Pari (mitolohiya)
Ang mga pari (Persa (Persian): پری, [pæɾi]) sa mitolohiyang Persa (Persian) ang mga inapo ng "bumagsak na mga anghel" (fallen angel sa Ingles) na ipinagbawalang makapasok sa paraiso hanggang makapagpenitensiya sila. Inilalarawan sila sa mitolohiya bilang mga maririkit ngunit masasamang babae na paunti-unting naging di-gaanong kasama at mas maganda hanggang itinuring na sila sa panahong Islamiko bilang tanda ng ganda similar sa mga huri ng Islam. Naaantas ang mga pari sa pagitan ng mga anghel at mga masasamang ispiritu. Minsan nilang dinadalaw ang daigdig ng mga mortal.
Ang mga pari ang laging kinakaaway ng mga masaaasamang anitong ng mas mababang antas na tinatawag na div, na inuusig sila sa pamamagitan ng pagbilanggo sa mga bakal na kulungan. Ang pang-uusig na ito ay buhat, sa pananaw ng mga div, sa kakulangan ng sapat na pagpapahalaga sa sarili upang makisanib sa pag-aalsa laban sa mabuti.
Ang Pari ay isang pangalang Persa (Persian) at Turko para sa mararaming babae. Isa ring pangalan ng marami ang Perihan sa Turko, na nangangahulugang "reyna ng mga engkanto", at Peri, na ang kahulugan ay 'engkanto.'
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.