Pentameron

(Idinirekta mula sa Pentamerone)

Ang Pentamerone, na may subtitulong Lo cunto de li cunti ("Ang Kuwento ng mga Kuwento"), ay isang koleksiyon ng mga Napolitanong kuwentong bibit noong ika-labingpitong siglo ng makatang Italyano at kortesano na si Giambattista Basile.

Kalagayan

baguhin

Ang mga kwento sa Pentameron ay kinolekta ni Basile at inilathala nang postomo sa dalawang tomo ng kaniyang kapatid na si Adriana sa Napoles, Italya, noong 1634 at 1636 sa ilalim ng alyas na Gian Alesio Abbatutis. Ang mga kuwentong ito ay iniakma sa kalaunan ni Charles Perrault at ng Magkapatid na Grimm, ang huli ay gumawa ng malawak, kinikilalang paggamit ng koleksiyon ni Basile. Ang mga halimbawa nito ay ang mga bersiyon ng Cinderella, Rapunzel, Puss in Boots, Sleeping Beauty, at Hansel and Gretel.

Habang ang iba pang mga koleksiyon ng mga kuwento ay may kasamang mga kuwento na tatawaging kuwentong bibit, ang kaniyang gawa ay ang unang koleksiyon kung saan ang lahat ng mga kuwento ay magkasya sa iisang kategorya. [1] Hindi niya isinulat ang mga ito mula sa oral na tradisyon tulad ng ginagawa ng isang modernong kolektor, sa halip ay isinulat ang mga ito sa Napolitano, at sa maraming aspekto ay ang unang manunulat na nagpapanatili ng oral na intonasyon.[1]

Ang estilo ng mga kuwento ay mabigat na Baroko, na may maraming metaporikong paggamit.[1]

Ito ay binibigyang-kahulugan bilang isang satira sa estilong Baroko, ngunit habang pinuri ni Basile ang estilo, at ginamit ito sa iba pa niyang mga gawa, lumilitaw na walang ironikong intensiyon.[1]

 
Ilustrasyon ni George Cruikshank (1847) sa The Stone in the Cock's Head

Impluwensiya

baguhin

Bagaman ang akda ay nahulog sa kalabuan, ang Magkapatid na Grimm, sa kanilang ikatlong edisyon ng Mga Kuwentong Bibit ng mga Grimm, ay lubos na pinuri ito bilang ang unang pambansang koleksiyon ng mga kuwentong bibit, na umaangkop sa kanilang mga romantikong nasyonalistang pananaw sa mga kuwentong bibit, at bilang pagkuha ng Napolitanong boses. Nakakuha ito ng malaking pansin sa akda.[1]

Heograpiya ng mga kwuento

baguhin

Ang mga kuwento ng Giambattista Basile ay may tagpuan sa Basilicata at Campania, kung saan ginugol niya ang halos buong buhay niya sa mga lokal na maharlika. Kabilang sa mga lugar na nauugnay sa mga kuwento ay makikita ang lungsod ng Acerenza at ang Castel Lagopesole, ang huli ay nauugnay sa kuwentong bibit na Rapunzel.

Mga pagsasalin

baguhin

Ang teksto ay isinalin sa Aleman ni Felix Liebrecht noong 1846, sa Ingles ni John Edward Taylor noong 1847 at muli ni Sir Richard Francis Burton noong 1893 at sa Italyano ni Benedetto Croce noong 1925. Ang isa pang salin sa Ingles ay ginawa mula sa bersyon ni Croce ni Norman N. Penzer noong 1934. Isang bago, modernong pagsasalin ni Nancy L. Canepa ang inilathala noong 2007 ng Wayne State University Press, at kalaunan ay inilabas bilang Penguin Classics paperback noong 2016.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Croce 2001.