Lobong parietal

(Idinirekta mula sa Parietal na lobo)

Ang parietal na lobo (Ingles: parietal lobe) ang bahagi ng utak na nakaposisyon sa itaas(superior) sa lobong oksipital at likod(posterior) sa harapang lobo. Ang parietal na lobo ay nagsasama ng mga pandamang impormasyon mula sa iba't ibang pandamang modalidad partikular ang pagtukoy sa pandamang pang-espasyo at nabigasyon. Halimbawa, ito ay binubo ng somatosensoryang korteks at dorsal stream ng sistemang biswal(paningin). Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga rehiyon ng parietal korteks upang imapa ang mga bagay na natanto sa mga posisyong koordinado ng katawan.

Utak: Mga lobong parietal
Principal fissures and lobes of the cerebrum viewed laterally. (Parietal Lobe is shown in yellow)
Lateral surface of left cerebral hemisphere, viewed from the side. (Parietal Lobe is shown in orange.)
Latin lobus parietalis
Gray's subject #189 822
Part of Cerebrum
Artery Anterior cerebral
Middle cerebral
Vein Superior sagittal sinus
NeuroNames hier-77
MeSH Parietal+Lobe
NeuroLex ID birnlex_1148

Anatomiya

baguhin
 
Animasyon. Parietal na lobo(pula) ng kaliwang cerebral na hemispero.

Ang parietal na lobo ay inilalarawan ng tatlong mga hangganang anatomika: ang sentral na sulcus ay humihiwalay sa parietal na lobo mula sa harapang lobo; ang parieto-occipital sulcus ay humihiwalay sa parietal at lobong oksipital; ang lateral sulcus (biyak na sylvian) ang pinaka lateral na hangganang humihiwalay dito mula sa temporal na lobo; at ang biyak na medial longhitudinal na humahati sa dalawang hemisperong serebral.

Ang agad na posterial sa sentral na sulcus at ang pinaka anterior na bahagi ng parietal na lobo ang postsentral na gyrus (Brodmann area 3), ang pangalawang somatosensoryang kortikal na area. Ang humhati dito at sa posterior parietal na korteks ang postsentral na sulcus.

Ang posterior parietal na korteks ay maaari pang hatiin sa superior parietal lobula (Brodmann areas 5 + 7) at inperyor parietal lobula (39 + 40), na hinihiwalay ng intraparietal sulcus (IPS). Ang intraparietal sulcus at katabing gyri ay mahalaga sa paggabay ng mga biyas at paggalaw ng mata at base sa cytoarchitectural at pangtungkuling mga pagkakaiba ay karagdagan pang mahahati sa medial (MIP), lateral (LIP), ventral (VIP), ayanterior (AIP) na mga area.

Tungkulin

baguhin

Ang parietal na lobo ay gugampan ng mahalagang mga papel sa pagsasama ng mga pandamang impormasyon mula sa iba't ibang bahagi ng katawan, kaalaman sa mga bilang at mga ugnayan nito[1] at sa pagmamanipula ng mga bagay. Ang mga bahagi ng parietal na lobo ay sangkot sa pagpoprosesong visuospasyal. Bagaman sa kalikasan nito ay isang pandamang pangmaramihan, posterior parietal cortex ay kalimitang tinutukoy ng mga siyentipiko ng paningin bilang dorsal stream ng bisyon(na kabaligtaran ng bentral stream sa temporal na lobo). Ang dorsal stream na ito ay parehong tinawag na 'saan' na stream(gaya ng sa pang-espasyong paningin)[2] at ang 'paanong' stream(gaya ng sa pangingin para sa aksiyon).[3] Ang posterior parietal cortex (PPC) ay tumatanggap ng somatosensorya at/o mga input biswal(paninging) na sa pamamagitan naman ng mga hudyat na motor ay kumokontrol sa paggalaw ng braso, kamay gayundin sa mga paggalaw ng mata.[4]

Ang iba't ibang pag-aaral noong mga 1990 ay natuklasan ang iba't ibang mga rehiyon ng posterior parietal cortex sa Macaque ay kumakatawan sa iba't ibang mga bahagi ng espasyo.

  • Ang lateral intraparietal (LIP) ay naglalaman ng mapa ng mga neuron (retinotopikal na koda kung ang mga mata ay nakapirme[5]) na kumakatawan sa pagiging kapansin pansin ng mga lokasyong espasyal at atensiyon sa mga lokasyong espasyal na ito. Ito ay maaaring gamitin ng sistemang oculomotor sa pag-aasinta ng mga paggalaw ng mata kung nararapat.[6]
  • Ang bentral na intraparietal (VIP) area ay tumatanggap ng input mula sa ilang bilang mga pandama(biswal o paningin, somatosensorya, auditoryo o pandinig, at vestibular[7]). Ang mga neuro na may pandama ng paghipong tumatanggap na field ay kumakatawan sa isang nakasentro sa ulong balangkas ng reperensiya.[7] The cells with visual receptive fields also fire with head-centered reference frames[8] but possibly also with eye-centered coordinates[7]
  • Ang medial intraparietal (MIP) area na mga neuron ay nagkokoda ng lokasyon ng inaabot na inaasinta sa nakasentro sa ilong na mga koordinado.[9]
  • Ang anterior intraparietal (AIP) area ay naglalaman ng mga neuron na tumutugon sa hugis, sukat at orientasyon ng mga bagay na sinusunggaban[10] gayundin sa pagmamanipula ng mga mismong kamay sa parehong nakita [10] at naalalang stimuli.[11]. Ang AIP ay may mga neuron na responsable sa pagsunggab at pagmamanipula ng mga bgay sa pamamagitan ng biswal at motor na mga input. Ang AIP at ventral premotor na sabay na kumikilos ay responsable sa mga pagbabaong bisuomoto para sa aksiyon ng kamay.[12]

Ang mas kamakailang mga pag-aaral ng fMRI ay nagpakitang ang mga tao ay may parehong mga gumaganang rehiyon sa at sa palibot ng intraparietal sulcus at parietal-occipital junction.[13] Ang 'parietal fields ng mata' at 'parietal na inaabot na rehiyon', na katumnbas ng LIP at MIP sa unggoy ay lumalabas na isinaayos sa isang nakasentro sa titig na mga koordinador upang mga gawaing umuugnay sa layunin ay muling imamapa kung ang mga mata ay gumalaw.[14] Ang parehong kaliwa at kanang mga sistemang parietal ay gumagampan ng tumutukoy na tungkulin satransedensiyang pansarili na isang katangian ng personalidad na sumusukat sa predisposisyon(pagkagawi) sa spiritwalidad. [1]

Ang lobong ito ay nahahati sa dalawang mga hemisperong serebral - kaliwa at kanan. Ang kaliwang hemispero ay gumagampan ng mas lutang na tungkulin sa mga dominante ang paggamit ng kanang kamay at sangkot sa mga tungkuling simboliko sa wika at matematika. Ang kanang hemispero naman ay gumagampan ng mas lutang na tungkulin sa karamihan ng mga indibidwal na dominante ang paggamit ng kaliwang kamay at ito ay naging espesyal upang magsagawa ng mga larawan at pagkaunawa ng mga mapa(i.e. mga ugnayang espasyal). Ang pinsala sa kaliwang hemispero ng lobong ito ay nagreresulta sa kawalang ng paglalarawan(imagery), biswalisasyon(pagbuo ng larawang pang-isip) ng mga ugnayang espasyal at ang kapabayaan ng espasyong kaliwang panig at kaliwang panig ng katawan. Kahit ang pagguhit ay maaaring mapabayaan sa kaliwang panig. Ang pinsala sa kaliwang hemispero ng lobong ito ay nagreresulta naman sa mga problema sa matematika, matagal na pagbabasa, pagsulat at pag-unawa ng mga simbolo. Ang parietal asosiasyong cortex ay nagbibigay ng kakayahan sa mga indibidwal na makabasa, makasulat at makalutas ng mga problemang matematika. Ang mga pandamang input mula sa kanang panig ng katawan ay pumupunta sa kaliwang panig ng utak at vice-versa.

Patolohiya

baguhin

Ang Sindroma ni Gerstmann ay kaugnay ng lesyon sa dominanteng(na karaniwang ay kaliwang) parietal na lobo.[15] Ang Sindromang ni Balint ay kaugnayan ng mga bilateral na lesyon. Ang sindroma ng kapabayaang hemiespasyal ay karaniwang nauugnay sa malaking mga kakulangan ng atensiyon sa hindi-dominante hemispero. Ang optikong ataxia ay kaugnay ng kahirapan sa pagtungo sa mga bagay sa field na biswal sa kabilang panig ng pinsalang parietal. Ang ilang mga aspeto ng optikong ataxia ay naipaliwanag sa mga termino ng pantungkuling organisasyon na inilalarawan sa itaas.[16]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blakemore & Frith (2005). The Learning Brain. Blackwell Publishing. ISBN 1-4051-2401-6
  2. Mishkin M, Ungerleider LG. (1982) Contribution of striate inputs to the visuospatial functions of parieto-preoccipital cortex in monkeys. Behav Brain Res. 1982 Sep;6(1):57-77.
  3. Goodale MA, Milner AD. Separate visual pathways for perception and action. Trends Neurosci. 1992 Jan;15(1):20-5.
  4. Fogassi L, Luppino G. (2005).Motor functions of the parietal lobe. Current Opinion in Neurobiology, 15:626-631.
  5. Kusonoki M, Goldberg ME. (2003) The time course of perisaccadic receptive field shifts in the lateral intraparietal area of the monkey. J Neurophysiol. 89(3):1519-27. PMID 12612015
  6. Goldberg ME, Bisley JW, Powell KD, Gottlieb J. (2006) Saccades, salience and attention: the role of the lateral intraparietal area in visual behavior. Prog Brain Res. 155:157-75. PMID 17027387
  7. 7.0 7.1 7.2 Avillac M, Deneve S, Olivier E, Pouget A, Duhamel JR. (2005) Reference frames for representing visual and tactile locations in parietal cortex. Nat Neurosci. 8(7):941-9.
  8. Zhang T, Heuer HW, Britten KH. (2004) Parietal area VIP neuronal responses to heading stimuli are encoded in head-centered coordinates. Neuron 42(6):993-1001.
  9. Pesaran B, Nelson MJ, Andersen RA. (2006) Dorsal premotor neurons encode the relative position of the foot, eye, and goal during reach planning. Neuron 51(1):125-34.
  10. 10.0 10.1 Murata A, Gallese V, Luppino G, Kaseda M, Sakata H. (2000) Selectivity for the shape, size, and orientation of objects for grasping in neurons of monkey parietal area AIP. J Neurophysiol 83(5):2580. PMID 10805659
  11. Murata A, Gallese V, Kaseda M, Sakata H. (1996) Parietal neurons related to memory-guided hand manipulation. J Neurophysiol 75(5):2180-6. PMID 8734616
  12. Fogassi L, Luppino G. (2005). Motor functions of the parietal lobe. Current Opinion in Neurobiology, 15:626-631.
  13. Culham JC, Valyear KF. (2006) Human parietal cortex in action. Curr Opin Neurobiol. 16(2):205-12.
  14. Medendorp WP, Goltz HC, Vilis T, Crawford JD. (2003) Gaze-centered updating of visual space in human parietal cortex. J Neurosci. 16;23(15):6209-14.
  15. Vallar G. (2007). Spatial neglect, Balint-Homes' and Gerstmann's syndrome, and other spatial disorders. CNS Spectr. 12(7):527-36.
  16. Khan AZ, Pisella L, Vighetto A, Cotton F, Luauté J, Boisson D, Salemme R, Crawford JD, Rossetti Y. (2011) Optic ataxia errors depend on remapped, not viewed, target location. Nat Neurosci. 8(4):418-20.