Sampaguita

espesye ng sampaga
(Idinirekta mula sa Sampagita)

Ang sampaguita (jasminum sambac) o kampupot ay isang uri ng sampaga na katutubo sa Asya tropikal, mula subkontinenteng Indiyo hanggang sa Timog-silangang Asya.[1][2] Itinatanim ito sa maraming lugar, lalo na sa Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog-silangang Asya. Naturalisado ito sa maraming nakakalat na lokalidad: Mawrisyo, Madagaskar, Maldibes, Pulo ng Christmas Chiapas, Gitnang Amerika, timog Florida, Bahamas, Kuba, Hispaniola, Hamayka, Porto Riko, at Antilyas Menores.[3][4][5]

Sampaguita
Isang sampaguita mula sa La Paz, Tarlac
Mga kuwintas na yari sa sampaguita
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Lamiales
Pamilya: Oleaceae
Sari: Jasminum
Espesye:
J. sambac
Pangalang binomial
Jasminum sambac

Isang maliit na palumpong o baging ang sampaguita na umaabot sa taas mula 0.5 hanggang 3 m (1.6 hanggang 9.8 tal). Malawakang itinatanim ito dahil sa kaakit-akit at mababango na bulaklak nito. Maaaring ipampabango ang mga bulaklak sa mga pabango at tsaang hasmin. Ito ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.[6][7] pati na rin isa sa tatlong pambansang bulaklak ng Indonesya, kung saan tinatawag itong melati putih.

Paglilinang

baguhin

Ang bango't halimuyak ng sampaguita ay ang natatanging katangian nito. Itinatanim ito nang malawakan sa tropiko mula tangway ng Arabya hanggang Timog-silangang Asya at Kapuluang Pasipiko bilang halamang palamuti at para sa masasamyong bulaklak nito.[8] Mayroon itong iilang kultibar.[9]

Kahalagahan

baguhin

Timog-silangang Asya

baguhin

Pilipinas

baguhin

Ginawang pambansang bulaklak ng Pilipinas ang sampaguita noong ika-1 ng Pebrero 1934 sa Proklamasyon Blg. 652 na inisyu ng Amerikanong Gobernador-Heneral na si Frank Murphy.[10][11][12]

 
Isang mananampaguita sa labas ng paaralang Katoliko sa Pateros, Maynila
 
Isang sampaguitang kuwintas na binili sa Pilipinas

Hango ang pinakakilalang pangalan nito, "sampaguita", mula sa Pilipinong Kastilang sampaguita; mula sa Tagalog na sampaga ("hasmin", isang salita na direktang hiniram mula sa Indiyanong Sanskritong salita na campaka), at ang hulaping diminutibo sa Kastila na -ita.[13][14] May mga katutubong katawagan din ito, kabilang dito ang kampupot sa Tagalog; kulatai, pongso, or kampupot sa Kapampangan; manul sa mga wikang Bisaya; lumabi o malul sa Maguindanao; at hubar o malur sa Tausug.[15]

Tinatalian ng mga Pilipino ang mga bulaklak para makabuo ng mga kuwintas, kurpinyo, at kahit korona.[16][17] Binubuo ang mga kuwintas ng bulaklak na magkakalayo-layo sa isa't isa o ng mga dikit-dikit na usbong. Karaniwan itong ibinebenta ng mga mananampaguita sa labas ng mga simbahan at malapit sa mga interseksyon ng kalye.[18]

Ginagamit ang mga sampaguitang kuwintas sa pagbibigay-galang, pitagan, o parangal.[19] Pangunahing ginagamit ang mga ito sa pag-aadorno ng mga relihiyosong imahen, mga relihiyosong prusisyon at mga larawan ng mga patay sa mga altar. Isinasabit ito sa leeg ng mga buhay na tao katulad ng mga dignitaryo, bisita, at minsan, mga magtatapos na mag-aaral. Kadalasang ginagamit ang mga putot na nakasabit sa mga lubid na ilang metro ang haba upang palamutihan ang mga pormal na kaganapan tulad ng mga okasyon ng estado sa Palasyo ng Malakanyang, mga kasalan, at kung minsan ay ginagawang laso sa mga seremonya ng pagputol ng laso. Bagama't nakakain, bihirang isangkap ang bulaklak sa lutuin. Isang di-pangkaraniwang halimbawa ang pampalasa sa sorbetes.

Sampaguita ang paksa ng kantang danza, La Flor de Manila, kinatha ni Dolores Paterno noong 1879. Sumikat ang kanta noong Komonwelt at itinuturing ngayon na isang klasiko sa romansa.[20] Kapangalan din ng bulaklak ang kantang El Collar de Sampaguita. Hango sa sampaguita ang disenyo ng sulong seremonyal para sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2019, na idinisenyo ng Pilipinong iskultor na si Daniel Dela Cruz.[21][22]

Indonesya

baguhin
 
Isang nobyang Habanesa sa Surakarta na pinalamutian ng pihikang roncen melati (girnaldang hasmin)

Isa ang sampaguita (Indones: melati putih) sa mga tatlong pambansang bulaklak ng Indonesia, ang dalawa pa ay phalaenopsis amabilis at rafflesia arnoldii.[11] Bagama't noong 1990 lang ito inanunsyo nang opisyal noong Pandaigdigang Araw ng Kalikasan at ipinatupad ng batas sa Kautusan ng Pangulo Blg. 4 noong 1993,[23] matagal nang mahalaga ang sampaguita sa kulturang Indones. Mula nang mabuo ang republika ng Indonesia sa panahon ng paghahari ni Sukarno, di-opisyal na nakilala ang melati putih bilang ang pambansang bulaklak ng Indonesya. May kaugnayan ang pagpipitagan at ang mataas na katayuan nito sa kahalagahan nitong bulaklak sa tradisyong Indones mula noong sinaunang panahon.

Matagal na itong itinuturing na sagradong bulaklak sa tradisyong Indones, dahil sumisimbolo ito ng kadalisayan, kabanalan, at katapatan. Kumakatawan din ito sa kagandahan ng kayumian; isang maliit at payak na puting bulaklak na may napakabangong amoy. Ito rin ang pinakalaganap na bulaklak sa mga kasalan ng mga etnikong Indones, lalo na sa pulo ng Java.[24]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Jasminum sambac". Missouri Botanical Garden (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Olveros-Belardo, Luz; Smith, Roger M.; Ocampo, Milagros P. (990). "Some Components of the Absolute of the Rowers of Jasminum sambac (l.) Ait" (PDF). Transactions of the National Academy of Science and Technology (sa wikang Ingles). 12 (6): 129–140.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fernando C. Sanchez Jr.; Dante Santiago; Caroline P. Khe (2010). "Production Management Practices of Jasmine (Jasminum sambac (L.) Aiton) in the Philippines" [Mga Kasanayan sa Pamamahala ng Produksyon ng Sampaguita (Jasminum sambac (L.) Aiton) sa Pilipinas] (PDF). Journal of the International Society for Southeast Asian Agricultural Sciences (sa wikang Ingles). 16 (2): 126–136. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 28 Hunyo 2011. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Plants of the World Online | Kew Science" [Halaman ng Mundo sa Onlayn | Kew Science]. Plants of the World Online (sa wikang Ingles).
  5. "Biota of North America Program" [Programa ng Biota ng Hilagang Amerika] (sa wikang Ingles).
  6. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  7. Pangilinan Jr., Leon (3 Oktubre 2014). "In Focus: 9 Facts You May Not Know About Philippine National Symbols" [Nakapokus: 9 Katotohanan na Maaaring Hindi Mo Alam Tungkol sa Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Nobyembre 2016. Nakuha noong 8 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Tony Walsh (2004). "Jasmine Scents of Arabia" [Mga Amoy Sampaga ng Arabya] (PDF). Arab News Review (sa wikang Ingles). Saudi Research & Publishing Company (SRPC): 1–3. ISSN 0254-833X. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Pebrero 2012. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. B.K. Banerji; A.K. Dwivedi. "Fragrant world of Jasmine" [Mundong halimuyak ng sampaga] (sa wikang Ingles). Floriculture Today, National Botanical Research Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2010. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Philippine Fast Facts: National Flower: Sampaguita" [Mabilis na Kaalaman ukol sa Pilipinas: Pambansang Bulaklak: Sampaguita] (sa wikang Ingles). National Commission for Culture and the Arts, Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Setyembre 2008. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "ASEAN National Flowers" [Mga Pambansang Bulaklak ng ASEAN] (sa wikang Ingles). ASEAN secretariat. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2011. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. W. Arthur Whistler (2000). Tropical ornamentals: a guide [Tropikal na pang-adorno: isang gabay] (sa wikang Ingles). Timber Press. pp. 284–285. ISBN 978-0-88192-475-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Jean-Paul G. POTET (2013). Arabian and Persian loanwords in Tagalog [Mga salitang hiniram ng Tagalog mula sa Arabe at Persa] (sa wikang Ingles), pa. 250.
  14. "sampaguita". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Lim, T.K. (2014). Edible Medicinal and Non Medicinal Plants [Mga Nakakain na Halamang Medisinal at Di-medisinal] (sa wikang Ingles). Bol. 8, Flowers. Springer. p. 530. ISBN 9789401787482.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Teresita L. Rosario. "Cut Flower Production in the Philippines" [Produksiyon ng Ginupit na Bulaklak sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Greg Nickles (2002). Philippines: the people [Pilipinas: ang mga tao]. The lands, peoples, and cultures (sa wikang Ingles). Crabtree Publishing Company. p. 27. ISBN 978-0-7787-9353-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Robert H. Boyer (2010). Sundays in Manila [Mga Linggo sa Maynila] (sa wikang Ingles). UP Press. p. 230. ISBN 978-971-542-630-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Jericho (2024-01-26). "Sampaguita Necklace in the Philippines and its Significance" [Sampaguitang Kuwintas sa Pilipinas at ang Kahalagahan Nito]. LikhaDito (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Himig: The Filipino Music Collection of FHL. "Dolores Paterno" (sa wikang Ingles). Filipinas Heritage Library and the Ayala Foundation. Nakuha noong 26 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Garcia, Maria Angelica (24 Oktubre 2019). "SEA Games torch inspired by the sampaguita" [Sulo ng Palarong SEA, hango sa sampaguita]. GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Aglibot, Joanna Rose (23 Agosto 2019). "Sampaguita-inspired torch ready for 30th SEA Games" [Sulong hango sa sampaguita, handa na para sa ika-30 Palarong SEA]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Keputusan Presiden No. 4 Tahun 1993" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Toto Sutater; Kusumah Effendie. "Cut Flower Production in Indonesia" [Produksiyon ng Ginupit na Bulaklak sa Indonesya] (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)