Malalang sakit

(Idinirekta mula sa Sakit na kroniko)

Ang malalang sakit (Ingles: chronic disease, chronic illness, at chronic sickness) ay isang paglalarawan ng karamdamang pangmatagalan, tuluy-tuloy, palagian, at talamak ang antas o kalagayan.[1]

Isa itong kronikong kondisyon na isang kondisyon o sakit ng kalusugan ng tao na paulit-ulit o kung hindi man matagal sa mga epekto nito o isang sakit na dumating sa paglipas ng panahon. Kadalasang nailalapat ang katawagang kroniko kapag ang kurso ng sakit ay tumagal ng higit sa tatlong buwan. Kabilang sa karaniwang kronikong sakit ang rayuma, hika, kanser, chronic obstructive pulmonary disease, diabetes, sakit na lyme, at ilang mga sakit dulot ng virus tulad ng hepatitis C at acquired immunodeficiency syndrome. Isang pagkakasakit na habambuhay dahil natatapos sa kamatayan ang isang terminal na pagkakasakit. Posible at hindi inaasahan ito para sa isang pagkakasakit na nagbago sa depinisyon mula terminal tungo sa kroniko. Halimbawa, ang diabetes at HIV na minsang terminal ay tinuturing ngayon kroniko dahil mayroon nang insulin para sa diabetiko at pang-araw-araw na panggamot para sa mga indibiduwal na may HIV na pinapahintulot ang mga indibiduwal na ito na mabuhay habang napapamahalaan ang mga sintomas.[2]

Sa medisina, napagkakaiba ang kronikong kondisyon mula sa isa na may matinding karamdaman. Tipikal na naapektuhan ang may isang matinding kondisyon sa isang bahagi ng katawan at tumutugon sa paggamot. Sa isang banda, kadalasang naapektuhan ang isang may kronikong kondisyon ang maraming bahagi ng katawan, na hindi lubusang tuuugon sa paggamot, at nagpapatuloy sa pinatagal na panahon.[3]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Chronic, kroniko - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Bernell S, Howard SW (2016-08-02). "Use Your Words Carefully: What Is a Chronic Disease?". Frontiers in Public Health (sa wikang Ingles). 4: 159. doi:10.3389/fpubh.2016.00159. PMC 4969287. PMID 27532034.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jaeger J, Borod JC, Peselow E (Setyembre 1996). "Facial expression of positive and negative emotions in patients with unipolar depression". Journal of Affective Disorders (sa wikang Ingles). 11 (1): 43–50. doi:10.1097/00006416-199609000-00014. PMC 2944927. PMID 2944927.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)