng LA 2024 at Paris 2024 upang talakayin kung aling lungsod ang mangunguna para sa taong 2024 at 2028, at kung posible bang piliin ang punong-abalang lungsod para sa parehong oras.

Kasunod ng desisyon na parangalin ang dalawang lungsisd nang sabay-sabay, ang lungsod ng Paris ang mas gustong magiging punong-abalang lungsod ng IOC para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024. Noong 31 Hulyo 2017, inihayag ng IOC ang Los Angeles bilang ang nag-iisang kandidato para sa 2028,[9][10] na nagbibigay-daan sa Paris na makumpirma bilang punong-abalang lungsod para sa 2024. Ang parehong mga desisyon ay Niratipikahan ang mga desisyon sa ika-131 Sesyon ng IOC 13 Setyembre 2017.[11]

Pag-unlad at paghahanda

baguhin
 
Stade de France

Mga lugar

baguhin

Karamihan sa mga kaganapan sa Palarong Olimpiko ay gaganapin sa at sa paligid ng Paris, kabilang ang mga mga kalapit na lungsod ng Saint-Denis, Le Bourget, Nanterre, Versailles, at Vaires-sur-Marne.[12]

Ginanap ang paunang kompetisyon ng basketbol at pangwakas na kompetisyon ng handball sa Lungsod ng Lille na 225 km (140 mi) mula sa punong-abalang lungsod; ginanap sa lungsod ng Marsella ang mga laro sa paglalayag at ilang mga laro para sa putbol na 777 km (483 mi) mula sa Paris; samantala, ang mga kaganapan para sa pag-surf ginanap sa Teahupo'o sa French Polynesia na 15,716 km (9,765 mi) mula sa Paris.

Gaganapin din ang putbol sa karagdagang limang lungsod: Burdeos, Décines-Charpieu (Lyon), Nantes, Niza and Saint-Étienne.

Sona ng Grand Paris

baguhin
Venue Events Capacity Status
Stade de France Seremonya ng Pagbubukas at Pagsasara 78,338 Existing
Athletics
Saint-Denis Aquatics (paglalangoy, makasining na paglalangoy)
Makabagong Pentatlon (paglalangoy)
15,000 Temporary
Aquatics (water polo, diving) 5,000 Additional
Paris La Défense Arena[a] Himnastika (artistic and trampoline)
Handball (finals)
15,220 Existing
Stade Olympique Colombes Yves-du-Manoir Haki sa parang (in 2 courts) 10,000 and 5,000 Renovated
Le Zénith Handball (preliminaries, quarterfinals)
Gymnastics (rhythmic)
6,293 Existing
Palais des sports Marcel-Cerdan Basketball (women's preliminaries)
Modern Pentathlon (fencing)
4,000 Existing
Palais des Sports Maurice Thorez Basketball 3x3 4,000 Existing
Le Bourget Shooting 3,000 Temporary
Notes
  1. The local organizing committee uses the non-sponsored name Arena 92, which was the venue's name during its initial planning phase. By the time it opened in 2017, the name had changed to U Arena, also non-sponsored, and then to the current Paris La Défense Arena in 2018 through a sponsorship deal.

Sona ng Paris Centre

baguhin
 
Champs de Mars
 
Grand Palais
 
Les Invalides
 
Stade Roland Garros
Venue Events Capacity Status
Parc des Princes Football 61,000 Existing
Stade Roland Garros Court Philippe Chatrier with retractable roof)
Tennis (preliminaries, main games and finals)
Volleyball (finals)
15,000 Existing
Court Suzanne Lenglen (with temporary roof)
Boxing
10,000
Court Simonne Mathieu and secondary courts (outdoor preliminaries)
Tennis
9,000 (5,000+2,000+8x250)
Paris-Bercy Arena Basketball (men's preliminaries) 7,500 Existing
Wrestling
Basketball 15,000
Judo
Stade Jean-Bouin Rugby 20,000 Existing
Champ de Mars Beach volleyball 12,000 Temporary
Badminton 6,000
Seine Marathon (starting point) 13,000
(3,000 sitting)
Temporary
Racewalking (starting point)
Marathon swimming
Triathlon (swimming)
Paris expo Porte de Versailles Sport climbing 6,000 Temporary
Table tennis 6,000
Champs-Élysées Road cycling (finish) 10,000 Temporary
Skateboarding
Marathon (finish)
Racewalking (finish)
Triathlon (cycling and running)
Grand Palais Fencing 8,000 Existing
Taekwondo
Halle Georges Carpentier Volleyball (men's preliminaries) 8,000 Renovated/Expanded
Les Invalides Archery 6,000 Temporary
Stade Pierre de Coubertin Volleyball (women's preliminaries) 4,836 Existing
Dôme de Paris Weightlifting 4,600 Existing

Sona ng Versailles

baguhin
 
Le Golf National
 
Vélodrome de Saint-Quentin-en-Yvelines
 
Château de Versailles
 
Vaires-Torcy Nautical Center
Venue Events Capacity Status
Château de Versailles Equestrian (dressage, jumping, eventing cross country) and cycling (road start) 80,000
(22,000 + 58,000)
Temporary
Modern pentathlon (excluding swimming and fencing)
Le Golf National Golf 35,000 Existing
Élancourt Hill Mountain biking 25,000 Existing
Vélodrome de Saint-Quentin-en-Yvelines Track cycling 10,000 (2 x 5,000) Existing
BMX (racing and freestyle)

Mga lugar sa ibang sona

baguhin
 
Marseille
Venue Events Capacity Status
Vaires-sur-Marne Rowing 22,000 Existing
Kayak
Canoe slalom
Marseille Sailing 5,000 Existing

Non-competitive venues

baguhin
Venue Events Capacity Status
L'Île-Saint-Denis Olympic Village 17,000 Additional
Le Bourget Media Village
Temporary
International Broadcast Centre
Main Press Centre

Provisional football venues

baguhin
 
Parc Olympique Lyonnais

Ang mga palaro

baguhin

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Butler, Nick (7 Pebrero 2018). "Paris 2024 to start week earlier than planned after IOC approve date change". insidethegames.biz. Nakuha noong 7 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Rome 2024 Olympic bid collapses in acrimony". BBC News (sa wikang Ingles). 21 Setyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2016. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "2024 Olympics: Budapest to drop bid to host Games". BBC Sport (sa wikang Ingles). 22 Pebrero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mather, Victor (22 Pebrero 2017). "Budapest Withdraws Bid to Host 2024 Summer Olympics". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wharton, David (22 Pebrero 2017). "Budapest to withdraw bid for 2024 Olympics, leaving L.A. and Paris as only contenders". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2017. Nakuha noong 22 Pebrero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Meeting of the IOC Executive Board in Lausanne – Information for the media". Olympic.org (sa wikang Ingles). 19 Mayo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hunyo 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Butler, Nick (9 Hunyo 2017). "IOC Executive Board approve joint awarding plans for 2024 and 2028 Olympics". Inside the Games (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Butler, Nick (9 Hunyo 2017). "IOC Executive Board approve joint awarding plans for 2024 and 2028 Olympics". Inside the Games (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Los Angeles Declares Candidature for Olympic Games 2028– IOC to Contribute USD 1.8Billion to the Local Organising Committee". IOC. 31 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Wharton, David (31 Hulyo 2017). "Details emerge in deal to bring 2028 Summer Olympics to Los Angeles". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Paris set to host 2024 Olympics, Los Angeles to be awarded 2028 Games by IOC". ABC News (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2022. Nakuha noong 26 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Paris 2024 Competition Venue Concept Map". Paris 2024 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Marso 2024. Nakuha noong 18 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin
Sinundan:
Tokyo
Palarong Olimpiko sa Tag-init
Paris

Ika-XXXIII Olimpiyada (2024)
Susunod:
Los Angeles