Parol na Panlangit

Parol na Panlangit, na kilala rin sa mga katawagang Parol na Kongming o Parol na Tsino ay pinalilipad at pinaaandar ng hangin dahil gawa sa papel ang nasabing mga parol ito ay kilala bilang isang tradisyon na matatagpuan at masisilayan sa mga kulturang Asyano. Ang mga parol na ito ay gawa sa manipis na papel na nagmula sa palay na pinahiran ng piling mantika. Ang ilalim at at looban ng parol ay mayroong suporta ng bamboo o bilang balangkas nito. Isang maliit na kandila o isang bagay na gawa sa parehong materyales ng kandila na mayroong gas o tulong upang mapasindi ang apoy ng mabilis nagdudulot ng apoy na bagay ang matatagpuan din sa loob ng parol. Kapag nasindihan, ang apoy ang siyang magiging sanhi ng pagkakaroon ng mainit na hangin sa loob ng parol, na nagtutulak sa kemikal na kakapalan ng parol at ng kapaligirang mayroon sa loob ng parol na bumaba na mismong dahilan upang ang parol ay lumipad pataas mula sa orihinal na lebel o taas nito mula sa lupa. Ang Parol na Panlangit ay pamamahalaan lamang ng hangin hanggang nakailaw ang apoy ng kandila nito, pagkatapos o pag namatay ang apoy ng parol ay unti-unting bababa at lulubog ang parol mula sa pagkakalipad nito.

Parol na Panlangit
Yi Peng (Loi Krathong) pista sa Tudongkasatan Lanna (Sentro ng Pagninilay at Pahingahan sa Lanna) , Mae Jo Chiang Mai, Thailand
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino
Kahulugang literalParol na Panlangit
Alternatibong pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino
Kahulugang literalParol na Kongming
Pangalang Thai
Thaiโคมลอย
RTGSkhom loi

Ang mga Parol na Panlangit ay tinatawag o kilala rin bilang Kandilang Panlangit o Apoy na Lobo, gayun pa man ang katawagang Apoy na Lobo ay kilala rin bilang Lobong Sandata na ginamit noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ngunit ang mga parol na ito ay hindi popular sa mga magsasaka sa ilang mga bansa dahil sa kakayahan nitong maging sanhi ng pagliyab o pagkasunog ng mga ani o produktong agrikultural o kaya naman ay maging sanhi ng pagkamatay ng mga halaman o pananim ng mga magsasaka habang ang mga parol ay bumababa mula sa pagkakalipad sa langit.[1]

Pinagmulan

baguhin
 
Release of a sky lantern during Yi Peng near Chiang Mai, Thailand
 
A modern Kongming Lantern

Ang Parol na Kongming (Tsino: 孔明燈) ay ang unang hot air balloon, na naimbento ng tagapamahalang militar na Tsino na si Zhuge Liang,[2] na mas kilala sa Tsina bilang (i.e. pangalang Tsino) Kongming. Ang mga parol na ito ay unang naikalat sa bansang Tsina bilang isang lobong nagdadala ng mensahe o "signal" o isang uri ng espiya noong panahon ng gera noong ikatlong daang taaon. (3rd Century) Sa kalaunan ay, ang katawagan sa parol ay maaring nagmula sa pagkakahawig ng parol sa sombrero ni Kongming na sinasabing madalas na suot niya.

Ayon kay Joseph Needham na isang mag-aaral ng kasaysayan, wika at kultura ng mga Tsino at isang mananalaysay ng agham, pinag eksperimentuhan ng mga Tsino ang maliliit na lobong napalilipad ng apoy simula noong Ikatlong Daan Taon BC, sa loob ng Panahon ng Pakikidigma, ito ay nagbibigay daan sa ideya na marahil ang mga Parol na Panlangit ay inimbento bago pa man ang kapanahunan ni Kongming.

Gamit sa mga Pagdiriwang (Mga Pista)

baguhin

Pistang Tsino

baguhin

Sa sinaunang Tsina, ang mga parol na panlangit ay mautak na ginagamit ssa gera. Gayunman sa kalaunan ay, ang paggamit bukod sa aplikasyong militar ay naging popular dahil naging kaaya-aya ang mga parol na ito sa kabataan at sa mga perya. Dahil sa pagiging popular ng mga parol na ito ay ginamit ito sa mga pista upang mas umakit ng tao, tulad na lamang ng mga pista ng Tsino Mid-Autumn at pista ng mga Parol.

Pistang Taiwanese

baguhin

Distrito ng Pingxi sa Siyudad ng New Taipei ng Taiwan ay mayroong taunang pista ng Parol kung saan sinisindihan at ipinalilipad ang mga parol na panlangit.

Pistang Thai

baguhin

Lanna (hilagang Thai) ginagamit ng mga tao ang mga parol na panlangit sa buong taon, para sa mga pagdiriwang at iba pang mahahalagang okasyon. Isa sa pinakaimportanteng pista kung saan ginagamit ang mga parol na pnalangit ay ang "Yi Peng" (Thai: ยี่เป็ง) na nagaganap sa kabilugan ng buwan ng ikalawang buwan ng kalendaryong Lanna. (ibig sabihin ng "Yi" ay "pangalawa" at "Peng" ay "buwan" isa wikang Lanna). Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng lumang kalendaryong Lanna at ang tradisyonal na kalendaryong Thai, ay nagkakapareho o nagtutugma ang petsa sa Loi Krathong na nagaganap tuwing kabilugan ng buwan ng ika-12 na buwanw ng taon sa tradisyonal na kalendaryong Thai ukol sa buwan. Sa Pista ng Yi Peng, maraming khom loi (Thai: โคมลอย, literal na ibig sabihin ay: "lumulutang na parol") ang pinapakawalan sa ere kung saan nagwawangis ang mga ito ng malalaking grupo ng dikya na may ilaw na lumulutang sa himpapawid. Ang pinaka detalyadong pagdiriwang ng Yi Peng ay makikita sa Chiang Mai,[3] ang sinaunang kabisera ng dating kaharian ng Lanna. Ang pista ay layuning maging oras para sa tham bun (Thai: ทำบุญ), para gumawa ng merit. Madalas na gumagawa ang mga tao ng khom loi mula sa manipis na tela, tulad ng papel na gawa sa palay, kung saan nilalagay ang kandila o ang bagay na mayroong gas o pangsindi ng apoy. Kung ito at nasindihan, nagkakaroon ng mainit na hangin na nakukulong sa loob na siyang nagiging sanhi ng paglipad ng khom loi sa ere at doon ay lumutang.Minsan pa, ginagamit ng mga tao ang mga papel na parol upang magsilbing dekorasyon ng kanilang mga bahay, hardin o templo na may khom fai (Thai: โคมไฟ): detalyadong paghuhugis ng papel na parol na may iba't ibang anyo.
Pinaniniwalaang nagbibigay ng swerte o magandang kapalaran ang pagpapalipad ng mga parol na panlangit, at maraming Thai ang naniniwala na ang mg aparol ay simbolo ng mga problema at alalahanin na lumilipad papalayo. Sa kasalukuyang panahon, sikat na sikat na ang khom loi sa mga Thai na ito ay naging parte na ng pistang Loi Krathong na pinagdiriwang ng buong bansa.

Panganib

baguhin

Bilang isang trasiyonal na parol na panlangit, ito ay mayroong apoy na maaaring maging sanhi ng sunog kapag pababa mula sa pagkakalipad kung ito ay lalanding sa lupa o lugar na maaari o madaling umapoy (gubat, atbp.) Kayang maabot ng mga parol na ito ang matataas na langit kaya naman ang pagpapalipad nito sa lugar na malalakas ang hangin ay hindi inirerekomenda. Pagkababa ng parol, ang natitirang alambre mula sa balangkas ng parol ay maaring maging mapanganib sa mga hayop na magtatangkang lunukin ito.[4]

baguhin

Ang Sanya sa Tsina ay ipinagbwal ang mga parol na panlangit dahil sa panganib na maaring maidulot nito sa mga sasakyang himpapawid.[5]

Ilegal ang pag papalipad ng mga parol na ito sa maraming bahagi ng Alemanya, at sa natitirang lugar kung saan ang pag gamit nito ay legal sa aspektong teknikal, tulad ng Herford, kinakailangan pa rin na kumuha ng permiso mula sa lokal na awtoridad. Sa Austria, ilegal ang paggawa, pagbenta o pag import at pag-papakalat nito sa kahit anong kaparaanan.[6]

Isang permanenteng pagbabawal naman sa parol na panlangit na "nakadepende sa apoy na gumagawa ng mainit na hangin sa loob ng parol" ang ipinatupad sa Australia noong 1 Pebrero 2011.[7]

Parol na Mabuti sa Kapaligiran

baguhin

Ang pambansang relasyon sa UK pagkatapos ng pagkamatay ng isang baka ng isang magbubukid noong 2010 ay nagsiklab ang mga saloobin ng mga tao ukol sa parol na mayroong metal na alambre na basura ng mga parol bilang mapanganib at maaring maging sanhi ng iba't ibang pinsala sa kabuhayan. Sinabi nilang ang mga hayop ay nagkakaroon ng sakit o kapinsalaan kapag kanilang kinakain ang tira-tirang alambre na maaring magdulot ng kamatayan.[8] Dagdag pa, ang reklamo ng ilang mga taong nagbibigay importansiya sa kapaligiran na kahit nabubulok (nilalagay sa konteksto na ang gamit sa parol ay gawa sa 100% organikong materyales), ang mga parteng metal ay isa pa ring basura at nagiging sanhi ng pagbagal ng pagbulok ng materyales. Noong 2010, ang mga parol ay ginawa ng walang alambre. Imbis na metal, lana na hindi nasusunog ang ginamit na maaring lunukin nang hindi nagiging sanhi ng kahit anong panganib, Ngunit, ang panganib na maaring magdulot ng sunog ang mga parol ay naroon pa rin.[9]

Tignan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Chinese lanterns pose danger to livestock, NFU says". BBC News. 2010-02-01. Nakuha noong 2010-09-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ancient Chinese Inventions, By Yinke Deng, Pingxing Wang, Contributor Pingxing Wang, Published by 五洲传播出版社, 2005, ISBN 7-5085-0837-8
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-28. Nakuha noong 2012-04-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-02-28 sa Wayback Machine.
  4. Leo Hickman (2009-07-31). "What's the environmental impact of a sky lantern? | Leo Hickman | Environment | guardian.co.uk". London: Guardian. Nakuha noong 2010-09-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ammu Kannampilly (2009-03-27). "Why Did China Ban Traditional Flying Lanterns? - World View". Blogs.abcnews.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-30. Nakuha noong 2010-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.ris.bka.gv.at/Dokumente/BgblAuth/BGBLA_2009_II_423/BGBLA_2009_II_423.pdf (German)
  7. "Sky lanterns". Australian Competition and Consumer Commission. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-01. Nakuha noong 2012-01-01. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-02-27 sa Wayback Machine.
  8. "Cheshire farmer Huw Rowlands call for Chinese lantern ban after cow death". Chester Chronicle. 2010-02-03. Nakuha noong 2010-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Norfolk MP Richard Bacon raises concerns over Chinese lanterns[patay na link]

Panlabas na Ugnayan

baguhin