Sinaunang pilosopiyang Griyego

(Idinirekta mula sa Pilosopong Griyego)

Ang sinaunang pilosopiyang Griyego ay lumitaw noong ika-6 daantaon BKE at nagpatuloy hanggang panahong Helenistiko, kung saan sa puntong ito ang Sinaunang Gresya ay isinanib na sa Imperyong Romano. Humarap ito sa isang malawak na kasamu't sarian ng mga paksa, kabilang na ang pilosopiyang pampolitika, etika, metapisika, ontolohiya, lohika, biyolohiya, retorika, at estetika.

Ang Paaralan ng Atenas ni Raphael, na naglalarawan ng isang hanay ng sinaunang mga pilosopong Griyego na nakikilahok sa isang talakayan.

Marami sa mga pilosopo sa ngayon ang nagpapanatili na ang pilosopiyang Griyego ay nakaimpluwensiya sa kaisipang Kanluranin magmula noong magsimula ito. Minsang ipinaunawa ni Alfred North Whitehead na: "Ang pinakaligtas na pangkalahatang paglalarawan ng tradisyong pampilosopiyang Europeo ay ang pagkabinubuo nito ng isang serye ng mga talababa mula kay Plato."[1] Ang malinaw at hindi putul-putol na mga guhit ng impluwensiya ay nagmula sa sinaunang mga Griyego at mga pilosopong Helenistiko, hanggang sa midyibal na mga pilosopong Islamiko, hanggang sa Muling Pagsilang sa Europa at Pagkamulat.

May ilang umaangkin na ang pilosopiyang Griyego naman ay naimpluwensiyahan ng mas matandang panitikan ng karunungan at mga kosmogoniyang pangmitolohiya ng sinaunang Kalapit ng Silangan. Si Martin Litchfield West ay nagbigay ng isang naaangkop na pagsang-ayon sa pananaw na ito, na nagpapahayag na: "ang pagkakaroon ng ugnayan sa kosmolohiya at teolohiyang oriental ay nakatulong sa pagpapalaya ng imahinasyon ng maaagang mga pilosopong Griyego; walang alinlangang nagbigay ito sa kanila ng maraming mga ideyang mapagmungkahi. Subalit tinuruan nila ang kanilang mga sarili ng katwiran. Ang pilosopiyang nauunawaan natin ay isang nilikhang Griyego."[2]

Ang sumunod na tradisyong pampilosopiya ay naimpluwensiyahan din ni Sokrates ayon sa paglalarawan na ginawa ni Plato na pangkaraniwan ang pagtukoy sa sinaunang pilosopiyang Griyego bago sumapit ang panahon ni Sokrates bilang pilosopiyang pre-Sokratiko. Ang panahong sumunod dito hanggang sa mga digmaan ni Alejandrong Magiting ay tinutukoy bilang isang klasikal na pilosopiyang Griyego, na nasundan ng pilosopiyang Helenistiko.

Panahong pre-Sokratiko

baguhin

Klasikong Pilosopiyang Griyego

baguhin

Pilosopiyang Helenistiko

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Alfred North Whitehead, Process and Reality, Kabanata I, Seksiyon I
  2. Griffin, Jasper; Boardman, John; Murray, Oswyn (2001). The Oxford history of Greece and the Hellenistic world. Oxford [Oxfordshire]: Oxford University Press. p. 140. ISBN 0-19-280137-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Pilosopiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.