Patente

(Idinirekta mula sa Patent)

Ang patente (Ingles: patent) ay isang uri ng ari-ariang intelektuwal na nagbibigay sa may-ari nito ng legal na karapatang ibukod ang iba sa paggawa, paggamit, o pagbebenta ng isang imbensyon sa loob ng limitadong panahon kapalit ng paglalathala ng isang nagbibigay-daang pagbubunyag ng imbensyon. Sa karamihan ng mga bansa, nasa ilalim ang mga karapatan sa patente ng pribadong batas at dapat idemanda ng may-ari ng patente ang isang taong lumalabag sa patente upang maipatupad ang kanilang mga karapatan.[1]

Ang pamamaraan para sa pagbibigay ng mga patente, mga kinakailangan na inilagay sa patente, at ang lawak ng mga eksklusibong karapatan ay malawak na nag-iiba sa pagitan ng mga bansa ayon sa mga pambansang batas at internasyonal na kasunduan. Gayunpaman, karaniwan dapat magsama ang isang aplikasyon ng patente ng isa o higit pang mga paghahabol na tumutukoy sa saklaw ng proteksyon na hinahanap. Maaaring magsama ang isang patente ng maraming paghahabol, na tumutukoy ang bawat isa sa isang partikular na karapatan sa ari-arian.

Sa ilalim ng Kasunduang TRIPS ng Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalaka (World Trade Organization o WTO), dapat na makukuha sa mga estadong miyembro ng WTO ang patente para sa anumang imbensyon, sa lahat ng larangan ng teknolohiya, basta't bago ang mga ito, may kasamang hakbang sa pag-imbento, at may kakayahang magamit sa industriya. Gayunpaman, may mga pagkakaiba-iba sa kung ano ang maaaring patentadong paksa mula sa bansa patungo sa bansa, gayundin sa mga estadong miyembro ng WTO. Ibinibigay din ng TRIPS na ang termino ng proteksyon na magagamit ay dapat na hindi bababa sa dalawampung taon. Ang ilang mga bansa ay may iba pang mga anyo ng ari-ariang intelektuwal na tulad ng patente, gaya ng mga modelo ng utilidad, na may mas maikling panahon ng monopolyo.

Batas ng patente sa Pilipinas

baguhin

Sinasaklaw ang mga patente ng Pilipinas ng Kodigo ng Ari-ariang Intelektuwal ng Pilipinas (Intellectual Property Code of the Philippines) o Batas Republika Blg. 8293 na ginagawaran ang mga imbentor ng karapatang eksklusibo sa kanilang imbensyon sa loob 20 taon mula sa araw ng paghahain ng aplikasyon kapalit ng pagbubunyag ng imbensyon sa publiko.[2][3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Patents". www.wipo.int (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-28. Nakuha noong 2023-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Republic Act No. 8293 | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-01-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Patent System in the Philippines | Federis Law". Federis & Associates Law (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-01-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Patent FAQs". www.ipophil.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-01-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)