Porphyra umbilicalis
Ang Porphyra umbilicalis o laber (Ingles: laver, slake[1]) ay isang uri ng lumot-dagato alga na nasa tabing-dagat na nakakain at mayroong mataas na nilalamang mga mineral na pangdiyeta, partikular na ang iyodo at uwit (suplementong yero). Malawakang kinakain ang P. umbilicalis sa Silangang Asya kung saan nakikilala ito bilang gim sa Korea at nori sa Hapon. Sa Wales, ang Porphyra umbilicalis ay ginagamit sa paggawa ng laverbread o tinapay na laber, isang tradisyunal na pagkaing Welsh. Bilang isang pagkain, matatagpuan din ang Porphyra umbilicalis sa paligid ng kanlurang dalampasigan ng Britanya at sa silangang dalampasigan ng Irlanda sa kahabaan ng Dagat Irlandes.
Porphyra umbilicalis | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | |
(walang ranggo): | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | P. umbilicalis
|
Pangalang binomial | |
Porphyra umbilicalis |
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz) | |
---|---|
Enerhiya | 146 kJ (35 kcal) |
5.11 g | |
Asukal | 0.49 g |
Dietary fiber | 0.3 g |
0.28 g | |
5.81 g | |
Bitamina | |
Bitamina A | (33%) 260 μg(29%) 3121 μg |
Thiamine (B1) | (9%) 0.098 mg |
Riboflavin (B2) | (37%) 0.446 mg |
Niacin (B3) | (10%) 1.47 mg |
(10%) 0.521 mg | |
Bitamina B6 | (12%) 0.159 mg |
Folate (B9) | (37%) 146 μg |
Bitamina C | (47%) 39 mg |
Bitamina E | (7%) 1 mg |
Bitamina K | (4%) 4 μg |
Mineral | |
Kalsiyo | (7%) 70 mg |
Bakal | (14%) 1.8 mg |
Mangganiso | (47%) 0.988 mg |
Posporo | (8%) 58 mg |
Potasyo | (8%) 356 mg |
Sodyo | (3%) 48 mg |
Sinc | (11%) 1.05 mg |
Ang mga bahagdan ay pagtataya gamit ang US recommendations sa matanda. Mula sa: USDA Nutrient Database |
Makinis ang tekstura nito at bumubuo ng marupok na tila pilas ng thallus, na kadalasang nakakapit sa mga bato. Ang Porphyra umbilicalis ay ang pangunahing uri ng mga laber, na tinatawag ding Porphyra lamang o purpurang laber.[2] Ang purpurang laber ay inuuri bilang isang pulang alga (pulang lumot), na may gawi na maging kulay na parang kayumanggi, subalit nagiging isang madilim na lunting sapal kapag niluto o napakaluan. Pambihira ito sa piling ng mga lumot-dagat dahil ang mga sangang-luntian ay isang selula lamang ang kapal.[3][4] Ang nilalaman nitong mataas sa iyodo ang nagbibigay sa lumot-dagat na ito ng kakaibang lasa na kahalintulad ng sa mga oliba at sa mga talaba.[5]
Ang Ulva lactuca, na isang lunting alga (lunting lumot) na nakikilala rin bilang letsugas-dagat, ay napagkakataong nakakain bilang lunting laber, bagaman itinuturing ito bilang mas mababa ang kaurian o kalidad kaysa sa purpurang laber.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Scottish plant uses". 193.62.154.38. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-04. Nakuha noong 2008-08-10.
{{cite web}}
: Unknown parameter|firstval=
ignored (tulong); Unknown parameter|lino=
ignored (tulong); Unknown parameter|retq=
ignored (tulong); Unknown parameter|sid=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Algaebase :: Species Detail". www.algaebase.org. Nakuha noong 2008-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"laverbread - WalesOnline". www.walesonline.co.uk. Nakuha noong 2008-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wells, Emma (2010), A Field Guide to the British Seaweeds, National Marine Biological Analytical Quality Control Scheme (p 24) Naka-arkibo 2012-03-27 sa Wayback Machine..
- ↑ Hartley, Dorthy (1954). Food in England. Macdonald & Co. pp. 561–2. ISBN 0-356-00606-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BBC - Science & Nature - Sea Life - Fact files: Sea lettuce". www.bbc.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-30. Nakuha noong 2008-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.