Kitambayan

(Idinirekta mula sa Rentas Internas)

Ang kitambayan, kita sa negosyo, kitang pangnegosyo, o kitang-negosyo (Ingles: revenue) - depende sa paggamit o pinaggagamitan - ay ang kita o pumapasok na salapi sa isang negosyo o sa pamahalaan. Mas ginagamit ang katagang kitambayan o rentas internas para sa pumapasok na pera (katulad ng buwis o tubo) na papunta sa isang gobyerno.

Sa pagnenegosyo, ang kitang pangnegosyo ay ang kinita na natatanggap ng isang korporasyon o kompanya magmula sa normal na mga gawaing pangnegosyo nito, na karaniwang magmula sa pagbebenta ng produkto at mga serbisyo sa mga kostumer. Sa maraming mga bansa, katulad ng Nagkakaisang Kaharian, ang kitambayan ay tinatawag na turnover (literal na “pagbalik” o “pagbaliktad”).

Ilan sa mga kompanya ang tumatanggap ng kitang-negosyo mula sa mga patubo, mga dibidendo, o mga royalty na ibinabayad sa kanila ng iba pang mga kompanya.[1] Sa pangkalahatan, ang kitambayan ay maaaring tumukoy sa kita mula sa isang negosyo, o kaya sa dami o halaga ng yunit na pampananalapi, na natanggap habang nasa loob ng isang kapanahunan, katulad ng diwa na "Noong nakaraang taon, ang Kompanyang X, ay nagkaroon ng rebenyung P42 milyon." Sa pangkalahatan, ang kinita o netong kita ay nagpapahiwatig ng kitambayan na binawas na ang kabuuang halaga ng mga ginasta sa loob ng isang ibinigay na panahon. Sa larangan ng akawnting, ang rebenyu ay pangkaraniwang pantukoy sa "top line" sa wikang Ingles o “guhit sa tuktok” dahil sa puwesto nito sa pahayag ng kinita doon sa pinakatuktok. Ipinagkakaiba ito mula sa "bottom line" o “guhit sa ilalim” na nagpapahiwatig ng netong kita.[2]

Para sa mga organisasyong hindi nakikinabang, ang taunang kitambayan ay maaaring tumukoy sa mga gross receipt o mga “resibong hindi pa inaawasan o kinakaltasan”.[3] Kasama sa rebenyung ito ang mga donasyon mula sa mga indibiduwal at mga korporasyon, mga suporta mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, mga kinita mula sa mga gawaing may kaugnayan sa misyon ng organisasyon, at mga gawaing paglilikom ng pondo (fundraising), mga pagbabayad sa pagiging kasapi, at mga pamumuhunan ng salapi na katulad ng mga kapartihan sa mga kompanya.

Sa pangkalahatang paggamit, ang kitambayan ay ang kitang natatanggap ng isang organisasyon na nasa anyo ng nakahandang salapi o cash o mga katumbas ng nakahandang salapi. Ang mga rebenyu ng mga naipagbili o sales revenue sa Ingles ay ang kitang tinanggap mula sa pagbebenta ng mga produkto o mga serbisyo sa loob ng isang panahon. Ang kitambayan sa buwis ay kita na nalilikom ng pamahalaan magmula sa nagbabayad ng buwis.

Sa mas pormal na paggamit, ang rebenyu ay isang kalkulasyon o pagtutuos o kaya pananantiya o pagtataya (estimasyon) ng paulit-ulit na kita na nakabatay sa isang particular na pamantayang gawain sa akawnting o mga panuntunan na itinakda ng isang pamahalaan o ahensiya ng gobyerno. Dalawa sa mga metodo sa akawnting, ang akawnting na nakabatay sa nakahandang salapi (cash basis accounting) o akawnting na nakabatay sa dagdag o tubo (accrual basis accounting), ay mga hindi gumagamit ng katulad na proseso para sa pagsukat ng kitambayan. Ang mga korporasyon na nag-aalok ng mga kapartihang mabibili ng madla ay karaniwang inaatasan ng batas na iulat ang rebenyu batay sa pangkalahatang katanggap-tanggap na mga prinsipyo sa akawnting o pandaigdigang mga pamantayan ng pag-uulat na pampananalapi.

Sa isang sistema ng pagpapanatili ng aklat na may dalawahang pagpapasok, ang mga akawnt ng kitambayan ay mga akawnt ng panglahatang ledyer na paulit-ulit na binubuod sa ilalim ng pa-ulong katulad ng Revenue o Revenues (Rebenyu o Mga Rebenyu) na nasa ibabaw ng isang pahayag ng kinita. Ang mga pangalan ng akawnt ng rebenyu ang naglalarawan ng uri ng kitambayan, katulad ng mga katagang Ingles na "Repair service revenue" (kitambayan sa serbisyo ng pagkukumpuni), "Rent revenue earned" (nalikom na kitambayan mula sa paupa o renta) o "Sales" (mga napagbentahan).[4]

Kitang pangnegosyo

baguhin

Ang rebenyu sa negosyo o business revenue ay ang mga kinita magmula sa mga Gawain na pangkaraniwan para sa isang particular na korporasyon, kompanya, sosyohan, o pang-isahang pagmamay-ari ng negosyo. Para sa ilang mga negosyo, katulad ng pagmamanupaktura at/o groserya, karamihan sa rebenyu ay nagbubuhat sa pagbebenta ng mga kalakal. Ang negosyo na pangserbisyong katulad ng mga opisina ng abogado at mga barberuhan ay tumatanggap ng karamihan sa kanilang mga kitang-negosyo magmula sa paglalaan ng mga paglilingkod. Ang mga negosyo ng pagpapaarkila (pagpapahiram ng gamit o pagpapautang ng pera) na katulad ng mga arkilahan ng kotse o mga bangko ay tumatanggap ng karamihan sa kanilang mga rebenyu mula sa mga butaw at patubo na nililikha ng mga ari-ariang bagay sa ibang mga organisasyon o mga indibiduwal.

Ang mga kitambayan mula sa pangunahing mga gawain ng isang negosyo ay iniuulat bilang mga napagbentahan (sales), kinita sa pagbebenta (sales revenue), o netong benta (net sales). Kasama rito ang mga pagbabalik ng produkto at mga diskuwento para sa maagang pagbabayad ng mga resibo ng mga bayarin o mga babayaran. Karamihan sa mga negosyo ang mayroon ding kitambayan na nakatiyap sa pangunahing mga gawain ng negosyo, katulad ng interes o tubo na kinita mula sa mga deposito sa isang akawnt ng pangangailangan. Kabilang ito sa kitambayan subalit hindi kasama sa neto ng mga naibenta.[5] Hindi kasama sa kita ng napagbentahan ang buwis sa pagbebenta na nalikom ng negosyo. Ang “ibang kitambayan” (ang other revenue, na kilala rin bilang non-operating revenue o “kitambayan na hindi pang-operasyon o hindi pampagpapatakbo ng negosyo”) ay ang kitambayan mula sa periperal o panggilid lamang at hindi panggitna o pangunahing mga operasyon o gawain. Bilang halimbawa, ang isang kompanya na gumagawa at nagbebenta ng mga sasakyan ay mag-uulat ng rebenyu mula sa pagbebenta ng isang awtomobil bilang isang "regular" na kitambayan. Kapag ang kompanyang iyon din ay nagpahiram ng isang bahagi ng isa sa mga gusali nito, irerekord ito ng kompanya bilang “iba pang rebenyu” at ipapahayag ito na nakahiwalay sa kanyang pahayag ng mga kinita upang maipakita na nagmula ito mula sa isang bagay na nakabukod sa mga pangunahing gawain ng kompanya.

Pagsusuri ng pahayag na pampananalapi

baguhin

Ang kitambayan ay isang importanteng bahagi ng pagsusuri ng pahayag na pangsalapi. Ang kahusayan sa pagganap ng kompanya ay sinusukat na pinaghahambing ang mga pumapasok na mga pag-aari (mga kitambayan) at ang paglabas ng mga ari-arian (mga gastusin). Ang resulta ng ekwasyong ito ay ang netong kita (net income), subalit ang rebenyu ay karaniwang nakakatanggap ng pantay o patas na pagpansin habang mayroon ng pampamantayang pagtawag sa mga kinita. Kapag ang kompanya ay nagpapakita ng buo o solidong kaunlaran, maaaring tanawin ng mga manunuri ang pagganap ng kompanya bilang positibo, bagaman ang kaunlaran na pangkinita ay hindi kumikilos o walang paggalaw. Sa kabaliktaran, ang paglaking may mataas na kinita ay magiging mali o “may mantas” kapag ang kompanya ay nabigo sa paglikha ng mahalagang kaunlaran na pangkinikita. Ang nagpapatuloy na paglaki o pag-unlad ng rebenyu, pati na ang paglaki ng kita, ay itinuturing na mahalaga para sa ibinebentang mga kaparte (stock) ng kompanya upang maging kaakit-akit sa mga taong namumuhunan.

Ang kitambayan o rebenyu ay ginagamit bilang isang tanda o indikasyon ng kalidad ng mga nalilikom. May ilang mga tumbasang pampananalapi na nakadikit dito, na ang pinakamahalaga ay ang hangganang walang bawas o gross margin at ang hangganan ng kinita o profit margin. Gayundin, ginagamit ng mga kompanya ang kitambayan upang malaman ang gastos sa masamang pagkakautang na ginagamit ang metodo ng pagpapahayag ng kita.

Ang Presyo / Napagbentahan (Price/Sales) ay paminsan-minsang ginagamit bilang panghalili para sa tumbasan ng presyo at kita o price to earnings ratio (P/E ratio), kapag ang mga nalilikom ay negatibo at ang P/E ay walang kabuluhan. Bagaman ang kompanya ay mayroong kitang negatibo, halos palagian itong mayroong positibong kitambayan o kitang-negosyo.

Ang gross margin o hangganang walang bawas ay isang pagsusuma ng kitambayan na inawas na ang halaga ng mga bagay na naipagbili, at ginagamit upang alamin kung gaano kabuti natatakpan ng pagbebenta ang tuwirang nababagong mga halaga na may kaugnayan sa paglikha ng mga produkto.

Ang netong kita/benta, o hangganan ng kita, ay kinakalkula ng mga namumuhunan upang alamin ang kung gaano katalab ang isang kompanya sa gawain ng pagbago ng kitambayan upang maging bentahe o pakinabang.

Kitambayan ng pamahalaan

baguhin

Kabilang sa kitambayan ng pamahalaan ang lahat ng mga dami ng salapi (iyong mga buwis at/o butaw) na tinaggap magmula sa mga napagkukunang nasa labas ng katawan ng pamahalaan. Sa pangkaraniwan, ang malalaking mga gobyerno ay mayroong isang ahensiya ng pamahalaan o kagawarang nangangasiwa ng paglilikom ng rebenyu ng pamahalaan mula sa mga kompanya at mga indibiduwal.[6]

Maaaring kabilang pa din sa kitambayan ng gobyerno ang nakalimbag na umiiral na salapi ng bangko ng reserba. Itinatala ito bilang isang pauna sa bangko ng tingi na may kasamang nakapasok na katugmang nakakalat o nasa sirkulasyong salaping umiiral o kurensiya. Ang kita ay hinahango mul sa opisyal na antas ng nakahandang salapi na babayaran ng mga bangko ng tingi para sa mga instrumentong katulad ng mga bayarin na nasa loob ng 90 araw na taning. Mayroong katanungan hinggil sa kung ang paggamit ng heneriko mga pamantayan sa akawnting na nakabatay sa negosyo ay maaaring makapagbigay ng isang patas at tumpak na larawan ng mga akawnt ng pamahalaan, na nakapaloob dito ang isang pahayag ng patakarang pampananalapi para sa bangko ng reserbang nagdidirekta o nangangasiwa ng isang positibong antas ng pagpapalaki (inflation). Ang probisyon ng gastos para sa pagbalik ng salaping umiiral papunta sa bangko ng reserba ay isang malaking sagisag lamang na nakapaloob dito, sapagkat upang kanselahin o balewalain nang buo ang probisyon o pagbibigay ng salaping umiiral na nasa sirkulasyon o nakakalat, dapat na maibalik ang lahat ng salaping umiiral papunta doon sa bangko ng reserba at makansela o mapawalang-bisa.

Tingnan din

baguhin
 
Wiktionary
Tingnan ang revenue sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga tala at mga sanggunian

baguhin
  1. Williams, Jan R.; Susan F. Haka, Mark S. Bettner, Joseph V. Carcello (2008). Financial & Managerial Accounting. McGraw-Hill Irwin. p. 199. ISBN 9780072996500.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Ang kahulugang ito ay ibinatay sa IAS 18.
  2. Williams, p.51
  3. 2006 Mga instruksiyon para sa Form 990 at Form 990-EZ Naka-arkibo 2009-08-25 sa Wayback Machine., US Department of the Treasury, p. 22
  4. Williams, p. 196
  5. Williams, p. 647
  6. HM Revenue & Customs (United Kingdom) Office of the Revenue Commissioners (Ireland) Internal Revenue Service bureau, Department of the Treasury (United States) Naka-arkibo 2010-04-21 sa Wayback Machine. Missouri Department of Revenue Louisiana Department of Revenue Naka-arkibo 2017-06-05 sa Wayback Machine.