Pinagsamang mga Abogasya ng Pilipinas
Ang Pinagsamang mga Abogasya ng Pilipinas (IBP) ay isang pambansang organisasyon ng mga abogado o manananggol sa Pilipinas. Ito ay sapiltang kapisanang pang-abogasya para sa mga Pilipinong abogado.
Pagkakabuo | 1973 |
---|---|
Uri | Kapisanang pang-abogasya |
Punong tanggapan | Abenida Julia Vargas, Sentrong Ortigas, Lungsod Pasig |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | 40,000 |
Wikang opisyal | Filipino ; Inggles |
Pambansang Pangulo | Domingo Egon Q. Cayosa |
Website | ibp.ph |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang IBP bilang opisyal na organisasyon para sa mga propesyong pambatas ng Batas Republika Blg. 6397. Pinagtibayan ng batas ang kapangyarihang konstitusyonal ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas upang magpatibay ng mga alituntunin ukol sa pinagsama ng Abogasyang Pilipino. Samakatuwid, Ang IBP ay nabuo sa korporadong lupon noong 1973 sa pamamagitan ng Batas Pampanguluhan 181.
Noong Ika-9 ng Enero, 1973, itinalaga ng Kataas-taasang Hukuman ang pagsasama ng Abogasyang Pilipino.[1] Ang Konstitusyon at mga Batas ng IBP ay sumunod kaagad.[2]
Kamakailan lamang, si J.B.L. Reyes, ang retiradong Katuwang na Hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay pinangalanan kauna-unahang Tagapangulo ng IBP noong 1973. Nanungkulan siya sa kakayahan na iyan hanggang 1975, at naging Tagapangulong emerito sa natira niyang buong buhay. Si Reyes ay naging tagataguyod ng pagsasamang pang-abogasya sa mahabang panahon sa Pilipinas.
Balangkas ng organisasyon
baguhinAng IBP ay pinangasiwaan ng isang Namamahalang Lupon na binubuo ng siyam na Gobernador na kumakatawan sa mga siyam na rehiyon ng IBP. Ang Namamahalang Lupon ay naghahalal ng Pambansang Pangulo ng IBP at Tagapagpaganap na Ikalawang Pangulo ng IBP mula sa loob mismo o mula sa labas ng Lupon.[3]
Ang Kapulungan ng mga Delegado ng IBP ay nagpapasiya sa mga mahahalagang usapin. Ang kamara ay binubuo ng humigit-kumulang na isangdaan-dalawampung (120) kasaping nahahati kabilang sa lahat ng mga Sangay ng IBP sa mga pangunahing lungsod sa buong bansa. Tuwing dalawang taon, ang Namamahalang Lupon ng IBP ay nagsasagawa ng muling pagtalaga ng mga delegado kabilang sa lahat ng mga sangay ng IBP.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Resolusyong Per Curiam ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. 9 Enero 1973.
- ↑ Kasaysayan ng IBP, Pambansang Punong Tanggapa ng IBP, Lungsod Pasig, Pilipinas. Hunyo 2007.
- ↑ Seksyon 37, Artikulo VI, Konstitusyon at mga Batas ng IBP, 1973.
- ↑ Seksyon 30-31, Artikulo V, Konstitusyon at mga Batas ng IBP, 1973.