Oksipital na lobo
Ang oksipital na lobo (Ingles: occipital lobe) ang sentro ng pagpoprosesong biswal(paninging) na naglalaman ng karamihan sa mga rehiyong anatomikal ng biswal na cortex. Ang pangunahing biswal na cortex ang Brodmann area 17 na karaniwang tinatawag na(visual one). Ang V1 sa tao ay matatagpuan sa medial na panig ng oksipital na loob sa loob ng calcarine sulcus; ang kabuuang sakop ng V1 ay kalimitang tumutuloy hanggang sa polong posterior ng oksipital na lobo. Ang VI ay kalimitan ring tinatawag na striate cortex dahil ito ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng isang malaking guhit ng myelin na Stria ng Gennari. Ang pinapatakbo ng biswal na mga rehiyon sa labas ng Vi ay tinatawag na extrastriate cortex. Maraming mga rehiyong extrastriate at ang mga ito ay naging ginawang espesyal par sa iba't ibang gawaing biswal, gaya ng pagpoproseong visuoespasyal, pagbubukod ng kulay at pagtanto ng galaw.
Utak: Occipital lobe | ||
---|---|---|
Lobes of the human brain (the occipital lobe is shown in red) | ||
Medial surface of left cerebral hemisphere. (cuneus and lingual gyrus are at left.) | ||
Latin | lobus occipitalis | |
Gray's | subject #189 823 | |
Part of | cerebrum | |
Artery | posterior cerebral artery | |
NeuroNames | hier-122 | |
MeSH | Occipital+Lobe | |
NeuroLex ID | birnlex_1136 |
Anatomiya
baguhinAng dalawang oksipital na mga lobo ang pinakamaliit sa apat na magkakapares ng mga loob ng cerebral cortex sa tao. Ito ay matatagpuan sa pinakalikurang bahagi ng bungo at bahagi ng harapangutak. Ang mga cortical na lobo ay hindi nilalarawan ng anumang panloob ng mga katangiang istraktural kundi bagkus ay sa pamamagitan ng buto ng bungo na nakapatong sa mga ito. Kaya ang oksipital na lobo ay inilalarawan bilang bahagi ng cerebral cortex na nakahimlay sa ilalim ng butong oksipital.
Ang mga lobo ay nakahimlay sa tentorium cerebelli na isang proeso ng materyang dura na humihiwalay sa cerebrum mula sa cerebellum. Ang mga ito ay istrakturral na nakahiwalay sa kanilang mga respektibong cerebral na hemispero sa pamamagitan ng seperasyon ng biyak na cerebral. sa harapang gilid ng oksipital ay mga ilang lateral oksipital na gyri, na pinaghihiwalay ng lateral na oksipital sulcus.
Ang mga aspetong oksipital sa kabaan ng panloob na mukha ng bawat hemispero ay nahahati ng calcarine sulcus. Sa itaas ng media, ang may hugis na Y na sulcus ay nakahimlay sa cuneus at ang area sa ilalim ng sulcus ang lingual gyrus.
Tungkulin
baguhinAng mahalagang pantungkuling mga aspeto ng oksipital na lobo ay ito ay naglalaman ng pangunahing biswal na cortex at bahagi ng utak kung saan ang mga panaginip ay nagmumula. Ang Retinal na sensor ay nagpapadala ng stimuli sa pamamagitan ng optikong trakto patungo sa mga lateral na katawang henikulado kung saan ang mga radiasyong optiko ay nagpapatuloy sa biswal na cortex. Ang bawat biswal na cortex ay tumatanggap ng hilaw na pandamang impormasyon mula sa labas ng kalahati ng retina sa parehong panig ng ulo at mula sa panloob na kalahati ng retina sa kabilang panig ng ulo. Ang cuneus (Brodmann's area 17) ay tumatanggap ng biswal(paningin) na impormasyon mula sa superior retina na kumakatawan sa inferior na biswal na field. Ang lingula ay tumatanggap ng impormasyon mula sa contralateral inferior retina na kumakatawan sa superior biswal na field. Ang mga retinal na input ay dumadaan sa pamamagitan ng "daanang estasyon" sa lateral na henikuladong nucleus ng thalamus bago ang pag-ungos sa cortex. Ang mga selula sa posterior na aspeto ng mga gray na materya ng mga oksipital na loob ay isinaayos bilang mga mapang espasyal ng retinal field. Ang pantungkulin neuroimaging ay naghahayag ng mga parehong pateno ng tugon sa cortical na tisyu ng mga lobo kung ang retinal field ay nalalantad sa isang malakas na paterno(pattern).
Kung ang isang oksipital na lobo ay napinsala, ang resulta ay maaaring homonomous na pagkawala ng paningin mula sa katulad na nakaposisyong "mga putol ng field" sa bawat mata. Ang lesyong oksipital ay maaaring magsanhi ng biswal na halusinasyon. Ang mga lesyon sa parietal-temporal-oksipital na asosiasyong area ay nauugnay sa agnosia ng kulay, akinetopsia at agraphia. Ang pinsala sa lobong oksipital na naglalaman ng pangunahing biswal na cortex ay maaaring magsanhi ng pagkabulag sanhi ng mga butas sa biswal na mapa sa surpasiyo(ibabaw) ng biswal na cortex na nagresulta mula sa mga lesyon. [1]
Pantungkuling anatomiya
baguhinAng oksipital na lobo ay nahahati sa ilang mga pantungkuling biswal na area. Ang bawat biswal na area ay naglalaman ng buong mapat ng daigdig na biswal(paningin). Bagaman walang mga tandang anatomikal na bumubukod sa mga area na ito(maliban sa prominenteng striasyon sa striate cortex), ang mga pisiolhista ay gumagamit ng mga rekording ng elektrodo upang hatiin ang cortex sa ibaèt ibang mga rehiyong pantungkulin. Ang unang pantungkuling are ang pangunahing biswal na cortex. Ito ay naglalaman ng mababang lebel na paglalarawn ng lokal na orientasyon, prekwensiyang espasyal at mga katangian ng kulay sa loob ng maliit na tumatanggap na mga field. Ang pangunahing biswal na cortex ay umuungos(projects) sa oksipital na mga area ng ventral stream (biswal na area V2 at biswal na V4), at mga oksipital na area ng dorsal stream—biswal na V3, biswal na MT (V5), at dorsomedial area (DM).
Epilepsy
baguhinAng mga pangingisay(seizures) sa oksipital na lobo ay pinupukaw ng isang kislap(flash) o isang larawang biswal na naglalaman ng maraming mga kulay. Ang mga ito ay tinatawag na stimulasyong kisap(na karaniwan ay sa pamamagitan ng TV) na photo-sensitibong mga pangingisay. Ang mga pasyente na nakaranas ng mga pangingisay na oksipital ay naglarawan ng kanilang mga pangingisay bilang pagkita sa mga makikinang na kulay at pagkaroon ng labis na madilim na panginin. Ang pagsusuka ay maliwanag rin sa ilang mga pasyente. Ang pangingisay na oksipital ay pangunahing napupukaw sa araw(day), sa pamamagitan ng telebisyon, mga video game o anupamang sistemang kumikisap na nakapupukaw. [2]